in the silence

Tuesday, January 31, 2006

always remember....



1. Throw out nonessential numbers. This includes age, weight and height.
Let the doctors worry about them. That is why you pay them.

2. Keep only cheerful friends.
The grouches pull you down. (keep this In mind if you are one of those grouches;)

3. Keep learning:
Learn more about the computer, crafts, gardening, whatever. Never let the brain get idle.
"An idle mind is the devil's workshop."
And the devil's name is Alzheimer's!

4. Enjoy the simple things.

5. Laugh often, long and loud. Laugh until you gasp for breath.
And if you have a friend who makes you laugh, spend lots and Lots of time with HIM/HER.

6. The tears happen:
Endure, grieve, and move on. The only person who is with us our entire life, is ourselves. LIVE while you are alive.

7. Surround yourself with what you love:
Whether it's family, pets, keepsakes, music, plants, hobbies, whatever.
Your home is your refuge.

8. Cherish your health:
If it is good, preserve it.
I f it is unstable, improve it.
If it is beyond what you can improve, get help.

9. Don't take guilt trips.
Take a trip to the mall, even to the next county, to a foreign country, but NOT to where the guilt is.

10. Tell the people you love that you love them, at every opportunity.

updates....

a. i won the elections
hanggang ngayon, di pa rin lubusang natatanggap ang lahat. hindi naman sa hindi ko matanggap, hindi ko lang masabayan ang bilis ng mga pangyayari. parang kahapon lang di ko pa sigurado kung tatakbo ako o hindi, ngayon alam ko na ang resulta. nanalo ako. masaya ako kasi nalaman kong marami pala ang nagtitiwala sa akin at mas marami pa akong maitututlong pero hindi ko alam kung bakit parang may bahagi ng sarili ko ang hindi nasisiyahan. marami akong inaalala pero nababawasan lahat iyon habang lalo kong naiintindihan ang mga bagay-bagay. takot ako sa pagbabago pero ngayon haharap ako sa isang napakalaking pagbabago. alam kong maraming pagsubok ang aking dadaanan pero maraming tao ang sumusuporta sa akin kaya hindi na ako gaanong kinakabahan. i can do this...

b. i got my first F
oo. tama ang nababasa mo! nakakuha ako ng F, hindi sa long test ha kundi sa MIDTERMS! biruin mo yun midterms pa ang na-F ko. ang saya di ba! sayang nga eh kasi 2 points na lang D na ako. sayang talaga. buti na lang mabait ang prof ko kaya may paraan pa para makakuha ako ng C. gagawa lang ako ng paper tapos ayos na. pero hindi pa sure C yun. kung hindi maganda yung paper ko, baka D lang ang makuha ko. good luck na lang sa akin. kaya ko ito...

c. i got a C in Org. Chem
buti naman tumaas na ang score ko sa LT. ung first LT kasi D ako. buti naman C na ako ngayon. sana patuloy pang tumaas ang grades ko para mabawi ko ang mababa kong scores. nakakainis nga kasi kung kailan tapos na ang quiz or exam, tsaka ko lang natututunan ang mag bagay-bagay. pero magagamit ko pa naman ang lahat ng iyon sa future. sana lang pagbutihan ko pa ang pag-aaral. nagpapabaya na talaga ako!!!!

d. i walked for 50 minutes last saturday
para sa PE finals ko kasi yun. subukan lang daw namin yung 5km. nilakad ko kasi ayaw ko pa munang tumakbo. nagsimula ako ng mga 6:30 AM medyo madilim pa nga nun eh. ayun nilakad ko... nakakapagod pero after nun ang gaan ng feeling. kahiit na alam kong hindi halata, feeling ko nakakatulong sa akin ang PE ko. sana ipagpatuloy ko ito kahit di ko siya PE. may nakasabay ng apala ako sa paglalakad. hindi naman talagang sabay pero magkasunod kami. ako naglalakad, siya tumatakbo...

yan lang muna.... marami pa akong guston isulat kaya lang hindi ko maiayos eh. baka iba pa ang mailagay ko dito hehehehehe

Saturday, January 28, 2006

ano'ng nangyari sa langit

Isang bagong saltang kaluluwa ang umakyat sa langit ang ngayon ay nakaharap kay San Pedro. Namasyal silang dalawa sa langit. Magkahawak kamay silang naglakad lakad sa isang malaking silid doon na puno ng mga anghel. Huminto si San Pedro sa harap ng isang lupon ng mga anghel at nagsalita, "Ito ang silid tanggapan. Sa silid na ito, tinatanggap lahat ng mga kahilingan sa panalangin."

