in the silence
nang maging emo ang mga tao....
sometimes, you need to be deaf for the sake of somebody you need
to be insensitive to lessen the pain
you need to smile for the strength of others
and sometimes you just need to stop coz you're tired of everything....
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
it's hard to live alone
it's harder to choose someone you can love
but the hardest part of loving is...
to admit that you have fallen in love with someone you didn't plan to love.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
never love if you're not prepared to be hurt
never start if you don't have plans to finish
never speak if you don't mean it
most importantly
never say "i love you" if you don't know how.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
i am destined to be in sorrow
blinded by love
longing for affection
reaching for the stars
begging for smiles
wrapped by illusions
imagining kisses
dreaming for touches
hiding pain and anger
and eaten by frustrations...
but still...
waiting for someone who will dig me from the mess i am in...
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
minsan and pag-ibig ay parang pagkain ng butong pakwan.
sobrang effort yung ginagawa mo para makain yung nasa loob
ngunit pagkatapos ng lahat kakarampot lang ang makakain mo....
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Math tells us three of the saddest love stories:
Tangent lines who had one chance to meet and than parted forever.
Parallel lines who were never meant to meet.
And asymptotes who can only get closer and closer, but will never be together....
kapag tumatanda ka nga naman.....
kabilang ka ba sa huling taon ng dekada '80 at mga unang taon ng dekada '90?
> kilala mo sina shaider, bioman at masked rider black
> alam mo ang jingle ng nano-nano
> naglaro ka ng 10-20 (na parang yun lang ang nagma-matter sa life mo)
> alam mo ang universal song na "uwian na"
> nagsayaw ka ng macarena at boombastic (dati feeling mo pa cool ka habang sumasayaw, ngayon nakakahiya na)
> alam mo ang ibig sabihin ng "time first"
> alam mo na importante ang period, no erase! (e2 pa ang punchline before!)
> nilalagyan mo ng pritos ring ang bawat daliri mo (hindi naman nakadaragdag ng lasa pero gustung-gusto mo)
> meron kang pencil case na madaming pindutan (payabangan lang)
> kilala mo si remy, cedie, at princess sarah
o ano... nakaka-miss no?
9 painful things....
1) bringing back the feeling you've learned to forget
2) reminiscing the good times
3) trying to hide what you really feel
4) loving someone who loves another
5) having a commitment with someone that you know wouldn't last
6) shielding your heart to love somebody
7) loving a person too much
8) wight love at the wrong time
9) taking risk to fall in love again
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~~.~.~.~.~.~
kamusta naman yan...
hindi naman ako nagdadrama
minsan nakikita ko rin kasi ang sarili ko sa mga ganitong sitwasyon
tulad na lamang kanina...
hehehe
kadramahan.... limang segundo lang
5 4 3 2 1...
ayan.. tama na
ang labo...
mga tunay na hangarin ng isang lasenggo....
1) sana sa hilo na dulot ng espiritu ng alak, pansamantalang makatakas sa magulong mundo
2) sana sa walang humpay na tawanan at kalokohan, maitago lahat ng sakit at kalungkutan
3) sana sa pag-ikot ng tagay, maisabay at matangay ang problemang nais ibahagi
4) sana sa pagbuga ng usok ng yosi, mailabas ang sama ng loob
5) at sa bawat pagtaas ng bote, sana may mga kaibigang walang sawang kakampay sa tagumpay man o kabiguan
wikang Filipino
natutuwa ako sa wikang Filipino
napakayaman nito
sa pamamagitan nito, naipapahayag mo ang iyong sarili
sa isang paraang kakaiba
mayaman sa kahulugan, sa karanasan
masasalamin ang damdamin sa uri ng salitang gagamitin
hindi ako dati natutuwa sa Filipino
mahilig akong magbasa ng mga akda
ngunit ang ilan sa mga ginagawa namin sa asignaturang ito
ay ginagawa ko lamang dahil kailangan
ngunit matapos ang mahigit sa tatlong taon sa kolehiyo
nagkaroon ako ng isang malalim na pagpapahalaga dito
sabihin na nating minahal ko ang wika ko
higit ko nang naipahahayag ang sarili ko sa wikang Filipino
may damdamin na sa bawat salita
hindi katulad dati na ginagamit ko lamang ito dahil ito ang kinalakhan ko
ang kinagisnan kong wika
bawat sambit ng salita sa wikang Filipino
iba't ibang imahe ang pumapasok sa isip ko
mga karanasan, mga napag-usapan sa klase
ang kasaysayan, mga akda, pilosopiya
ang lahat ng ito nilalaman ng mga salita
malalim, puno ng karanasan
natutuwa ako
dahil nagkaroon ako ng ganitong pag-uunawa
na nabuksan ang pinto patungo sa ganitong pagtingin sa wika
utang ko ito sa lahat ng mga naging guro ko
Bb. Oris, G. Jamendang, G. Bacobo, G. Gealogo, G. Lagliva
hindi man ako nadalian sa kursong itinuturo ninyo
marami akong natutuhan
maraming salamat po!
