in the silence

Tuesday, October 31, 2006

maraming salamat....

hindi ko inaasahan ang mga komento niyo sa akin
hindi ko talaga inaasahan
maraming salamat sa tulong at suporta
maraming salamat sa lahat
kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makakaya ang trabahong ito
hindi ko magagawa yung mga nagawa ko kung wala kayo
tinulungan niyo akong lumabas sa kulungan ko
maraming salamat sa inyo
lumawak ang abot-tanaw ko
tumubo ako bilang tao
hindi sapat ang mga salita para pasalamatan kayo
sama-sama nating harapin ang mga pagsubok na darating
maikli na lamang ang panahon ng pamumuno ko
pero naging masaya ako dahil kayo ang pinamunuan ko
hindi niyo ako iniwan kahit alam niyong hindi ko gamay ang trabahong ibinigay sa akin
maraming salamat talaga....

Friday, October 20, 2006

habang kinakausap ang sarili sa loob ng chapel....

maaga akong pumasok sa paaralan upang tumambay sa computer lab
sobrang hindi na kasi ako gaanong nakapagbubukas ng internet dahil sa pag-aaral para sa exams

pero sobrang maaga pa kaya naman humanap ako ng mapaglulugaran
nakita ko ang chapel kaya naman doon an rin ako napadpad
ilang araw na rin mula nang huli akong dumaan dun
katulad ng dati, kinausap ko ulit Siya
Siya yung takbuhan ko kapag wala na talaga akong makausap na iba
nagkuwento ako sa Kanya
sinabi ko yung mga nangyari ngayong semstre at kung gaano kapangit ang performance ko
marami kaming napag-usapan
marami akong ipinagpasalamat, at marami rin akong hiniling sa Kanya
habang nagkukuwentuhan kami, may biglang pumasok sa isip ko
hindi ko alam kung paano at bakit pero napaisip talaga ako ng tanong na ito....

bakit napakadaling lumihis ng landas pero napakahirap itong balikan?
para bang kapag gumawa ka ng kamalian, mahirap bumalik sa tamang gawi
para bang kapag naligaw ka, mahirap nang balikan yung dinaanan mo dati
para bang kapag lumipas na, mahirap ng ungkatin ulit

hindi ako sobrang nakapag-isip ukol dito
medyo may kailangan pa kasi akong asikasuhin
abangan niyo sa mga susunod na entries ang mga pagmumuni ko ukol sa katanungang ito

maraming salamat sa pilosopiya... natututuhan ko na ngayong mag-isip

tungkol sa nakaraang semestre

nalulungkot ako at naiinis....
alam ko kasi na hindi naging maganda ang ipinakita ko ngayong semestre...
sobrang tamad ko ngayong semestreng ito...
hindi naman sa wala akong ginawa para sa iba't ibang asignatura na kinukuha ko ngayon,
hindi lamang ako natutuwa sa klase ng trabahong ginawa ko...
mas maganda sana ang nagawa ko kung nagsipag lamang ako....

ang labo nga eh
kasi alam ko na may natutunan ako pero hindi ito makikita sa gradong nakukuha ko....
ganun ba talaga yun?

pero kung iisipin grado ang iniisip nating sumusukat sa natutunan ng isang tao
pero hindi naman talaga ganun di ba?
pa'no kung nung araw ng pagsusulit, may problema yung tao...
kung alam ba talaga niya, makakasagot siya ng maayos kahit may ibang gumugulo sa isip niya?
hindi mo rin masasabi di ba?

tapos, may iba na kahit gaano kataas ang grado, hindi naman kagandahan ang ugali...
di ba mas maganda na hindi ka sobrang matalino pero may mabuti kang kalooban?

kung sa gayon, hindi magandang batayan ng kalagayan ng tao ang aknayang nalalaman
isa lamang kasi itong aspeto ng kanayang pagkatao.
isa man itong kayamanang hindi maaagaw, kung hindi naman kayang gamitin para sa iba
di ab balewala rin yun...

hahaha
kung anu-ano na ang sinusulat ko dito...
medyo depressed lang talaga ako kasi hindi mataas ang mga makukuha kong grado ngayong semestre...
pero masaya pa rin naman ako kasi marami akong naranasan at natutuhan
sana lamang magamit ko ito sa buhay ko
kasi kung hindi ko rin lang naman magagamit, balewala na ang pag-aaral ko...

naisip ko lang,
lagi ko na lang sinasabi sa simula ng semestre na babawi ako
pero sa huli, lagi ko na lang sinasabi na hindi ako natutuwa sa mga nakukuha kong grado
paulit-ulit na lang pero hindi pa rin natuto

ayun...
konting kadramahan...
hehehehe

Thursday, October 12, 2006

seriously????

