in the silence

Sunday, April 06, 2008

pakikipagtunggali sa sarili....

naiinis ako sa sarili ko
ngayon talaga nararamdaman ko kung gaano ako kayabang dito sa bahay
kung gaano ko iniisip na kahit papaano mas magaling ako sa kanila
at may mga bagay na hindi nila maiintindihan dahil magkaiba kami ng pinanggagalingan
naiinis ako sa sarili ko
ngayon kasi inihaharap ko sa sarili ko na wala talaga akong pakialam sa pamilya ko
nang buuin ko ang larawan ng aking pangarap, hindi ko sila naisama
para bang hindi nila ako kailangan at sila hindi ko rin kailangan

alam ko namang hindi talaga ako ganito
kailangan ko sila, kahit parang hindi nila ako kailangan
kailangan namin ang isa't isa
hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko sa tuwing ganito ang iisipin ko
hindi ko maintindihan kung bakit nakakaya ko silang saktan ng ganun na lamang
alam ko namang mahalaga sila sa akin, mahal ko sila
pero nagagawa ko silang hindi pansinin, pasakitan sa iba't ibang paraan

nakakainis talaga
para bang lahat ng ginagawa ko kapag nasa bahay ako
karamihan, labag sa mga pinaniniwalaan ko, sa mga pinanghahawakan ko
hindi ko talaga maintindihan, napakalabo ko kapag nasa bahay ako...
susubukan kong unawain ang lahat ng ito
pero isa na naman itong pakikipagtunggali sa sarili ko
hindi ko alam kung may mangyayaring matino pagkatapos nito
pero subukan natin
kailangan ko nang ayusin ang sarili ko bago pa man maging huli ang lahat....