ano ba ang nagpapaiyak sa iyo?
ano ba ang nagpapaiyak sa isang tao?
yan ang tanong ko kanina habang nasa daan ako.
bakit ba umiiyak ang tao?
umiiyak lang ba siya kapag nalulungkot o nagagalit?
may kakilala ako, naiiyak siya kapag sobrang natutuwa.
ang mga tao, umiiyak sa iba't ibang dahilan
ako, madalas akong umiyak kapag nalulungkot o naiinis
kanina, ginawa ko yun
nalulungkot kasi ako
ayaw ko kasing may nagagalit o naiinis sa'kin dahil sa isang pagkakamali
gusto ko naaayos ko agad ang gusot
ayaw ko na kasing mangyari yung tulad ng dati
kahit na mas matanda sa akin ang mga taong nakatunggali ko, hindi ko pa rin gusto ang pakiramdam na inis sila sa'kin
pero nangyari uli siya
may naiinis sa akin ngayon
sa totoo lang hindi ko sigurado, pero base sa pakikitungo niya sa'kin, parang ganun ang nararamdaman niya
nalulungkot ako kasi ako ang may kasalanan
pero nalulungkot din ako kasi bakit parang hindi niya ako iniintindi
bakit parang ang laki-laki ng kasalanan ko
minsan tuloy, naiinis na rin ako sa kanya
ang nakakinis pa, sinisisi ko rin siya
ayaw ko nang tumagal ito kasi kung anu-ano ang maiisip ko
natatakot akong magkaroon ng lamat ang magandang samahan
hindi yun maaari, lalo na ngayong magiging magkatrabaho kami sa loob ng isang taon
natatakot ako
na tumagal ito
na hindi ko makalimutan ito at magtanim ako ng sama ng loob
ayaw kong mangyari yun
sana makipag-usap ka na sa'kin
please...
marami tayong dapat ayusin at pag-usapan
malapit na ang deadline...
<< Home