in the silence

Wednesday, January 31, 2007

malamig ang simoy ng hangin....

hindi ito senti. hindi rin ako nagdadrama. nagsasabi lamang ako ng talagang nangyayari...
sobrang lamig sa quezon city. hindi ko tiyak kung ganito sa lahat ng bahagi pero sa mga napupuntahan ko, namely Katipunan and Novaliches area, sobrang lamig talaga. higit na malamig kaysa noong Nobyembre at Disyembre! lahat ng tao nakasuot ng sweater, jacket o kaya naman ay maraming layers ng damit. feeling ko tuloy nahuli ng dating ang pasko.

malamig na nga, dagdagan mo pa ng malakas na ihip ng hangin. sobrang lamig at sobrang mahangin. lahat ng tao nakahalukipkip. nagtataka tuloy ako kapag nakakakita ako ng taong naka-sando o kaya naman ay sleeveless na damit. hindi ba nila nararamdaman ang lamig?

malulungkot ba ako o maiinis? sa totoo lang masaya ako. ganito ang gusto kong panahon. masarap maglakad kapag ganito. hindi ka maiinitan at hindi ka rin mapapagod kaagad. masarap din pumasok ng maaga. higit na tahimik at mararamdaman mo ang kakaibang kapayapaan.

hindi ko lubos na alam kung bakit napapasaya ako ng malamig na panahon, ng hangin, ng ulan, ng gabi.... basta masaya ako....

ayun... humaba pa ang kwento. ang gusto ko lang naman sabihin ay.... hanggang pebrero 14 pa daw ang ganitong panahon sa kalakhang maynila.
masaya ako!!!

Wednesday, January 24, 2007

bato...

ngayong mga nakaraang buwan, dumadami ang mga nakakasalubong kong away sa daan. naglalakad man ako o kaya nakasakay sa jeep. andayan yung nagsusuntukan, naghahampasan, nagmumurahan, naghahabulan.... iba't ibang eksena. pero hindi pa ako nasangkot o napasama.

araw ng lunes...
kakaiba ang araw na ito dahil may nangyari
unang beses na napasama ako... hindi naman ako nakigulo sa kanila, isa ako sa mga naging "biktima" ng gulo nila. nakasakay ako sa jeep papuntang sangandaan, pauwi na ako. mga 6:30 na siguro yun. padaan kami ng new era university. maraming tao kasi labasan ng mga estudyante. medyo madilim yung side namin at marami talagang tao. payapa naman ang paligid, walang kakaiba. tapos bigla na lang "tug". may naramdaman akong tumama sa likod ko. bato siya (uneven surface kasi yung naramdaman ko) pero hindi ko alam kung gaano kalaki. tapos may mga nagtakbuhan. umandar na ang jeep namin pagkasakay ng dalawang estudyante. tinanong ako ng driver "miss, natamaan ka?" sumagot naman ako at sinabing OK lang ako. hindi naman siya talagang masakit kaya lang kakaiba yung pakiramdam. alam mo yun iba yung pakiramdam ng kaliwang likod ko (yung tinamaan) at kanang bahagi ng likod ko. tapos biglang tumama sa isip ko., "buti likod ko lang ang tinamaan at buti na lang bato lang yun. kung nagkataon, baka sa ulo ako tinamaan at kung minalas, hindi lang ganun kalaking bato" sobrang natakot ako, naiiyak nga ako sa daan sa hindi malamang dahilan. pag-uwi, nalaman ko na hindi naman nagkasugat, medyo namaga lamang siya. kaya lang kahit nawala na ang pamamaga, kakaiba pa rin ang pakiramdam. hindi ko alam kung psychological lang ito pero ang weird talaga ng pakiramdama sa kaliwang likod ko. minsan iniisip ko na sana walang internal injury or hindi nag-crack ang scapula ko. nakakatakot talaga...

