in the silence

Sunday, November 25, 2007

..............

natatandaan ko noong magsimula kami
kapapasok pa lang namin, ang dami na agad nakahain sa lamesa
ang dami na agad problema na dapat asikasuhin
may mga isyu pa na dapat ayusin

inupuan na agad namin ito
sinubukang ayusin
kahit kami mismo maraming problema sa aming mga sarili
may mga isyu sa isa't isa
pero itinuloy namin
hindi lang kasi kami ang kasangkot dito, may iba pang kasama

sa pagpasok ng unang semestre, masaya, maayos naman ang lahat
naroon ang tuwa sa bawat mukha, naroon ang libog para sa ginagawa
natuwa ako, magiging maayos ang lahat
sa pagdaan ng mga araw pabagu-bago ang panahon
ang iba nawawala
pero sa huli, nariyan pa rin sila, may inasikaso lang na iba
pero bumabalik sila, yun ang mahalaga
pero nawala ang mga ngiti, nabawasan ang libog
marahil may magsasabi pa nga na dumami ang mga isyu

pagdating ng sembreak
nagpatuloy ang "lungkot", naroon pa rin ang libog pero malaki na ang nabawas
hindi ko na nakikita yung tuwa sa mga mukha ng kasama ko
naroon ang mga masasayang oras, pero kapag naghiwa-hiwalay na
nararamdaman kong nawawala ang saya at bumabalik ang lahat ng problema
na hindi sapat ang maikling panahon ng tawanan
na sa huli, kailangan naming harapin ang lahat ng isyu at problema

iniisip ko kung paano nangyari ang lahat ng ito?
kailan ba ito nagsimula? paano ba ito lumala ng ganito?
wala akong maisip na konkretong sagot
para itong maliit na butas sa damit
hindi pinansin dahil maliit lang
ngunit sa patuloy na paggamit, sa patuloy na paglinis sa damit
sa patuloy na hindi pagpansin sa maliit na butas na iyon
lumaki ito hanggang sa hindi na maiiwasang pansinin ito ng nagsusuot

sa pagpasok ng ikalawang semestre
mabigat ang lahat, nararamdaman kong mabigat talaga
pero umaasa pa rin akong may magagawa tayo dito
naniniwala ako sa inyo, sa atin
naniniwala akong hindi kayo mawawalan ng pag-asa
minsan kasi kayo na rin ang pinagkakapitan ko eh
sa mga panahong iniisip ko nang ihinto ang lahat
isa kayo sa mga rason ko para magpatuloy

pero sa paglipas ng mga araw
unti-unti kayong nagtatago
nariyan pa rin kayo pero nagtatago
may masasabi ba ako? wala akong masabi
tulad ng ibang mga pagkakataon, ang nagagawa ko lang ay manahimik
wala naman kasi akong maisip sabihin
kukumbindihin ko ba kayo? ano ang mga rason na sasabihin ko sa inyo?
magkakaiba kasi tayo ng pinangagalingan, magkakaiba tayo ng sitwasyon
lagi na lang ito ang sinasabi ko pero ganito talaga ako
mahalaga sa akin ang pinangagalingan niyo
baka mamaya sa isang bagay na sasabihin ko, nasasaktan na pala kayo

nalulungkot ako sa mga nangyayari sa atin
naiiyak ako sa mga nangyayari sa atin
hindi ko alam ang gagawin
hindi ko alam ang sasabihin
hindi ko alam kung paano mapagagaan ang mga dalahin ninyo

sinusubukan kong pumunta sa lahat
maging present sa lahat ng gagawin natin
para kung sakali mang kailangan niyo ng kahit sino, naroon ako para sumalo tumulong sa paraang alam ko
yun lang kasi ang alam kong paraan para iparamdam sa inyong hindi kayo nag-iisa
iparamdam sa inyo ang suporta

mapag-uusapan pa ba natin ito?
sana talaga
ayaw kong maghiwa-hiwalay tayo nang may samaan ng loob
nang hindi naaayos ang lahat
hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa atin
pero patuloy pa rin akong kakapit
kayo na ang bahala kung saan tayo makararating....

