in the silence

Wednesday, June 27, 2007

kamusta ka naman....

wala pang dalawang linggo mula nang magsimula ang unang semestre
pero ngayon pa lang, nakararamdam na ako ng pagod
parang mahigit sa isang buwan na akong hindi nagkakaroon ng bakasyon
medyo may katotohanan ito dahil hindi naman talaga ako nagkaroon ng pahinga
mula nang matapos ang summer classes, hindi na ako napirmi sa bahay
lagi na lamang akong nasa labas dahil sa extra curricular activities
ayun nga
sana hindi ako mapagod sa mga ginagawa ko
grabe.. mga kalabuan ko talaga...

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

nalulungkot ako kapag nakikita kitang pagod
nalulungkot ako kapag nakikita kitang malungkot
nalulungkot ako kapag nakikita kitang nasasaktan
nalulungkot ako kapag nagagalit o naiinis ka
nalulungkot ako kapag nararamdaman kong may pinipigil kang emosyon
hindi ko alam kung nararamdaman mo ang pakikiramay ko
hindi ko alam kung alam mong dinadamayan kita
hindi ko alam kung napapansin mong may concern din ako sa'yo
hindi ko alam kung kaibigan na rin ang turing mo sa akin
hindi ko man lubusang maunawaan ang takbo ng isip mo
marami man akong mga tanong na nais masagot
sa ngayon, pare-pareho tayong walang panahon
na sagutin ang mga tanong, alalahanin at linawin ang mga pag-aalangan
sa ngayon, ang hinihiling ko lang talaga, sana tama ang pagbabasa ko sa'yo
sana tama naman ang pag-unawa ko sa mga bagay-bagay
natatakot lamang ako na paggising ko bukas,
malalaman kong iba pala ang nais mong ipahiwatig

ayun lang naman
mabasa mo man ito o hindi
malaman mo mang ikaw ang tinutukoy ko o hindi
ok lang naman sa akin
wala naman akong magagawa rito....
sabi nga ng guro ko sa pilosopiya, "Ganyan lang talaga ang buhay."

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

unang maikling pagsusulit ko sa pilosopiya kanina
nabasa ko ang pinapabasa ng aking guro
nasagot ko naman ang kanyang tanong
sana lamang naging malinaw ang ginawa kong pagpapaliwanag...

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

pinasasaya mo ako
kahit na nakapapagod ang gabi-gabing pagpupulong
napapawi ang lahat kapag nakita na kita, lalo na kapag masaya at nakangiti ka
sana dumating ang panahong ako naman ang makapagpasaya sa'yo
kahit sa mga maliliit lamang na paraan
kahit man lang sa mga gawa o trabaho ko...

Thursday, June 21, 2007

mga bagay-bagay ukol sa pag-ibig....

sabi ng guro ko sa pilosopiya:
MU - Mutual Understanding

MU - Malabong Usapan

vandal sa upuang ginamit ko:
"Love is for fools, who have truly lived."

Sunday, June 17, 2007

tequila and salt....

This should probably be taped to your bathroom mirror where one could read it every day.
You may not realize it, but it's 100% true.

1) There are at least two people in this world that you would die for.
2) At least 15 people in this world love you in some way.
3) The only reason anyone would ever hate you is because they want to be just like you.
4) A smile from you can bring happiness to anyone, even if they don't like you.
5) Every night, SOMEONE thinks about you before they go to sleep.
6) You mean the world to someone.
7) You are special and unique.
8) Someone that you don't even know exists loves you.
9) When you make the biggest mistake ever, something good comes from it.
10) When you think the world has turned its back on you, take another look.
11) Always remember the compliments you received. Forget about the rude remarks.

Always remember.... when life hands you lemons, ask for tequila and salt and call me over!
"Good friends are like stars... You don't see them, but you know they are always there."
"Whenever God closes one door, He always opens another, even though sometimes, it's hell in the hallway."
"I would rather have on rose and a kind word from a friend while I'm here, than a whole truck load when I'm gone."

ponderables....

Can you cry under water?

How important does a person have to be before they are considered assassinated instead of just murdered?

Since bread is square, then why is sandwich meat round?

Why do you have to "put your two cents in"... but it's only a "penny for you thoughts"?
Where's that extra penny going to?

Why does a round pizza come in a square box?

What disease did cured ham actually have?

How is it that we put man on the moon before we figured out it would be a good idea to put wheels on luggage?

