in the silence

Sunday, May 25, 2008

after four years...

high school reunion namin kahapon
muli kong nakasama ang mga kaklase at kaibigan ko noong high school
nakakatuwa, parang walang nagbago, para pa rin kaming mga high school students
ang ilan sa amin nagtatrabaho, ang iba naman nasa huling taon na sa kolehiyo
pero ang bata pa rin namin mag-isip
parang hindi kami nagkalayo ng apat na taon
ang galing at sobrang nakakatuwa talaga
sana nga hindi na natapos ang mga oras na iyon
at sana hindi ako nagkasakit para higit kong na-enjoy ang panahong kasama sila
sayang nga lang at hindi nakasama ang iba lalo na ang barkada
conflict daw kasi sa sched... sana matuloy ang next time...

nung hapon, pumunta kami sa bahay ng isa kong kaibigan
doon kami namalagi, nagkuwentuhan kumain at nanood ng movie
at kamusta naman yun, may dumating
si *****, isang dating "kaibigan"
at may thing pa rin pala kaming dalawa
apat na taon na kaming hindi nagkikita pero kilala pa rin naman niya ako
pagpasok niya ng pinto ako kaagad ang binati niya
sabi niya mukha daw akong bangag (waah hindi naitago ng salamin ko ang totoo)
tumawa na lang ako
magkatapat kami, malapit sa isa't isa pero iilang salita lamang ang dumaan sa pagitan namin
gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan pero nahiya ako
hindi naman siya nag-initiate kaya hindi na rin ako tumuloy
ang cute niya as in super! nakakainis nga kasi hindi naman ako ganun kaganda
tapos mas bumait ang dating niya, hindi maangas tulad ng dati
nakakainis talaga kasi hindi ako makatingin sa kanya, pero ganun pa rin ang mata niya
ayaw kong tumitig kasi baka mawala ako sa sarili ko
kaso umalis na nga ako agad kasi masama ang pakiramdam ko at pinauuwi na rin ako
hinatid nila kami kaso hindi pa rin kami nakapag-usap
tapos hindi pa niya kinuha ang number ko!
waaahhh

hanggang ngayon, hinihiling ko pa rin na bigla siyang magtext o magpadala ng mensahe
waaahhh crush ko pa rin siya :)
hahahahaha ang labo ko

Saturday, May 10, 2008

sa aking pag-uwi....

sabay tayo umuwi kagabi
hindi ko intensyong sumabay sa'yo
naisip ko lang talagang mas makakamura ako kung doon ako dadaan
nagkataon namang uuwi ka na rin pala sa inyo
kaya nagkasabay nga tayo
siyempre natuwa ako
masaya na akong makita ka ngayong araw
inasahan ko na iyon at talagang nasabik ako doon
pero nang magkasabay tayo pauwi, hindi ko alam ang saya talaga ng pakiramdam ko
alam ko na kung saan ka bumababa
kaya kapag may nangyari ulit sa lugar niyo alam ko na siguro kung kailangan ko bang mag-alala
para hindi na maulit yung nangyari dati
hahahaha
sa sobrang saya ko, lumipad na ata pati utak ko
kaya nang kausapin mo ako at may itinanon ka sa akin
sobrang labo talaga ng sagot ko
alam ko naman yung lugar na bababaan ko
hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ang labo ng sagot ko sa iyo
natawa ka pa nga sa akin eh
hahahaha nakakatawa talaga, nahiya naman ako doon
salamat sa muling pagpapaligaya sa akin
na-miss kita
hindi talaga ako nagsasawang tumingin sa'yo :)

Friday, May 09, 2008

kaarawan mo....

kaarawan mo noong nakaraang araw
maaga pa lamang binati na kita
matagal rin bago ka sumagot
nagpasalamat ka
sabi mo pa na-miss mo na kami
sinagot kita
nami-miss ko na rin kayo
hindi ka na sumagot ulit
bakit ba hindi mo nararamdaman kapag gusto kong makipag-usap pa
gusto ko sanang mag-usap pa tayo
pero parang ayaw mo
may gagawin ka pa siguro
busy ka ba sa school? sa trabaho?
sana ok ka lang
sana naging masaya ang 21st birthday mo...
sana magkita na tayo ulit...

