in the silence

Sunday, February 04, 2007

nanalo ako....

nanalo po ako sa EB elections sa aming organisasyon. hindi ko ito inaasahan dahil hindi ko naman tiyak kung ano ang tingin sa akin ng mga miyembro bilang isang pinuno nila. madami kasi akong naging mga pagkakamali sa trabaho ko kaya hindi ko talaga inisip na mananalo ako. ang higit kong ikinagulat ay ang naramdaman ko sa pagkapanalo ko. hindi kasi nakuha ang isang kaibigan. iniisip ko na kung hindi ako tumakbo, siya dapat ang nasa posisyon ko ngayon. feeling ko tuloy inagawan ko siya ng pagkakataon. huli kasi akong nagpasa ng aking plataporma at talaga namang hindi ko iyon gaanong napag-isipan. maging ang desisyon kong tumakbo sa eleksyon ay matagal bago nabuo. nahihiya tuloy ako sa kanya. hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

para sa lahat ng naniwala sa akin, maraming maraming salamat
para sa lahat ng inagawan ko o aksidenteng natapakan, patawad.
magiging mahirap ang susunod na taon para sa akin.
huling taon ko na sa unibersidad at marami ang naka-atang sa aking responsibilidad.
sana lamang ay magampanan ko ito ng maayos.
gabayan niyo po ako Panginoon.
hindi ko ito malalagpasan kung wala Ka....