in the silence

Thursday, May 24, 2007

pag-iyak (part 2)....

kamusta naman yun
naiyak ako kanina habang pauwi sa bahay
kasi hindi ko pa naaayos ang gusot na nangyari kahapon
nagiging malamig na siya sa akin
ayaw kong patagalin pa ito
pero ayaw niyang magbigay ng effort para ayusin ang mga bagay-bagay

umiyak ako kasi nalulungkot ako
alam kong ako ang may kasalanan
umiyak ako kasi naiinis ako sa kanya
parang ang laki-laki nang kasalanan ko, tapos parang wala siyang naging pagkukulang
naiinis ako kasi ayaw niyang mag-effort na kausapin ako at sabihin sa akin ang problema
umiyak ako, pero hindi ko talaga alam kung bakit

naisip ko nga, kapag iniyakan mo ba ang isang bagay, ibig bang sabihin mahalaga ito para sa iyo?

ayun nga, sa jeep ako umiiyak, pero pinipigil ko kasi nakakhiya naman sa mga kasabay ko.
nag-taxi ako nung sumunod na biyahe, maagang naubos yung sakay sa likod
walang nakatingin sa akin
sa loob ng halos 5 minuto, hinayaan kong tumulo ang mga luhang kinikimkim ko
nagpipigil pa rin ako kasi baka mahalata at baka mag-ingay pa ako
sa pag-iyak ko na lamang nailalabas ang lahat
dahil dito, gumagaan kahit papaano ang pakiramdam ko
pero kulang pa rin
mabigat pa rin siya

sana magkaroon ako ng pagkakataong iiyak ang lahat...