Pinagmasdan ito ng kaluluwa, at nakita nitong abala ang lahat sa paguugnay ugnay ng mga kahilingan na nakasulat sa buntong mga papel na galing sa buong mundo.

Nagpatuloy silang maglakad hanggan sa madaanan nila ang pangalawang lupon ng mga anghel. Ang wika ni San Pedro sa kaluluwa, "Ito naman ang 'Packaging at Delivery Section'. Dito, ang biyaya at mga pagpapala na hiniling ng mga tao ay binabalot at dinideliver sa mga buhay na tao na humingi noon"

Nakitang muli ng kaluluwa kung gaano ito kabala. Maraming anghel doon ang talagang subsob sa trabaho, sa dami ng mga pagpapalang hiniling, at dinideliver araw-araw sa lupa.

Hanggang sa dumako sila sa huling lupon, sa pinakamalayong lupon, huminto ang anghel doon sa isang maliit na lupon. Sa kanyang pagkamangha, iisang anghel lamang ang nakaupo doon, walang ginagawa,
"Ito ang 'Acknowledgement Section'", ang sabi ni San Pedro.

"Bakit tahimik, wala ba silang ginagawa dito?" "Nakakalungkot", ang sagot ni San Pedro,"Pagkatapos makatanggap ng sagot sa kanilang mga panalangin ang mga tao, kakaunti ang nagbibigay ng pasasalamat"

"Papaano ba magbibigay ng 'acknowledgement' ang mga tao sa Diyos?",
"Simple lang, sabihin mo lang na "Salamat po Panginoon'".

"Ano bang pagpapala ang dapat nilang ipagpasalamat?"

"Kung may pagkain ka sa iyong hapag kainan, damit na sinusuot, may bahay na tinutuluyan at kamang tutulugan....ikaw ay mas mayaman ng 75% sa mundong ito."
"Kung may salapi kang naiipon, sa iyong pitaka, at may natitira pang pambili ng pagkain....ikaw ay isa sa 8% na may mga kabuhayan sa mundo."
"At kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong 'computer', bahagi ka ng 1% sa mundong ito na may ganyang oportunidad"

At....

"Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit....mas pinagpala ka sa milyong tao sa mundong ito na hindi na makagising dahil sa hirap ng buhay
"Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera, ang kalungkutan sa loob ng piitan, ang pasakit ng mga pagsubok, at ang pangil ng pagkagutom..... may malayo ka ng milya milya sa 700 milyong tao na
nabubuhay sa mundo"
"Kung nakakadalo ka ng mga gawain sa iglesiya nang walang takot ng pagkahuli o pagbabawal, ng 'persecution', kamatayan dahil sa mga naiinggit, ikaw ay mas pinagpala kaysa sa 3 bilyong mga katao sa buong mundo.

"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling magkasama sa bisa ng kasal...kakaunti lang kayo"
"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo ng may ngiti sa iyong mga labi, hindi ka kasama sa karamihan, naiiba ka kaysa sa kanila na puno ng kapighatian at mga kagulumihanan.

"Kung ganuon...papaano ako magsisimulang magpasalamat?", ang tanong ng kaluluwa.

"Kung nababasa mo ang mensaheng ito, nakatanggap ka na naman ng dobleng pagpapala dahil may isang nagpadala sa iyo na iniisip na espesyal kang nilalang, at mas pinagpala ka kaysa sa dalawang bilyong mga tao sa buong mundo na hindi marunong magbasa.

Pagpalain ang araw mo, bilangin mo ang iyong mga pagpapala, at kung ibig mo, pagpalain mo rin ang mga tao sa iyong paligid upang malaman din nila kung gaano sila pinagpala ng Panginoon.

ATTN: Acknowledgement Department: "Salamat Po Panginoon!!! Salamat Po sa pagbibigay mo sa akin ng abilidad na ibahagi ang mensaheng ito at sa pagbibigay mo sa akin ng maraming mabubuti at magagandang tao na babahaginan nito!"

Monday, January 23, 2006

thank you....

thank you for everything
thank you for making me happy
thank you for making me smile
thank you for making my days brighter
thank you for being the one of the best friends i ever had
thank you for knowing what i need and what i want
thank you for understanding me
thank you for always being there
thank you for supporting me
thank you for trusting me
thank you for helping me
thank you for for everything

Wednesday, January 18, 2006

senti mode again....

