2-hour walk....
kauuwi ko pa lang galing sa school. wala akong pasok ngayon pero umalis rin ako sa bahay. ngayon kasi ang HV at TKO namin sa tutoring erya. sobrang magastos ang araw na ito. naubos ang allowance ko at may utang pa ako sa isang kasamahan. anim kasi ang kids na kasama ko at ang pagsagot sa aming pamasahe at pagkain ay medyo mabigat para sa akin dahil mag-isa lamang ako.
ayun nga. natapos kami nang mga ika-3 ng hapon. pagkahatid namin sa mga bata, tiningnan ko kung magkano pa ang pera ko. doon ko napagtanto na hindi na sapat ang pera ko para makauwi sa bahay. mayroon lamang akong 27.50 pesos pero 33.50 ang kailangan ko para makauwi. dahil sobrang kulang ang pera ko, isang plano ang nabuo sa aking isip. maglalakad ako. hindi ko alam kung hanggang saan pero maglalakad ako hanggang sa maging sapat na ang pera ko para maksakay. ayaw ko kasing mandaya sa jeep, kawawa naman yung masakyan ko. baka mahuli pa ako.
kaya ayun. sumakay ako hanggang sa makabalik ako sa unibersidad. dinaanan ko muna ang ilang gamit sa locker ko. pagkatapos, dumaan ako sa tindahan ni manang at kumuha ng isang bote ng tubig at 2 cloud 9 bar para matulungan ako sa aking paglalakad. pagkatapos nito, nagsimula na ako. nang makalabas na ako sa school grounds, tsaka ko lamang inorasan ang aking sarili, 3:48 na nung makatungtong ako sa katipunan. lakad, papuntang UP, tapos puntang commonwealth. sa 7-eleven commonwealth ang 1st stopover ko. pumasok ako at naupo. kumain ako ng isang cloud 9 at uminom ng tubig. mula dito, kailangan ko pa ng 15 pesos para makauwi, kaya lang 7.50 na lang ang pera ko. kailangan pang maglakad. matapos makapagpahinga ng kaunti, naglakad ako ulit. dinaanan ko na ang tierra pura, ang new era university, tapos tierra verde, tapos philand tapos pasong tamo, tapos nakarating na ako sa palengke ng tandang sora. 2nd stopover ko dito. pumasok ako sa jollibee at pumunta sa banyo. naghilamos ako at nag-ayos ng sarili. malapit na ako. gumaan ang pakiramdam ko kaya naman ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. sa loob ng ilang minuto, nakarating na ako sa mindanao avenue. kasya na ang pera ko para makasakay ng bus at makauwi sa bahay. nang makasakay ako sa bus, hindi pa ako nakaupo kasi puno ang bus. nang makaupo ako, mga 6:12 na sa orasan ko. pagod man, masaya ako. para kasing isang accomplishment ang nagawa ko. napatunayan kong kaya kong maglakad nang ganun kalayo. higit sa 6 na kilometro yun kaya masaya talaga ako.
masaya talaga kaya lang masakit ngayon ang mga binti ko pati na rin ang mga balikat ko dahil sa pagbubuhat ng mabigat na bag. iniisip ko nga na mas mabilis siguro ako kung wala akong dalang mabigat na bag. hehehe
ayun... basta masaya pa rin :)