in the silence

Friday, July 28, 2006

muntik na....

kamusta naman!
hehehe

friday na....
3 days lang ako pumasaok this week dahil sa bagyo....
2 days akong nagkaroon ng long exam
dapat masaya na ako ngayon

pero...
stressed out ako....
dahil sa acads... dahil sa area...

inaamin ko.. hindi ko pa rin gamay ang ginagawa ko...
nakakalungkot kasi pati output at yung mga pinaglilingkuran ko nadadamay
nahihiya na tuloy ako sa kanila...
feeling ko kasi medyo ineffective ako...

ayun... dagdagan mo pa ng flashbacks ng mga nangyari dati...
bakit naman kasi nakatali pa ang isa kong paa sa nakaraan...
ayan, hanggang ngayon minumulto pa ako ng mga alaalang matagal ko nang kinalimutan...

galing akong Proj.3 elementary school kanina...
pumunta ako kasi baka nakalimutan na nilang 1st day ng area namin bukas...
masaya akong pumasok sa gate... excited na rin kasi ako sa area...
pumunta muna ako sa principal, papapirmahan ko kasi yung parent's permit
pagdating ko dun, may ginagawa pa siya. naghintay muna ako.
pagkatapos nung ginagawa niya, pumunta na ako. pinapirmahan ko yung permits.
tinanong ko kung pwede ngayon na matapos..
medyo nagalit siya at ibinagsak sa lamesa ng secretary niya yung mga papel.
lumabas siya ng kuwarto, nilapitan ko yung secretary at sinabi yung gagawin sa permits
sabi ko babalikan ko na lang next week kung hindi matatapos.

pumunta naman ako sa grade 5 adviser
hindi pa rin kasi niya ibinibigay yung top ten
pagdating ko dun, medyo nagalit yung teacher...
bakit hindi daw ako pumunta last week, hindi daw ako marunong tumupad sa na-set na appointment
ang dami niya daw ginagawa ngayon, sumasabay pa daw ako...

ayun... muntik na akong bumigay kanina...
siyempre hindi naman pwede.. nakakahiya
buti na lang nakangiti na sila at tumatawa after some time
akala ko sobrang galit na sila sa akin
ayaw ko mangyari yun kasi baka pati sa ibang nag-eerya maging ganun din sila
nang dahil lang sa akin....

ayun, bago ako umalis, nakangiti na sila...
ako rin nakangiti na
pero sobra... muntik na talaga akong bumigay...
pero hindi pa pala yun ang huli...

pagdating ko naman sa Balanti Elementary School
may problema ullit...
ist area day na bukas... pero hindi pwede sa Balanti
kasi may remedial classes sila, pambawi daw sa mga nawala dahil sa bagyo..
kaya ayun... habang pauwi, iniisip ko kung ano ang gagawin
pero sinabi ko na sa Balanti na wala kaming area bukas...
nasolusyunan din naman ang problema pagkabalik ko sa school

ayun.. naging ok naman ang lahat... pero sobrang stressed out ako...
alam mo yun.. eh may meeting pa naman ang committee ko ngayon, ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila?
isang mukhang hapong-hapo?
isang mukhang nagpapakita ng kahinaan?
ayaw ko ng ganun...

sana naman hindi maging ganun...
ilalabas ko na ito... baka bumigay kapag naipon....