in the silence

Sunday, August 26, 2007

ang nagagawa ng pagod... (wala lang post)

ganun pala yun kapag napapagod ka
tapos parang wala kang karamay
mapapaiyak ka na lang
kapag umiiyak ka na, makakaramdam ka ng pagkaligaw
tapos tatanungin mo na lang kung bakit ka nga ba umiiyak
tapos matatauhan ka
ihhinto ang pag-iyak
hindi mo na mailalabas lahat ng frustrations mo sa buhay

tapos gugustuhin mong magkasakit
kahit isang araw lang
para mailabas ang lahat ng stress mo sa katawan

pero yun nga ba ang paraan?
ewan ko
gusto ko lang tumakas kahit sandali lang
ilayo ang sarili ko sa lahat kahit sa maikling panahon lang
para kasing nauubos na ako
ang malabo, parang kulang pa ang ibinibigay ko
parang may maibibigy pa naman ako
pero gusto kong huminto sandali
para kasing nasasakal na ako

kahapon nakaramdam ako ng pag-iisa
may mga kasama ako sa ginagawa ko
pero wala yung mga tao na akala ko makakasama ko sa mga panahong tulad nito
yung mga nagsabi na suportahan ang lahat
alam ko na may dahilan yung iba kung bakit wala sila
pero nalungkot lang talaga ako kasi
ayun nga wala sila para tumulong
kahit pa wala sila gaanong gagawin kapag nandun sila
mahalaga, nandun sila

sinusubukan kong mapuntahan ang lahat para maiparamdam nila ang suporta ko
na hindi sila pababayaan
kahit na may isa pa akong kailangang gawin, inuna ko ang proyektong iyon
para magsilbing inspirasyon (sana nga nagampanan ko ito)
kasi walang mula sa highest batch doon
tapos lahat sila unang pagkakataon pa lamang na pumunta sa ganoong aktibidad
sana sa presensya ko, mabigyan sila ng pakiramdam na hindi sila pinababayaan
marahil mali ang paraan ko ng pag-iisip
marahil ako lang ang nag-iisip ng ganito
pero ito kasi ang tama sa paniwala ko
hindi ko ipipilit na ganito rin ang isipin ninyo
pero sana, sana lang sa susunod nandun na kayo
mahirap kasing mag-isa lang na naniniwala sa isang bagay
mahirap talaga
nakakapagod...