in the silence

Wednesday, December 26, 2007

ikatlong taon....

hindi ko namalayan...
ikatlong taon na pala ng blog na ito
tatlong taon na pala akong nagsusulat ng kung anu-ano
tatlong taon na pala akong nagbabahagi ng aking sarili

ang bilis
hindi ko talaga namalayan
bihira naman kasi akong mapadaan dito
madalas sa papel ko lamang isinusulat ang lahat
yung mga bagay-bagay na bigla ko na lang naiisip

ayun
kung may nagbabasa man nito, salamat
tatlong taon na... tatagal pa kaya ito?
sana...
kung hindi man, ok lang

marami pa namang posibleng paraan ng pagbabahagi
hehehehehe

Sunday, December 23, 2007

biglaan....

hindi ako handa
nabigla ako nang bigla kang bumaba ng sasakyan
nabigla ako nang sabihin mong hindi ka na sasama
nabigla ako nang malaman kong aalis ka na
hindi ko napaghandaan yun

madalas kasi, kapag alam kong aalis ka na, inihahanda ko ang aking sarili
iniisip ko nang aalis ka kaya hindi ako nabibigla
pero kanina, hindi ko talaga inaasahan
hindi ka man lang kasi nagsabi
basta bumaba ka na lang ng sasakyan at nagsabing hindi ka na tutuloy
sana man lang kung nagtext ka kaagad
pero hindi eh, ginulat mo na lang ako sa desisyon mo

wala na akong nagawa
nagpaalam na ako, sinabi ko ang mga karaniwan kong sinasabi sa tuwing may aalis
pero nalungkot talaga ako
parang gusto kong ibalik ang oras
oras na kasama ka pa namin

dahil wala na talaga akong magawa, nag-text na lamang ako sa'yo
sumagot ka naman, may dahilan ka, naiintindihan ko
gusto ko lang talagang sabihin na nalungkot ako
kasi parang minadali na naman ang mga bagay-bagay
hindi ko nasabayan ang bilis ng pangyayari

bigla ko tuloy naisip, ilang buwan na lang pala
paano kapag dumating na yung oras na yun
ano kaya ang gagawin ko
ikaw ba may gagawin ka? (marahil wala...)

hindi ko alam
hayaan na lamang nating lumipas ang araw
hihintayin ko na lamang ang oras na yun
anuman ang mangyari, paghahandaan ko
ikaw na ang bahala....

Sunday, December 16, 2007

nawala...

kahapon ng hapon, marahil mga ika-5 na yun
namalayan kong nawawala pala ang aking selepono
sinubukan kong alalahanin kung saan ko ito huling nakita
naalala ko sa loob ng banyo, inilapag ko ito sa ibabaw ng shelf
binalikan ko, baka naroon pa iyon
maraming beses ko na kasing naiwan ang seleponong iyon at lagi itong bumabalik
kaya naman hindi ako gaanong nag-aalala
pero nang balikan ko, wala na ito
pero umaasa pa rin akong ibabalik iyon ng sinomang nakakuha
kinausap ko ang mga guards at maintenance ng gusaling kinalalagyan ko
pati yung mga palakad-lakad lang kinausap ko rin
pero nang sinabi nilang isulat ko ang pangalan ko
tumalab na rin sa akin
unti-unti nang pumasok sa sistema ko
wala na nga ang selepono ko
hindi na ito maibabalik sa akin, hindi ko na uli ito makikita
hindi naman talaga malaking kawalan sa akin
ang iniisip ko lamang ay ang mga contact nos. na laman ng seleponong yun
naroon ang lahat ng numero ng mga kakilala ko
lahat ng mga kinakausap ko ukol sa iba't ibang bagay
lahat ng mga katrabaho ko naroon din
nag-alala ako dahil hindi ko na sila makakausap
maraming mga gawain ang maaantala dahil dito
pero wala na akong magagawa
hindi ko na mahahanap pa iyon
nawalan man ako, may isang aral akong napulot
isulat na lahat ng contact nos. ng mga kakilala para kung sakaling mawala ang selepono ok lang

sa ngayon, naghihintay pa ako ng bagong selepono
baka plan na lamang daw ang kunin para sa akin
wala kasi kaming pambili ng bago
hehehe
may bago ngang darating
pero nangungulila pa rin ako sa luma kong selepono
malalim na kasi ang pinagsamahan namin
malayo na ang narating namin ng magkasama
naging kaibigan ko na rin siya
hahaha nakakatawa naman ito...

