in the silence

Tuesday, January 31, 2006

updates....

a. i won the elections
hanggang ngayon, di pa rin lubusang natatanggap ang lahat. hindi naman sa hindi ko matanggap, hindi ko lang masabayan ang bilis ng mga pangyayari. parang kahapon lang di ko pa sigurado kung tatakbo ako o hindi, ngayon alam ko na ang resulta. nanalo ako. masaya ako kasi nalaman kong marami pala ang nagtitiwala sa akin at mas marami pa akong maitututlong pero hindi ko alam kung bakit parang may bahagi ng sarili ko ang hindi nasisiyahan. marami akong inaalala pero nababawasan lahat iyon habang lalo kong naiintindihan ang mga bagay-bagay. takot ako sa pagbabago pero ngayon haharap ako sa isang napakalaking pagbabago. alam kong maraming pagsubok ang aking dadaanan pero maraming tao ang sumusuporta sa akin kaya hindi na ako gaanong kinakabahan. i can do this...

b. i got my first F
oo. tama ang nababasa mo! nakakuha ako ng F, hindi sa long test ha kundi sa MIDTERMS! biruin mo yun midterms pa ang na-F ko. ang saya di ba! sayang nga eh kasi 2 points na lang D na ako. sayang talaga. buti na lang mabait ang prof ko kaya may paraan pa para makakuha ako ng C. gagawa lang ako ng paper tapos ayos na. pero hindi pa sure C yun. kung hindi maganda yung paper ko, baka D lang ang makuha ko. good luck na lang sa akin. kaya ko ito...

c. i got a C in Org. Chem
buti naman tumaas na ang score ko sa LT. ung first LT kasi D ako. buti naman C na ako ngayon. sana patuloy pang tumaas ang grades ko para mabawi ko ang mababa kong scores. nakakainis nga kasi kung kailan tapos na ang quiz or exam, tsaka ko lang natututunan ang mag bagay-bagay. pero magagamit ko pa naman ang lahat ng iyon sa future. sana lang pagbutihan ko pa ang pag-aaral. nagpapabaya na talaga ako!!!!

d. i walked for 50 minutes last saturday
para sa PE finals ko kasi yun. subukan lang daw namin yung 5km. nilakad ko kasi ayaw ko pa munang tumakbo. nagsimula ako ng mga 6:30 AM medyo madilim pa nga nun eh. ayun nilakad ko... nakakapagod pero after nun ang gaan ng feeling. kahiit na alam kong hindi halata, feeling ko nakakatulong sa akin ang PE ko. sana ipagpatuloy ko ito kahit di ko siya PE. may nakasabay ng apala ako sa paglalakad. hindi naman talagang sabay pero magkasunod kami. ako naglalakad, siya tumatakbo...

yan lang muna.... marami pa akong guston isulat kaya lang hindi ko maiayos eh. baka iba pa ang mailagay ko dito hehehehehe