in the silence

Friday, February 23, 2007

exempted....

natakot talaga ako kasi akala ko hindi ko ito maaabot.
hindi kasi ako nagre-recite sa klase. nakikinig ako at isinusulat ko sa notebook ang mga mahahalagang detalye pero hindi tlaaga ako nagsasalita kapag recitation. 10% yun ng grade at natakot ako na baka 0 ang ibigay sa akin ng aking guro. gusto pa naman niya ang mga taong nagpapahayag ng kanilang mga opinyon.

ito lang naman ang inaalala ko. A naman kasi ang score ko sa lahat ng papers, quizzes at long exams. naniniwala naman akong hindi mababa ang nakuha ng aming guro sa 2 report na ibinigay namin sa klase. kinakabahan lang talaga ako sa recitation part ng grade...

kanina ay ibinigay na sa amin ng aming propesor ang grade breakdown. hinayaan niya kaming mag-compute ng aming grado for transparency daw. nang makuha ko ang akin, e2 ang lumabas...
long test - 98 + 92 (30%) 28.5
quizzes - 30/30 (10%) 10
report - 91 + 91 (10%) 9.1
papers - A + A (10%) worst case: 9.2, best case 10
recitation - 92 (10%) 9.2
kapag worst case, 66/70 ako, equivalent to 94.29
kapag best case naman, 66.8/70, equivalent to 95.43

grabe!!!!
either way, A pa rin ang grade ko!!!
sobrang saya ko talaga!!!
masaya akong umuwi... nabawasan na ang load ko ng 3 units.
sana magkaroon na ako ng higit na panahon para mapagtuunan ang mga asignaturang mababa ang nakukuha ko.

maraming,maraming salamat po!!!
:)