NMAT...
15 ng abril
ala-sais ng umaga
sa De La Salle University, Taft
St. Joseph Building, Room 210
naka-berdeng t-shirt, pants at rubber shoes
may dalang black bag
ang laman: personal stuff, pencil case, survival kit, panyo, payong, planner, plastic bags, wallet
lunch: 3 ham ang mayo sandwich at ice-cold water
bakit? NMAT exam
ayun, kumuha ako ng NMAT (National Medical Admission Test)
ito ang magtatakda kung anong med school ang maaari kong pasukan
dahil dito, dapat maghanda ng sobra
para hindi na umulit pa
kaya lang, 2 linggo lamang ang panahon para mag-aral
March 29 na kasi natapos ang klase ko
marami pa akong extra curricular activities
at ang tamad ko ring mag-aral
dahil dito, hindi talaga ako lubos na nakapaghanda
dumating ako sa La Salle
may kaunting nalalaman
ang iba, stock knowledge na lang
kinakabahan ako kasi parang ang gagaling ng mga kasama ko
yung iba nag-last minute review pa
nagkaroon pa ng 1 oras na paghihintay
8 pa daw ang simula ng exam
kinakabahan na talaga ako
natatakot akong mababa ang makuha kong marka
bago magsimula, nagdasala ako
sa mga oras na ganito, siya lang talaga ang nakakatulong at nakakasama ko
kinuha ko ang pagsusulit
hindi ko natapos ang unang bahagi, Logic and Perceptual Ability
paborito ko iyon pero hindi ko natapos
pero natuwa ako habang nagsasagot
kaya lang di ko nga natapos
higit sa 10 puntos ang nawala kaagad sa akin
higit na madali ang ikalawang bahagi
natapos ko siya
pero hindi ko tiyak ang mga naging sagot ko
lalo na sa chem at physics
pagkatapos ng pagsusulit
hindi ko alam ang mangyayari
ang sinasabi ko sa iba
madali lang siya, kung nakapag-aral ka
ilang linggo din ang lumipas
lahat kaming magkakaklase ay naghihintay
kinakabahan, natatakot na baka kailangan pa naming umulit
pero hindi na pala
ika-7 ng Mayo
gabi, natanggap na ng ilan sa amin ang sulat
marami ang masaya, may ilan namang hindi nagustuhan ang nakita
tatlo sa amin ang line of 9
nakuha nila 93, 97 at 98
dalawa naman ang line of 8
nakuha nila 84 at 86
ako wala pa...
ika-9 ng Mayo
natanggap ng ka-close ko sa block ang grade niya
93 siya
ako wala
pa rin
ika-10 ng Mayo
natatakot na ako
lagi kong iniisip kung ano ang nakuha ko
minsan iniisip ko, pa'no kaya ako mag-aaral sa december?
pa'no ko kaya sasabihin kina mama at papa na kailangan kong umulit
sayang naman ang 2000 pesos
tapos habang bumababa sa hagdan, naisip ko
OK lang na maghinta, tapos maganda ang resulta
nakakatakot maghintay kapag pangit pala ang hinihintay mo
maaaga akong umuwi sa bahay
habang naglalakad sa steet namin, iniisip ko na kung dumating na ba ang sulat
pagkarating sa bahay, nakalimutan ko ito
nalaman ko na lamang na dumating ang sulat dahil binanggit ng tita ko
binuksan ko agad
ang bumungad sa akin...
percentile rank: 96
waaahhhh
sobrang saya ko
ang saya kasi hindi nasayang ang lahat
maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin
sa lahat ng naniwala na kaya ko
at siyempre... maraming salamat po sa Inyo
simula pa lang ito
marami pang dapat gawin
bago ko maaabot ang pangarap ko
ang maging doktora
<< Home