Saturday, December 08, 2007

a letter...

Dear Soldier,

I see that you are tired. I tell you, drop your sword and put down your shield. Why worry about the fight? After all it's not your battle. It's mine. All you have to do is to be in the battlefield. Then against the thousand who tried to destroy you, there I will stand and rescue you. Winning this war requires neither only me nor only you. But rather ME and YOU. Just do your best and I'll take care of the rest.

Your Commander,
Jesus

Thursday, December 06, 2007

nagaganap na ba ang ikinatatakot ko?

kasabugan
ito ang nararamdaman ko mula pa noong nakaraang linggo
ito ang kinatatakutan ko noong "sembreak"
nang malaman kong gagawa kami ng proyekto, naramdaman ko nang magiging abala ang huling semestreng ito. kaya naman ganoon na lamang ang takot ko. natatakot akong mapagod, natatakot akong mapilitang magpahinga. natatakot akong mawalan ng gana o direksiyon. natatakot ako kasi ang daming maaapektuhan kapag nagkaganito. hindi lamang ang pag-aaral ko kundi maging mga proyekto ko at mga taong kasama ko.
pero sabi ko, kaya ko ito.

medyo maayos naman ang simula ng semestre.
halos araw-araw pagod-pagod. registration week pa nga lang puyat na. pero kaya pa.
ngayon, naiipon na siya. nagkakaroon na ata ng epekto sa akin ang lahat...
unti-unti nang nagaganap ang kinatatakutan ko.
ang sabog ko ngayong mga nakaraang araw.
lagi akong inaantok, bigla-bigla na lang nalulungkot, nahihirapang balansehin ang mga bagay-bagay maging ang sarili...
tapos ang sabog ko sa acads. nahihirapan akong mahalin ang philo ko ngayon at lumilipad ang utak kapag may quiz.
dagdag pa dito ang pagkabagabag na nadarama ko ngayong semestre.
ang dami kong kinukuwestiyon ukol sa paligid ko at sa aking sarili.
karamihan sa mga bagay na parang ok lang sa akin dati, tinutuligsa ko na ngayon
ang mahirap pa, nasa loob ko lamang ang gulong ito
sa palagay ko kasi naipon ang lahat ng isyu ko sa buhay at ngayon, hinihingi na sa aking harapin ang lahat ng ito.
napakaganda nga namang panahon para dito
ngayong huling semestre pa nayayanig ang mga batayang paniniwala ko.
ngayon pa ako nabagabag ng ganito.
sabay itong mabuti at masama para sa akin.
mabuti dahil nabagabag ako at higit ko nang pinagninilayan ang buhay ko
masama nang kaunti dahil hindi ko mapagtuunan ng atensyon ang mga bagay-bagay...
kinakain nito ang oras ko sa pag-iisip at pagdadrama kung minsan....

ayun nga
dumadaan ako sa isang krisis ngayon
natatakot ako sa mga posibleng maganap sa mga susunod na araw
sana lamang talaga ayusin ko na ang sarili ko
ang dami na talagang naaapektuhan
waaaaahhhhhh

nalulungkot
naguguluhan
napapagod
inaantok
natatawa
nangungulila
naghahanap
nalilito

pero sa huli, bakit may rason pa rin ako para ngumiti at maging masaya
kahit papaano....

Wednesday, December 05, 2007

number 7....

What's with the number 7?
Why is it God's perfect number? When in fact, 7 is an odd number?
Just think,
there are 7 DAYS in a week
7 WONDERS of the world
In the Bible, you must forgive 70 x 7.
Even the word FORGIVE has 7 letters.
There were 7 last words.
The rainbow has 7 COLORS and the word RAINBOW has 7 letter, even the word PROMISE.
Maybe God designed it.
For even the word MYSTERY has 7 letters.
Begin to see all the 7s in life.