kahapon, doon uli ako dumaan, wala nang batuhan pero may nag-aaway na dalawang grupo. sa tingin ko mga gang yun. tapos inisip ko na may batuhan ulit. ang labo nga kasi parang gusto ko ulit mabato. ang weird talaga. tapos nung dumaan kami, naisip ko yung likod ko at may sakit akong naramdaman. ang labo. feeling ko talaga medyo psychological na ito.

mamaya, hindi ako doon dadaan.
kasi mga 10 an ako makakauwi at nakakatakot kasi wala na masyadong tao
baka sa UP ako dumaan
pero hindi natin alam...
baka maisipan kong doon dumaan kasi mas malapit at mas mura ang pamasahe

hehehehe

Wednesday, January 17, 2007

katuwa....

got this from my friend's blog
like it
hahaha
ang cute!

from You're a Good Man, Charlie Brown

Happiness is finding a pencil,
sleeping in moonlight,

telling the time.
Happiness is learning to whistle.
tying your shoe for the very first time.
Happiness is playing the drum in your own school band,
and happiness is walking hand in hand.

Happiness is two kinds of ice cream,
knowing a secret,
climbing a tree.
Happiness is five different crayons,
catching a firefly,
setting him free.
Happiness is being alone every now and then,
and happiness is coming home again.


Happiness is morning and evening,
daytime and nighttime too.
For happiness is anyone and anything at all
that's loved by you.


Happiness is having a sister,
sharing a sandwich,
getting along.
Happiness is singing together when day is through,
and happiness is those who sing with you.

nerd...

How nerdy are you???
put an X in all the boxes that apply to you...
multiply your answer by two to find the percentage of how nerdy you are!!!

[x] you wear/own a pair of glasses
[ ] you've played some sort of video game 5 hours straight
[ ] you have GI Joes or toy dinosours
[x] you pack your lunch to school (hanggang high school lang)
[x] reading books is fun (super!)

total = 3

[x] you go to the library to "hang out"
[x]you get good grades..
[x] you've corrected people's grammar (minsan)
[ ] math class rocks! (not always, nung high school ko lang minahal ang math hehehe)
[x] you've told someone a joke and nobody laughed (minsan... hehehe)

total = 4

[ ] you like eating chinese food with chopsticks (don't know how to use chopsticks hahaha)
[ ] you've won the spelling bee
[ ] girls/boys have cooties!
[x] you've watched t.v for 4 hours straight
[ ] sports are just not my thing

total = 1

[ ] you have/had a pet tarantula, snake, and/or lizard
[x] you cried because you got an F on something (super naiyak ako nung first ever F ko hahaha)
[ ] your homework is ALWAYS turned in on time (may iilang pagakaktaon na nalate ako hehe)
[ ] you're NEVER late for class (twice lang i my life, nakatulog sa lib hahaha)
[ ] spiderman is the coolest superhero EVER!!!!! (medyo...)

total = 1

[ ] you corrected the teacher
[ ] you want to be a doctor or surgeon when you grow up
[ ] you have a napolean dynamite t-shirt
[x] you always have a pen or pencil for class
[x] you're an honor student

total = 3

[ ] you've never cheated on a test/quiz (i did it once ata, not sure...)
[ ] I dont care about my looks...I have school work to worry about! (sometimes)
[x] you're/ you've been in a band (lyre band hahaha labo)
[x] you've tripped and fallen in the hallway (1st time ko nung grade school hahaha laughtrip)
[x] spiders and bugs are way cool! (weird nga minsan eh... ang cute nila kapag madaming kulay)

total = 3

15 --> hahaha i'm 30% nerdock

bakit?

naisip ko lang....
bakit kailangang matakot sa isang bagay na hindi ko naman talaga alam
bakit ako natatakot sa hindi ko alam
bakita ako natatakot?
wala namang dahilan para katakutan ito kasi hindi ko nga alam kung ano ito

ang labo
naalaala ko lamang kasi yung napag-usapan namin sa kursong Pilosopiya ng Tao 1

pagtakbo...

