paggising sa kadiliman....
medyo namumugto pa ang mga mata ko
nasa harapan pa ako ng PC
kamusta naman yan... di ko na mabasa ang nasa screen
naghihilamos ako
binasa ko ang aking mga mata
sabi nila masama daw basain ang mata kapag pagod
hindi ko pinansin ang babalang pumasok sa isip ko
pagkasara ng gripo... napaisip ako
pa'no kung isang araw, magising na lang ako sa kadiliman?
pa'no kung bigla na lamang mawala ang paningin ko?
ano kaya ang una kong gagawin? sisigaw? iiyak? magdadasal?
ano na ang mangyayari sa akin? makakapag-aral pa kaya ako?
malamang hindi ko na maitutuloy ang pagiging doktora
ano na kaya ang gagawin ko kung magkaganoon nga?
hindi ko na makikita ang makulay na mundo
hindi ko na makikita ang mga ngiti sa labi ng mga tao
hindi ko na makikita ang mukha ng mga taong nagpapasaya sa akin...
lahat ng mga tanong ito gumulo sa akin
ano nga kaya ang gagawin ko kung mabulag ako?
ano kaya ang buhay na nakalaan sa akin?
hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na ito....
sana lang talaga hindi mangyari ito...
<< Home