in the silence
pag-iyak (part 2)....
kamusta naman yun
naiyak ako kanina habang pauwi sa bahay
kasi hindi ko pa naaayos ang gusot na nangyari kahapon
nagiging malamig na siya sa akin
ayaw kong patagalin pa ito
pero ayaw niyang magbigay ng effort para ayusin ang mga bagay-bagay
umiyak ako kasi nalulungkot ako
alam kong ako ang may kasalanan
umiyak ako kasi naiinis ako sa kanya
parang ang laki-laki nang kasalanan ko, tapos parang wala siyang naging pagkukulang
naiinis ako kasi ayaw niyang mag-effort na kausapin ako at sabihin sa akin ang problema
umiyak ako, pero hindi ko talaga alam kung bakit
naisip ko nga, kapag iniyakan mo ba ang isang bagay, ibig bang sabihin mahalaga ito para sa iyo?
ayun nga, sa jeep ako umiiyak, pero pinipigil ko kasi nakakhiya naman sa mga kasabay ko.
nag-taxi ako nung sumunod na biyahe, maagang naubos yung sakay sa likod
walang nakatingin sa akin
sa loob ng halos 5 minuto, hinayaan kong tumulo ang mga luhang kinikimkim ko
nagpipigil pa rin ako kasi baka mahalata at baka mag-ingay pa ako
sa pag-iyak ko na lamang nailalabas ang lahat
dahil dito, gumagaan kahit papaano ang pakiramdam ko
pero kulang pa rin
mabigat pa rin siya
sana magkaroon ako ng pagkakataong iiyak ang lahat...
ano ba ang nagpapaiyak sa iyo?
ano ba ang nagpapaiyak sa isang tao?
yan ang tanong ko kanina habang nasa daan ako.
bakit ba umiiyak ang tao?
umiiyak lang ba siya kapag nalulungkot o nagagalit?
may kakilala ako, naiiyak siya kapag sobrang natutuwa.
ang mga tao, umiiyak sa iba't ibang dahilan
ako, madalas akong umiyak kapag nalulungkot o naiinis
kanina, ginawa ko yun
nalulungkot kasi ako
ayaw ko kasing may nagagalit o naiinis sa'kin dahil sa isang pagkakamali
gusto ko naaayos ko agad ang gusot
ayaw ko na kasing mangyari yung tulad ng dati
kahit na mas matanda sa akin ang mga taong nakatunggali ko, hindi ko pa rin gusto ang pakiramdam na inis sila sa'kin
pero nangyari uli siya
may naiinis sa akin ngayon
sa totoo lang hindi ko sigurado, pero base sa pakikitungo niya sa'kin, parang ganun ang nararamdaman niya
nalulungkot ako kasi ako ang may kasalanan
pero nalulungkot din ako kasi bakit parang hindi niya ako iniintindi
bakit parang ang laki-laki ng kasalanan ko
minsan tuloy, naiinis na rin ako sa kanya
ang nakakinis pa, sinisisi ko rin siya
ayaw ko nang tumagal ito kasi kung anu-ano ang maiisip ko
natatakot akong magkaroon ng lamat ang magandang samahan
hindi yun maaari, lalo na ngayong magiging magkatrabaho kami sa loob ng isang taon
natatakot ako
na tumagal ito
na hindi ko makalimutan ito at magtanim ako ng sama ng loob
ayaw kong mangyari yun
sana makipag-usap ka na sa'kin
please...
marami tayong dapat ayusin at pag-usapan
malapit na ang deadline...
pag-iyak....
ngayon buwan ko na lang ulit ginawa yun...
noong nakaraang linggo, umiyak ako kasi naiinis ako sa sarili ko
inaway ko kasi ang mga tao sa bahay nang wala namang matinong dahilan
sanhi lang ng pagiging iritable ko (PMS)
tapos, napuno na ako
yung pakiramdam na gusto mong may makausap pero walang handang makinig?
naipon na ang lahat sa loob ko at nahihirapan na akong kontrolin ang emosyon ko.
sa bahay ako umiyak, nakakatawa nga kasi nagtatago ako
walang may alam na umiyak ako (sa di malamang kadahilanan, ayaw kong may nakakakita sa aking umiiyak)
ayun nga, naiyak ako
naiinis ako na nalulungkot dahil wala akong masabihan ng mga hinaing ko sa buhay, wala akong mabahaginan ng buhay ko
wala akong matawag na taong may alam talaga ng mga nangyayari sa buhay ko.
kung nagbabasa siya ng blog na ito, marahil marami na siyang alam
nalungkot lang ako kasi naiipon ang lahat ng emosyon sa loob ko
ang kasiyahan, kalungkutan, takot, inis, lahat na naghahalu-halo
sana hindi dumating ang panahong hindi ko na kayanin
kung dumating man yun, may masasandalan pa rin ako.... SIYA
ikaw kaya, andun ka rin?