hindi ito literal ah...
tumakbo kasi ako para sa Executive Board ng organisasyong kinabibilangan ko
ilang minuto na lamang mula sa deadline, tsaka lamang nabuo ang desisyon kong ito
ang dami kasing nagtatalo sa isip ko
mga pangamba na hanggang sa ngayon ay gumugulo pa sa akin
hindi ko tiyak kung ano ang kahihinatnan ng eleksyon,
hindi ko rin alam kung ano ang dadalhin sa akin ng bukas
sana lamang, makaya ko ang lahat
makaya ko itong isabay sa thesis ko na nakakatakot
isabay sa mga taong mahalaga sa akin (kaibigan at pamilya)
isabay sa iba ko pang mga responsibilidad (acads, other orgs etc.)

Panginoon, gabayan niyo po ako
kailangan ko po ng tulong at gabay ninyo
sana po hindi ako mawala sa tamang daan
gawin ko po sana ang mga ito sa tamang dahilan

maraming salamat po sa lahat-lahat
sa karanasan ng pamumuno, sa mga taong nakakasalamuha ko, sa mga taong mahalaga sa akin
sa lahat-lahat

salamat po....

Tuesday, January 16, 2007

pagkukumpara....

sana ihinto niyo na ito.
huwag niyo na kami ikumpara sa isa't isa
hindi maganda ang resulta eh.
kahit na alam kong ginagawa niyo ito para magbago ang ugali namin
hindi iyon ang nangyayari eh
kasi naman magkakaiba kaming tao
hindi kami mapipilit na maging pareho

sana itigil niyo na
kung hindi man, bawasan
nakakainis eh
kapag sinabi na buti pa si ganyan, buti pa siya, bakit hindi ka na lang maging katulad ni ano
kainis talaga

please....

Monday, January 15, 2007

naghahanap....

gusto kong may magawa
gusto kong sumama sa Task Force Noah, sa DREAM Team, sa mga relief operations
gusto kong tumulong sa kanila
alam ko an may magagawa ako
alam ko na kaya kong gumawa

ngunit bakit sa tuwing may pagakaktaon, umaatras ako
dahil wala akong kasama doon na kakilala ko
bakit ako natatakot?
gusto ko pero di ko magawa
may pag-aalinlangan ako

nalulungkot ako....

namimilosopiya o nag-iisip sa meron....

ngayong semestreng ito, kinukuha ko ang kursong Pilosopiya ng Tao II
ito ang ikalawang kurso ko sa Pilosopiya
ukol sa pagkalimot at pag-uulit ang tinatalakay namin sa klase

kahapon, tinanong ako ng aking ama
"itutuloy mo ba ang med school? hindi ka ba mapapagod mag-aral?"
pagkarinig ko sa tanong, inisip ko na hindi ako sigurado sa kinabukasan. hindi ko alam kung may mga mangyayari sa hinaharap na makakapagpapabago sa pagnanais kong maging doktor. sa ngayon, lahat ng nakikita ko sa paligid ko ay nagpapatindi sa pagnanais kong tumuloy sa med school. hindi ko na pinag-isipan pa ito dahil may kailangan akong gawin.