Naomi leine, Hiking the Trails makes your mouth water

Being in the great outdoors is just the kind of thing to get your blood pumping and your energy levels jumping. A down-to-earth person like you feels invigorated by communing with Mother Nature and rightly so.

What's better than breathing in fresh air, taking in spectacular views, and getting some good-for-you exercise in there, too? Not much! And part of the beauty of hiking is that you can make it whatever you want it to be — long, short, overnight, along the coast, in the mountains — the options are endless. So what are you waiting for? Lace up your boots and get going!

finals week....

eto ang schedule ko for finals week...

monday - 9:30-11:30AM History
tuesday - 1:30-3:30PM Dev Bio
wednesday - 7:30-7:40AM Philo Orals
thursday - 10:30- 12:30AM Theo
3:30-4:30PM Genetics


good luck naman....

Tuesday, October 10, 2006

ang bumubuhay sa akin....

noong nakaraang biyernes, tiningnan ko ang laman ng lalagyan ko...
500 pesos...
may lakad pa ako bukas. may isang linggo pa ng klase. paano ko pagkakasyahin ang 500 piso?

pagbaba ko, binigyan ako ni mama ng 150. sabi ko sa sarili ko buti na lang!. hindi na ako kumain pa sa labas dahil gusto ko ngang matipid ang pera ko. pero hindi rin paal ako makakatipid. kailangan ko kasing magpa-load. marami kasi akong itetext na mga tao.

pagdating ng lunes, may 400+ pa ako. sabi ko, good luck an lang sa akin... halos 50 pesos ang pamasahe araw-araw. kung limang araw 250 pesos yun. tapos may mga kailangan pang ipa-photocopy, mga kailangang bayaran at bilhin. grabe talaga. wala na akong pera para sa pagkain...

sa ngayon.. ang bumubuhay na lamang sa akin ay ang aking food allowance. kung wala ito, hindi na siguro ako nakakakain ng tanghalian at nakakapag-uwi ng pagkain sa pamilya ko. sobrang nagpapasalamat talaga ako at nakuha ko ito. kahit na binawasan na nila, OK lang at least meron pa rin.

ayun.. gusto ko lang talagang magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa akin
kung wala kayo, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon...

maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!!!!

Tuesday, October 03, 2006

first time....

grabe!
inis ako sa kanya!?!?!?

hindi ko ito inaasahan kasi wala namang mabigat na dahilan. hindi ko rin alam kung paano nangyari pero kanina sa klase, nakaramdam na laamng ako ng kakaibang inis. yung parang gusto mo na siyang sagutin! mabait naman siya eh. pero kanina parang hindi ko alam ang nararamdaman ko. ang labo nga kasi maayos naman ako kanina habang ginagawa yung dapat kong ibigay sa kanya.

ano ba ang naging sanhi nito?

ang natatandaan ko lang naman ay nilapitan ko siya at tinanong. kaya lang parang mas gusto niyang makinig sa iba. sabi niya mamaya na lang. pero napansin ko yung pagka-irita niya sa akin. parang ayaw niya talaga akong kausapin. lumayo na lang ako at hinintay na matapos siyang makinig. pagkatapos niyang making sa iba, nakipag-usap pa siya. pagkatapos, lumapit an ako. tinanong ko siya kung bakit niya ginawa yun. sabi niya buti na lang iyon lang ang ginawa niya. dapat mas malala pa kaya lang nakakaawa naman daw ako. umalis na ako. dun ko naramdaman ang inis. sobrang inis. siguro parang natapakan lang ako. sa tingin ko hindi naman niya sinasadya. pero to think na isa siyang kagalang-galang na tao. gusto ko pa naman siya dati. pero ngayon, nagbago na ang lahat.... hindi ko naisip na ganito kabailis mangyayari ito....

grabe naiinis talaga ako sa kanya!!!
sana lumipas din ito... baka hindi ko kayanin kapag nagkita kami ulit.
dalawang linggo na lang matatapos na ang lahat.

sana kayanin ko....

e2 ako nakaupo..
may exam mamaya at naiinis kay M.C.

Monday, October 02, 2006

stop the killings!!!

seal sport....
hindi nakakatuwa...
grabe! kawawa naman sila!
sobrang cute pa naman...
mahalaga silang bahagi ng kalikasan!

please help them...
open the link below
help spread the word...

http://tuleni.hit.bg/indexeng.html