umuulan....
umuulan ngayon
madilim, malamig
hindi nakikita ang araw, nagtatago ito sa makapal na ulap
kakaiba siya, kahapon lang kasi sobrang init at nakakapaso ang sikat ng araw
pero gusto ko talaga ang ganitong panahon
nakararamdama ako ng saya at kapanatagan na may halong kaunting lungkot
minsan nga lang nahihiya ako kasi ang iba ayaw nila ng ganito kasi nakakasagabal sa mga karaniwan nilang ginagawa
ayun nga
masaya ako ngayon
ngayong mga nakaraang araw
kasi napaka-productive ng break ko, ang dami ko talagang nagagawa
at nag dami ko ring sinubukang bago kaya masaya
kahir na may ilang mga bagay na bumabagabag sa akin
kung titimbangin, mas masaya talaga
sana maging ganito hanggang sa mga susunod pang araw
para mas marami akong matapos
inspired lang siguro ako
hindi ko alam kung sino o ano o bakit ako inspired
pero nakakatuwa yung pakiramdam na may nagpupush sa aking kumilos
na may tumutulak sa aking may gawin palagi
ayun
unang araw ng klase ngayon sa Ateneo
miss ko na ang school
miss ko na ang mga tao
miss ko na sila
waaahhh
hahaha kapag iniisip ko yan nalulungkot ako ng onti
pero hindi ko alam, hindi ako lubusang malungkot
umaasa pa rin kasi akong magkikita ulit kami
parang naniniwala akong magkikita pa rin kami kaya hindi ako sobrang nalulungkot
hahahaha
pero nahihiya akong pumunta kasi wala lang
hahahaha
sige na
kung anu-ano na ang sinasabi ko
<< Home