kaninang umaga, habang naglalakad sa loob ng unibersidad, naalaala ko ang tanong na ito.
patungo ako sa klase ko sa Pilosopiya kaya naman ang utak ko ay dito na patungo
naisip ko lamang....
mapapagod ba akong mag-aral?
kung mangyayari ito, pagod na rin akong matuto. bakit ako mapapagod matuto? dahil alam ko na ang lahat o kaya naman ay ayaw ko nang makaalam pa, sapat na ang nalalaman ko ngayon? kung gayon, hindi na ako nagpapakatao. tinatalikuran ko na ang dapat an ginagawa ng tao. nagmamayabang na ako. umiiral na sa akin ang katamaran. kung hihinto akong mag-aral, maki-alam, umunawa, hindi na ako tao. para na akong isang karaniwang hayop o halaman na pinagmamasdan ang daan ng mga pangyayari nang walang pag-uunawa. ngunit di ba't likas sa tao ang umunawa? ito ang natatanging kaibhan niya sa iba pang nilalang sa mundo. kung ganun ba, imposibleng huminto ang tao sa pag-aaral, sa pakiki-alam, sa pag-uunawa? hindi ko alam. hindi ko pa ito napag-iisipan ng mabuti..

hahaha
ano ang silbi ng isinulat kong ito?
hindi ako tiyak
isinulat ko lamang kung ano ang pumasok sa isip ko kaninang umaga habang naglalakad sa loob ng unibersidad.
sa susunod ko na marahil maitutuloy ito
nasa sa inyo na kung babasahin niyo pa iyon...

Tuesday, January 09, 2007

magandang pagtatapos....

ang saya ko. hehehe
ang ganda ng pagtatapos ng araw na ito.

hindi ko inakala na makukuha ko iyon
A sa reaction paper at 98/100 sa pol sci exam ko!
grabe talaga! ang saya-saya ko!

at least, may isang kurso na maganda naman ang standing ko
medyo mahirap kasi ang majors ko hehehe
at hindi ako masipag mag-aral. lagi na lang crammed hehehe

sana ma-maintain ko ito
salamat po!!!

Monday, January 01, 2007

bagong taon....

bagong taon na!!!
kay bilis ng panahon. dati masaya ako kasi 2006 na pero ngayon, 2007 na!
maraming nangyari last year.
maraming trahedya: stampede sa Ultra, Bagyong Milenyo at Reming, yung Mudslide sa Bicol at yung nangyari sa Quezon, yung mga sunog, patayan at kung anu-ano pa
marami rin namang magagandang nangyari: medyo nakakabawi ang piso laban sa dolyar, maraming Pilipino na ang nakarating sa tuktok ng Mt. Everest, mga isinilang na sanggol, mga nasagip na buhay at maraming pang iba

para sa akin, kakaiba ang taong 2006
sa taong ito ako nagsimulang bumitiw sa ilang mga bagay na gusto ko
sa taong ito natutunan kong bumangon mula sa pagkakadapa
sa taong ito natutunan kong lumabas muli sa kahon, kahit bahagya lamang
sa taong ito nalaman ko na kaya ko rin pala
sa taong ito higit kong naunawaan ang kahalagahan ng mga ginagawa ko
marami akong naranasan, natutunan, nakilala, nakasama
marami akong pilit kinakalimutan
marami akong nais baguhin sa nakaraan
ngunit higit sa lahat, marami akong ipinagpapasalamat

ang lahat ng mga nangyari sa nakaraang taon ay bahagi ko na
hindi na maiaalis
malaki ang nagawa nito sa akin
iba na ako sa dati
pilit ko mang sabihin na hindi ako nagbago, nagbago ako
ang mga desisyon na ginawa ko sa taong ito ay nagpabago sa takbo ng buhay ko
nagbukas at nagsara ng mga pinto
ngunit masaya ako
may mga oras man na iniisip kong mali ang naging desisyon ko,
sa huli, nanaig pa rin ang pagnaanis kong gawin ang naging desisyon ko
nagpapasalamat ako dahil sa buong taon, nariyan ang mga taong mahal ko at ang Panginoon,
gumagabay at umaalalay sa akin

ngayong 2007
nahaharap na naman ako sa iba't ibang mga bagay
magkaroon sana ako ng lakas an harapin ang lahat ng it at talino upang gawin ang nararapat
Panginoon, gabayan niyo po ako
Kayo po ang magturo ng tamang daan
ituro Niyo po ang daang dapat kong tahakin