kuwentong wala lang....
wala lang
yan ang sinasabi ko kapag tinatanong ako ng "Bakit?"
at tinatamad akong magbigay ng paliwanag
o kaya naman ay ayaw kong iparating ang tunay kong saloobin
ito ang sagot ko sa mga mahahalagang pangyayaring tumatalab sa akin
kahit hindi halata...
matagal ko nang nais i-post ito
pero wala akong mahanap na oras para isulat ito
ngayon, susubukan kong balikan ang nakaraan
upang ilahad ang ilang mga karanasang nagpamulat sa akin
at nagpaunawa sa aking biyaya talaga ang buhay
at hindi narin tiyak kung kailan ito makukuha sa atin
ipinaaalaala nito sa aking mag-ingat sa lahat ng oras
natutunan kong maging mapagmasid sa aking paligiddahil hindi natin alam kung kailan sasalubong ang panganib
nasa unang taon pa lamang ako sa mataas na paaralan
sanay na ako sa maynila dahil dito ako lumaki
kahit na sa quezonn city ako nakatira, mas maraming oras ang ginugugol ko sa maynila
dito kasi ako nag-aral mula kinder
wala akong pasok noon, kasama ko ang aking ina
ihahatid niya ako sa paaralan, may panonoorin kasi kaming pagtatanghal
nakasakay kami sa jeep
tahimik lang ako.. pinanonood ang mga dinaraanan namin
minsan kinakausap ko ang aking ina
sa isang istasyon, may sumakay na tatlong lalaki
sa iba't ibang lugar sila naupo
di ko sila pinansin
nang malapit na kami sa C.M. Recto Ave, pumara ang dalawa sa kanila
mabilis ang mga sumunod na pangyayari....
hinablot ng isa sa mga kalalakihan ang hikaw ng dalagang nasa harap ko
ang ikalawang lalaki, walang ginawa pero parang may sinabi siya
parang nagproprotesta sa ginawa ng kasama
gulat ang lahat ng mga tao sa loob ng jeep
ilang segundo lang ang nakalipas, nag-uusap na ang lahat
inilahad ng dalaga ang mga pangyayari, detalyado
mabuti kasama niya ang kanyang ina, hindi siya naluha o nag-hysteria
sabi niya, mabuti na lamang at hikaw ang nakuha sa kanya, peke daw kasi yun
pero yung kwintas niya tunay
bahagya nang napanatag ang loob ng mga tao
biglang may pumarang lalaki
pagdaan niya sa harap ko...
hinablot niya bigla ang kuwintas nang dalaga
natulala na lamang ang dalaga
yung lalaking bumaba, kasama pala siya nung naunang dalawa
hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos nun
bumaba na rin kasi kami ng mama ko
ito ang unang pagkakataong nakasaksi ako ng ganoon
kakaiba sa pakiramdam
ilang oras rin akong ginulo ng tanong na ito:
"Bakit kaya nila ginawa iyon?"
itutuloy....
kung anu-ano lang....
sana wala na.... pero MERON!
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
kamusta naman yan
pasensya na di ko talaga mapigil ang sarili ko
bahagya akong natuwa bago umuwi kanina
sabay kasi kaming naglakad
nung una parang ayaw mo pa
ayaw ko nang isipin kung bakit... baka malungkot lang ako
ayun.. sabay tayo
tapos nagkukuwentuhan
napapatawa mo ako
nakakatuwa kasi nagkukuwento ka at nakikinig ka sa mga sinasabi ko
kahit na ang bilis ng oras at sandali lang yun
masaya talaga ako
parang ang gaan ng pakiramdam
hahaha
one sided
pero salamat sa'yo
hindi ka nabibigong pasayahin ako
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
hindi ko alam kung ano ang gagawin ko
may kaibigan akong problemado ngayon
nalulungkot ako kasi wala akong magawa para matulungan siya
hindi ko alam kung ano ang sasabihin para i-comfort siya
ang nasasabi ko na lang, basta andito ako
magsabi sana siya kapag kailangan niya ng tulong
gagawin ko talaga ang makakaya ko...
'wag kang bibitaw
kaya mo yan
wag mo kailanman iisiping nag-iisa ka....
keepReminding....
re- is a powerful prefix
we tend to forget
the humans we look up to are humans too
not all who wonder are lost
want more? visit this: http://www.keepreminding.blogspot.com/