Why is it that people say they "slept like a baby" when babies wake up like every two hours?

Why are you IN a movie, but yo're ON TV?

Why do people pay to go up tall buildings and then put money in binoculars to look at things on the ground?

Why do doctors leave the room while you change?
They're going to see you naked anyway.

If a 911 operator has a heart attack, whom does he/she call?

Why is "bra" singular and "panties" plural?

Who was the first person to look at a cow and say, "I think I'll squeeze these dangly things here and drink whatever comes out!"

Or watch a white things come out a chicken behind and think, "that ought to taste good."

Why do toasters always have a setting that burns the toast to a horrible crisp, which no decent human being would eat?

If Jimmy cracks corn and no one cares, why is there a stupid song about him?

Can a hearse carrying a corpse drive in the carpool lane?

Why do people point to their wrist when asking for the time, but don't point to their crotch when they ask where the bathroom is?

Do the Alphabet song and Twinkle, Twinkle Little Star have the same tune?

Why did you just try singing the two songs above?

Did you ever notice that when you blow in a dog's face, he gets mad at you, but when you take him for a car ride; he sticks his head out the window?

Thursday, June 14, 2007

an excerpt from a letter to SJ superior general....

"The pierced side of the Redeemer is the source from which ... we must draw in order to achieve a true knowledge of Jesus, ... understand what it means to know the love of God in Jesus Christ, experience it fixing our gaze on Him, live completely on that experience of His love, and bear witness of it to others.... This mystery of God's love for us not only constitutes the content of veneration and devotion for the Heart of Jesus, it is, in the same way, the content of all true Christian spirituality and devotion.... In fact, being Christian is only possible with our gaze fixed on the cross of our Redeemer."

Letter from Benedict XVI to Fr. Peter-Hans Kolvenbach S.J., superior general of the Society of Jesus

Wednesday, June 06, 2007

pinasasaya mo ako....

malungkot ako kanina
pero mula nang mag-usap tayo, gumaan na ang pakiramdam ko
salamat sa pagtawag mo sa bahay
di man mahaba ang naging pag-uusap natin
masaya pa rin ako

bakit tuwing tumatawag ka at ako ang nakasasagot, lagi mong tinatanong kung ako na yun
di mo ako nabosesan?
nakakatuwa lang
pareho pa rin ang boses mo sa telepono
at nalalaman ko kung inaantok ka na o pagod dahil sa boses mo
nakakatuwa

isa ka sa mga huling nakausap ko ngayong gabi
isa ka sa mga huling maaalaala ko bago matulog

magandang gabi sa'yo!!!

bagong simula....

kababawan part 2...
bahagya nang humupa ang kadramahan ko...
sinisimulan ko nang hanapin ang mga awiting nawala sa akin
3 pa lamang ang nakuha ko
mahaba-haba pa itong trabaho pero kakayanin ko
walang mangyayari kung isisisi ko lamang ito sa iba
kailangan kong kumilos
sana matapos ko ito kaagad para masaya
ayan... napapangiti na ulit ako
kahit na muling nagbalik ang mga alalahanin ko dahil sa pangyayaring ito...

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

sa palagay ko, emotionally imbalanced ako
pabagu-bago kasi ang nararamdaman ko
masaya ako tapos bigla akong malulungkot kapag may naalaala ako
natatakot ako kasi baka makaapekto ito sa trabaho ko
natatakot din ako na ito ang maging hadlang sa pagnanais kong makatulong
sana hindi naman
kailangan ko lang talaga ng makakausap
iyong seryosong usapan
tao na makikinig sa akin
isang tao na hindi magbabago ang tingin sa akin matapos niyang marinig ang lahat
isang tao na masasabihan ko ng lahat at hindi ako makararamdam ng kaba o hiya

sana dumating ka na...
kailangan kita...
(parang masama na ito... depressed ako...)