nagpapasaya sa akin...
kahapon, nakasama ko ang isa sa mga taong nagpapasaya sa akin
kahit na maraming trabaho kapag kasama ko siya, ok lang
hindi ko alam pero nahahawaan niya ako ng pagka-high niya, ng passion niya para sa mga bagay-bagay
pero kanina, hindi lang kami sa trabaho nagkasama
nagkwento siya sa akin, at ako nagkwento sa kanya
kahit na alam kong marami na ang may alam sa mga sinabi niya sa'kin, ok lang
masaya ako kasi ang pinag-usapan namin ay hindi tungkol sa trabaho
ang special ng mga oras na yun
kami lang dalawa sa silid, nakupo ako sa couch, siya nakahiga sa sofa
kwentuhan lang, pagkatapos ng trabaho
ang saya ko talaga
sana laging ganun
sana dumami pa ang mga oras na magkakuwentuhan tayo...
NMAT...
15 ng abril
ala-sais ng umaga
sa De La Salle University, Taft
St. Joseph Building, Room 210
naka-berdeng t-shirt, pants at rubber shoes
may dalang black bag
ang laman: personal stuff, pencil case, survival kit, panyo, payong, planner, plastic bags, wallet
lunch: 3 ham ang mayo sandwich at ice-cold water
bakit? NMAT exam
ayun, kumuha ako ng NMAT (National Medical Admission Test)
ito ang magtatakda kung anong med school ang maaari kong pasukan
dahil dito, dapat maghanda ng sobra
para hindi na umulit pa
kaya lang, 2 linggo lamang ang panahon para mag-aral
March 29 na kasi natapos ang klase ko
marami pa akong extra curricular activities
at ang tamad ko ring mag-aral
dahil dito, hindi talaga ako lubos na nakapaghanda
dumating ako sa La Salle
may kaunting nalalaman
ang iba, stock knowledge na lang
kinakabahan ako kasi parang ang gagaling ng mga kasama ko
yung iba nag-last minute review pa
nagkaroon pa ng 1 oras na paghihintay
8 pa daw ang simula ng exam
kinakabahan na talaga ako
natatakot akong mababa ang makuha kong marka
bago magsimula, nagdasala ako
sa mga oras na ganito, siya lang talaga ang nakakatulong at nakakasama ko
kinuha ko ang pagsusulit
hindi ko natapos ang unang bahagi, Logic and Perceptual Ability
paborito ko iyon pero hindi ko natapos
pero natuwa ako habang nagsasagot
kaya lang di ko nga natapos
higit sa 10 puntos ang nawala kaagad sa akin
higit na madali ang ikalawang bahagi
natapos ko siya
pero hindi ko tiyak ang mga naging sagot ko
lalo na sa chem at physics
pagkatapos ng pagsusulit
hindi ko alam ang mangyayari
ang sinasabi ko sa iba
madali lang siya, kung nakapag-aral ka
ilang linggo din ang lumipas
lahat kaming magkakaklase ay naghihintay
kinakabahan, natatakot na baka kailangan pa naming umulit
pero hindi na pala
ika-7 ng Mayo
gabi, natanggap na ng ilan sa amin ang sulat
marami ang masaya, may ilan namang hindi nagustuhan ang nakita
tatlo sa amin ang line of 9
nakuha nila 93, 97 at 98
dalawa naman ang line of 8
nakuha nila 84 at 86
ako wala pa...
ika-9 ng Mayo
natanggap ng ka-close ko sa block ang grade niya
93 siya
ako wala
pa rin
ika-10 ng Mayo
natatakot na ako
lagi kong iniisip kung ano ang nakuha ko
minsan iniisip ko, pa'no kaya ako mag-aaral sa december?
pa'no ko kaya sasabihin kina mama at papa na kailangan kong umulit
sayang naman ang 2000 pesos
tapos habang bumababa sa hagdan, naisip ko
OK lang na maghinta, tapos maganda ang resulta
nakakatakot maghintay kapag pangit pala ang hinihintay mo
maaaga akong umuwi sa bahay
habang naglalakad sa steet namin, iniisip ko na kung dumating na ba ang sulat
pagkarating sa bahay, nakalimutan ko ito
nalaman ko na lamang na dumating ang sulat dahil binanggit ng tita ko
binuksan ko agad
ang bumungad sa akin...
percentile rank: 96
waaahhhh
sobrang saya ko
ang saya kasi hindi nasayang ang lahat
maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin
sa lahat ng naniwala na kaya ko
at siyempre... maraming salamat po sa Inyo
simula pa lang ito
marami pang dapat gawin
bago ko maaabot ang pangarap ko
ang maging doktora