Friday, November 23, 2007

kalabuan ulit....

ang weird ng pakiramdam mo kanina
ang bigat na hindi mo maintindihan

nararamdaman ko na gusto mo na siyang lapitan, yakapin ng mahigpit
gusto mong ipadama sa kanya na nariyan ka lang kahit anong oras na kailanganin ka
gusto mong damayan siya at makisalo sa bigat na kanyang dinadala
gusto mong iparamdam sa kanya na nandun ka lang para suportahan siya
gusto mong iparamdam sa kanya na may nag-aalala rin sa kanya

ang dami mong gustong gawin, iparamdam pero wala kang magawa
hindi mo alam kung paano ang magiging pagkilos mo
gaano ka man kalungkot na makita siyang nahihirapan
wala kang magawa para mapagaan ang kanyang pasanin
tinitingnan mo lang siya, pinapanood ang nangingilid na mga luha
ang pagpigil ng kanyang emosyon, ang pagtitimpi, ang kanyang panloob na pagdurusa
ang hirap makita siyang nasa ganoong kalagayan noh?
pero sa huli, wala ka namang magawa
kasi wala ka ata sa tamang posisyon para kumilos
sana lang talaga....

ewan ko ba
minsan, di ko na alam kung ano ang gagawin sa iyo eh
ang labo mo kasi talaga

Sunday, November 11, 2007

tungkol sa anime...

mahilig talaga ako sa anime
minsan gusto ko ang takbo ng kuwento pero minsan, yung itsura lamang ng characters ang gusto ko
sobrang natutuwa ako sa paraan ng pagkakaguhit sa maraming anime characters :)
pero limitado lang ang napapanood ko dahil wala kaming cable hehehe

ito ang ilan sa mga paborito ko (kasama na ang mga gusto kong characters):

hunter x hunter - kurapica, killua, gon
trigun - vash
sailormoon - lahat naman sila hahaha
samurai x - kenchin,
saber marionette - cherry
cardcaptor sakura - tomyo, sakura, li, errol, yukito
bleach
one piece
ghost fighter - dennis, jericho, jeremiah, eugene, vincent
slamdunk
prince of tennis
detective conan - conan
neon genesis evangelion - shinji, rey
hell teacher nube
ah my goddess - belldandy, skuld, urd, keiichi
air
full metal panic
ranma 1/2 - akane, ranma
vision of escaflowne - hitome, vohn, allen
bubblegum crisis - lina, nene
the slayers
chobits
outlaw star
gundam
fushigi yuugi - miyaka, hotohori, nuriko, chichiri, chiriko, amiboshi
shamanic princess
magic knight rayearth - hikaru, gurocliff, anemone, eagle
getbackers
saiyuki
gundam
master of mosquidon - inaho
monster rancher - gengki
lupin III - lupin, goemon, jigen
let's go - jet
night hunters - omi, ken
wataru - wataru, seiki, himiko
virtua fighter - pal, sara
magic girls - tomomi
wedding peach - mumoko
magic doll licca - licca, tomo
akazukin cha-cha - cha-cha, shine, sereby
tenchi muyo - ayeka, sasami, washu
cuero - enrico, de rossi
popolocrois - narsha
fancy laa-laa - laa-laa
mahha go go go - hibiki go
restol - mia, maru
sorcerer hunter - tina
BTX - TP, faus
the wanderers - makoto, nana
soul hunter - taikun
shaman king - yo, amidamaru, ana
UFO baby - miu, kanata, baby yu

masaya hehehe....

hahaha wala lang
masaya ako ngayon
at hindi ko malaman kung bakit
marami akong inaalala at marami akong dapat gawin
may mga problemang dapat solusyunan
at mga katotohanang dapat harapin

pero lagi akong masaya
nakakahanap ng dahilan para ngumiti at tumawa
salamat sa lahat ng nakapagpapasaya sa akin

hahaha ang labo
kamusta naman yun
wala lang gusto ko lang talaga isulat

drama....

if an angel and a devil were to fall in love with each other,
can their love transcend the law of heaven ang hell?
can the angel set her wings on fire?
can the devil soar to day light?
this is faith's decree.
love can't change what isn't meant to be....

