ikaw ulit...
kahapon, nabalitaan kong nagkasunog malapit sa inyo
hindi ko alam kung bakit pero nag-alala ako
vocal ko pang sinasabi sa bahay na baka nadamay kayo
nabubuo sa isip ko ang isang larawan mo na tuliro
hindi alam kung alin ang uunahin
tapos naisip ko, baka busy ka na dahil kasapi ka ng mga volunteers sa baranggay
tapos tnext ko ang isang kakilala
siya ang nagkumbinsi sa aking personal kang kamustahin
pero hindi ka kaagad sumagot
kinabahan tuloy ako
kunga anu-ano na ang naisip kong dahilan kung bakit hindi ka sumasagot
nainis pa nga ako eh
makalipas ang mahigit sa 30 minuto ng pag-aalala
sumagot ka rin
walang sunog sa inyo
at hindi mo pa alam na may sunog, ako lang ang nagsabi
hahahaha nakakatawa
medyo nahiya nga ako eh
pero seryoso , nag-alala talaga ako
ang sinabi ko kay soul dahil hindi pa ata ako nakakaalis sa dati kong mode
hahahaha bakit naman kasi pareho kayo ng pangalan
tapos na ang lahat, wag ka nang makulit
(sarili ko ang sinasabihan ko dito)
<< Home