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

umiral na naman ang kalabuan ko...
bahagya akong natuwa kasi nagpadala ako ng mensahe sa "kanya"
nag-reply siya
pauwi pa lamang siya sa bahay nila
sana maging ligtas at payapa ang biyahe niya
ayun lang... napapangiti ako sa tuwing naaalaala kita
maraming salamat sa iyo... sa inyo
minsan... nasasabi ko ito... "you keep me sane"

paggising sa kadiliman....

medyo namumugto pa ang mga mata ko
nasa harapan pa ako ng PC
kamusta naman yan... di ko na mabasa ang nasa screen
naghihilamos ako
binasa ko ang aking mga mata
sabi nila masama daw basain ang mata kapag pagod
hindi ko pinansin ang babalang pumasok sa isip ko
pagkasara ng gripo... napaisip ako

pa'no kung isang araw, magising na lang ako sa kadiliman?
pa'no kung bigla na lamang mawala ang paningin ko?
ano kaya ang una kong gagawin? sisigaw? iiyak? magdadasal?
ano na ang mangyayari sa akin? makakapag-aral pa kaya ako?
malamang hindi ko na maitutuloy ang pagiging doktora
ano na kaya ang gagawin ko kung magkaganoon nga?
hindi ko na makikita ang makulay na mundo
hindi ko na makikita ang mga ngiti sa labi ng mga tao
hindi ko na makikita ang mukha ng mga taong nagpapasaya sa akin...

lahat ng mga tanong ito gumulo sa akin
ano nga kaya ang gagawin ko kung mabulag ako?
ano kaya ang buhay na nakalaan sa akin?
hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na ito....
sana lang talaga hindi mangyari ito...

paalam sa musika....

kamusta naman talaga ang buhay ko
kahapon lang, isinisigaw ko na sa buong mundo kung gaano ako kasaya
ngayon, balik na naman ako sa ibaba
nawala kasi ang ilan sa mga karamay ko sa lungkot at saya
marahil mababaw ito pero mahalaga kasi sila sa akin

kanina lang, nalaman ko na nawawala ang lahat ng mga songs ko sa PC
nabura silang lahat, nawala na parang bula
wala man lang paalam, walang babala
basta pagkauwi ko sa bahay, sinabi na lang na nawawala ang lahat ng songs ko
OK lang sana kung mga lima o sampu
pero lahat nabura eh... AS IN LAHAT
kamusta naman yan di ba
mga awitin na nga lang ang karamay ko sa mga panahong wala na talaga akong makausap
sila ang iniiyakan ko, kasama ko sa pagsasaya, sa galit, sa lungkot
tapos mawawala sila
pa'no na?
alam kong hindi pa naman katapusan ng mundo
pwede ko pa naman silang hanapin ulit
kaya lang kailan ko pa ulit sila maiipon?
may panahon pa ba ako para gawin yun?
ilang linggo akong maghihintay?
ilang linggo akong magtitiis?
ilang gabi ang kailangan kong tiisin na walang naririnig na katiting sa mga musikang mahal ko

kamusta naman talaga ang buhay
e2 ako ngayon iniiyakan ang mga musikang naglaho
mababaw talaga kung titingnan
pero ganito talaga ako kapag umiiral ang kababawan ko
sana lang talaga.... malagpasan ko ito...

ayaw ko ng iniiwan....

Monday, June 04, 2007

masaya ako....

yey!
maayos na ulit ang ugnayan naming dalawa
hindi na siya galit sa akin.
mabuti na lang. ayaw ko kasing maapektuhan ang trabaho namin.
ayun nga masaya ako.
naniniwala akong mas malapit na kami ngayon sa isa't isa
makakatulong ito para madali nang pag-usapan ang mga problema sa trabaho
sana tuloy-tuloy na ito. more power sa atin!

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

may mga nalaman ako sa kanya.
at may mga nalaman siya tungkol sa akin
mahaba ang mga panahong na nagkakasama kami
bawat segundo mahalaga, masaya...
ngayong mga nakaraang linggo, lagi kaming nag-uusap, magkasama
madalas mang tungkol sa trabaho, masaya pa rin ako
nakakatuwa, kahit minsan nahihiya na rin ako sa kanya
ayaw ko kasi siyang biguin
natatakot akong may magawa ako na ikasasama ng loob niya

sana patuloy na maging ganito
maging mahirap man ang taong ito para sa aming lahat
sana walang bibitaw....

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

ang dami kong nakakausap na alumni
natutuwa ako kasi ang daming kong nalalaman at natututunan mula sa kanila
sana magamit ko ang mga ito para sa ikabubuti ng trabaho ko
inspirasyon sila para sa akin
sana mahalin ko rin ang trabaho ko tulad nila
dumating na sana ang panahong masasabi ko na naangkin ko na ang trabahong ito
na masasabi kong, anuman ang ginagawa ko, akin yun... ako yun....