Friday, November 09, 2007

napaisip lang ako...

may nagpakamatay na bata sa probinsiya. Dahil daw sa kahirapan. Ano kaya ang nasa isip ng batang yun nung isabit niya ang sarili niya? Nauunawaan na kaya niya ang ma implikasyon ng gagawin niyang yun? Alam na ba niya kung ano yung magiging epekto nito sa mga nakapaligid sa kanya? Bakit kaya siya nagpakamatay? Dahil ayaw niya nang maging dagdag na pasanin ng mga magulang niya? O dahil ayaw na niyang maranasan ang hirap at sumuko na siya sa kawalang pag-asa? Ano ba ang umaandar sa murang isipan ng batang yun? Bilang isang bata, puno pa dapat siya ng tuwa at pag-asa. Pero siya ang unang bumigay. Kakaiba talaga. Ganoon na ba kalagim ang mundo? Na kahit pangarap ng mga batang musmos nabura na nila? Nakakalungkot....

ukol sa kahirapan....
"What is a trashcan?"

to a toddler, it's just a shelf of his ugly toys
to a pupil, it's where he keeps his bad test papers
to a teenager, it's a basketcase for the letters of an ex-lover
to a writer, it is a file of rejected drafts

but to a street child, with a trashcan...
so goes life....

Wednesday, November 07, 2007

P. R. I. D. E.

ipinadala sa akin ng aking kaibigan ang mensaheng ito
sa bawat salitang binasa ko, hindi ko maiwasang matamaan
para bang bawat linya dito ay larawan ng aking sarili
na bawat linya dito, sa isang punto ng panahon, naging ako
hindi ko alam pero bahagyang nakababagabag
ma-pride nga ba akong tao?
may pagtingin kasi ako na ang mga taong ma-pride, hindi talaga mabuti
kung ganoon ba hindi ako nabubuhay sa kabutihan?
hahaha ang labo ko na....

My most hated word is PRIDE
because when you have it,

- you always don't want to be the 1st to do the step to be with someone
- you always try to hide your feelings
- you don't want others to know that you're hurt
- you're afraid of letting someone know he's / she's special
- you're afraid of losing someone but also afraid to show it
- you're afraid to love someone whom you think can't love you back
- you're so aware of what others think that you can't do what you want
- you're not happy
- and in the end, you lose everything without even trying to have it....

feelings...

Silence '_'
doesn't always mean yes, it may also mean no but it's better left unsaid.

Anger >:/
doesn't always mean hatred, it could just be a means of coping.

Laughter :' )
doesn't always mean happiness, sometimes it's just a mask.

Tears :,(
don't always mean sorrow, they may also be an outlet of joy.

Staying away
doesn't always mean it's the end, it may also mean the best beginning...

Friday, November 02, 2007

God's Coffee

A group of alumni, highly established in their careers, got together to visit their old university professor. Conversation soon turned into Complaints about stress in work and life.

Offering his guests coffee, the professor went to the kitchen and returned with a large pot of coffee and an assortment of cups - porcelain, plastic, glass, crystal, some plain looking, some expensive,
Some exquisite - telling them to help themselves to the coffee.

When all the students had a cup of coffee in hand, The professor said: If you noticed, all the nice looking expensive cups were taken up, leaving behind the plain and cheap ones. While it is normal for you to want only the best for yourselves, that is the source of your problems and stress.

Be assured that the cup itself adds no quality to the coffee. In most cases it is just more expensive and in some cases even hides what we drink.

What all of you really wanted was coffee, not the cup, but you consciously went for the best cups... And then you began eyeing each other's cups.

Now consider this:

Life is the coffee; the jobs, money and position in society are the cups. They are just tools to hold and contain Life, and the type of cup we have does not define, nor change the quality of Life we live.

Sometimes, by concentrating only on the cup, we fail to enjoy the coffee God has provided us."

God brews the coffee, not the cups........ .. Enjoy your coffee!

The happiest people don't have the best of everything. They just make the best of everything."

Live simply.
Love generously.
Care deeply
Speak kindly.
Leave the rest to God.

Blessed.