Sunday, May 04, 2008

in my heart...

In my Heart
Bukaspalad

In my heart I know my Savior lives

I can hear Him calling tenderly my name
Over sin and death He has prevailed
In His glory, in His new life we partake

I know He lives as He has promised
For me He's risen that from fear I may be free
Not even death can separate me
From Him whose love and might remain in me

In my heart I know my Savior lives
I can hear Him calling tenderly my name
Over sin and death He has prevailed
In His glory, in His new life we partake


For I have seen and touched Him risen
To all the world will I proclaim His majesty
With joy I sing to tell His story
That in our hearts may live His memory

In my heart I know my Savior lives
I can hear Him calling tenderly my name
Over sin and death He has prevailed
In His glory, in His new life we partake


And all the earth shall bow before Him
His blessed name all will adore on bended knee
His truth shall reign, so shall His justice
In Christ, my Savior, let all glory be

In my heart I know my Savior lives
I can hear Him calling tenderly my name
Over sin and death He has prevailed
In His glory, in His new life we partake


In my heart I know my Savior lives
In His glory, in His new life we partake

narinig ko na ang awiting ito noong retreat namin sa Baguio
kahapon, nang dumalo ako sa misa sa may EDSA shrine muli itong inawit ng choir
muli itong tumalab ito sa akin sa paraang iba sa nauna
nabighani ako sa mga salita at sa himig nito
kaya naman hinanap ko kaagad ang kumpletong titik ng awitin
nadagdagan na naman ang pagnanais kong makakuha ng CD ng mga awitib ng bukaspalad
...

Friday, May 02, 2008

3rd day...

it's my third day in school
i think i'm starting to get used to the way things are going
the days seem to be shorter and i'm loving my classes
i have already started reciting in class and i'm more participative in group activities
i've met a lot of new people and i'm spending more time with some old friends
i hang out with a new group of people
i like being with them because it's not hard for us to find a common ground
i feel comfortable around them and i don't feel pressured to act in a certain way
our professors are also good and they are presenting things from a different perspective
i'm learning and realizing many things without putting too much effort
one thing that makes me really excited is that the modules are giving me an opportunity to look back on my college days and make use of the things that i learned through experience
organizational skills come in handy and my experiences working in teams and orgs really help a lot during discussions

i still feel uneasy and nervous at times
especially when the batch gathers during plenaries
but i'm optimistic and really hopeful that i would be able to adjust to the new environment
one thing that i'm not happy about is my failure to be with my former blockmates
i really want to spend time with them but it seems like we live in different worlds
we still greet and chat with each other but i feel uneasy around them
they seem to exhibit their elite side more than they used to
one reason i can't go with them during breaks is my want to save money
i tend to shell out more when i'm with them
actually, the problem is with me
i was away for a very long time that i wasn't able to grow with them during our last year in college
perhaps in the next days things will start going stable since we'll be spending more times together
and we will already be busy doing things in school

tomorrow will be my 4th day in school
GD day, kinda nervous but i'm really looking forward to it
i hope all goes well
God bless to all

nakita kita....

nakita kita kanina
nagulat nga ako kasi matagal kang nawala sa aking kamalayan
hindi naman talaga nawala, tumabi lamang at naitulak sa likod ng aking isipan
pero alam kong nandun ka lang naghihintay
hindi ko naman ninais makita ka
pero nang tignan ko ang likuran ng isa sa aking mga kasamahan
nakita kita
naisip kong suot mo ang stripes mong damit
brown ata yun o maroon
tapos semi-kal ka pa rin
maputi at malinis pa ring tignan
sana nga ikaw yun eh
kaso hindi, nasa kabilang dulo ka ng siyudad
abala sa OJT at paggawa ng thesis mo
kung nasaan ka man sana ok ka
alam mo bang naalala kita
salamat, sa ilang sandali muli mo na naman akong napasaya