Because Of You
Written By: Kelly Clarkson/David Hodges/Ben Moody

I will not make
The same mistakes that you did
I will not let myself
Cause my heart so much misery
I will not break
The way you did, you fell so hard
I’ve learned the hard way
To never let it get that far

Because of you
I never stray too far from the sidewalk
Because of you
I learned to play on the safe side so I don’t get hurt
Because of you
I find it hard to trust not only me, but everyone around me
Because of you I am afraid

I lose my way
And it’s not too long before you point it out
I cannot cry
Because I know that’s weakness in your eyes
I’m forced to fake
A smile, a laugh, every day of my life
My heart can’t possibly break
When it wasn’t even whole to start with

I watched you die
I heard you cry every night in your sleep
I was so young
You should have known better than to lean on me
You never thought of anyone else
You just saw your pain
And now I cry in the middle of the night
For the same damn thing

Because of you
Because of you
Because of you I am afraid
Because of you I never stray too far from the sidewalk
Because of you I learned to play on the safe side so I don’t get hurt
Because of you I try my hardest just to forget everything
Because of youI don’t know how to let anyone else in
Because of youI’m ashamed of my life because it’s empty
Because of you I am afraid
Because of you

survey....

FIRSTS
First screen name: naomi leine
First self-purchased album: Shades of Purple-M2M
First funeral: Awa Crescencia
First piercing/tattoo: ear piercings, nung kinder ako
First true love: reading

LASTS
Last car ride: jeep papuntang ateneo
Last good cry: last year pa!
Last library book: book about PsychoPathology
Last movie seen (in theater): Harry Potter and the Goblet of Fire
Last beverage drank: water
Last food consumed: rice, dinuguan and liempo
Last phone call: bjorn
Last time showered: this morning
Last shoes worn: blue and white rubber shoes.
Last item bought: lunch
Last annoyance: si ************
Last time wanting to die: last xmas break
Last time scolded: last year

RELATIONSHIPS
Do you have a boyfriend/girlfriend? no
Do you do drugs? no
What kind of shampoo do you use? ngayon, head and shoulders with aloe vera
What are you listening to right now? none
Where do you want to get married? in a church, sundown
What would you change about yourself? my height

FAVORITES
Color: blue! and green!
Food: sinigang, spahetti, dinuguan and sweet adobo
Boy name: Nathan
Girl name: Naomi
Subjects in school: sciences
Sports: none
Perfume: calgon or victoria's secret

HAVE YOU EVER?
Given anyone a bath? yes, my youngest sister (when she was still young)
Bungee jumped? not yet
Skinny dipped? no
Ever been in love? puppy love? yes
Made yourself cry to get out of trouble? not really
Lied? yes
Fallen for a close friend? no
Been rejected? yes! a lot of times (sad)
Rejected someone? yes
Used someone? not really
Done something you regret? yes!

CURRENT
Clothes: black shirt and jeans
Music: none
Annoyance: my seatmate
Smell: none
Favorite band/artist: Orange adn Lemons, Spongecola
Desktop picture: blue wallpaper
DVD in player: none

LAST PERSON
You touched: my blockmate
Hugged: my sister
Called you: bjorn
You called: loyola heights brgy.
Bought you flowers: kuya aaron, tagal na nun!

WHO DO YOU WANT TO
Kill: wala
Slap: wala rin
Kiss: my sister

WHICH IS BETTER
Coke or pepsi: pepsi
Flowers or candy: flowes
Tall or short: tall

RANDOM
In the morning I am: sleepy
All I need is: God and my family
You dream of: making this world a better place for you and me
Last person you danced with: nakalimutan ko na
Worst question to ask: break na kayo?
Who makes you laugh the most: my siblings
Who has a crush on you: ewan

DO YOU EVER
Wish you were a member of the opposite sex: no
Wish you were younger: no

NUMBER
Of times I have had my heart broken: a lot of times already
Of hearts I have broken: don't know

WHAT ARE YOUR FAVORITE
Movies: sobrang dami!!! HP, LOTR, etc.
Songs: dami din!
Holidays: Christmas! Summer!
Ice cream flavors: cappucino, cookies and cream, strawberry, chocololate, vanilla
Books: madami rin!
Numbers: 16, 30
Flowers: poppy, lily, sampaguita, orchids
Memories: high school! kahit madaming kadramahan...

PERSONALS:
Have you ever been in love? i think
Who is your current secret crush? si **********

Monday, January 16, 2006

dilemma...

am i going to run or not...
i want to focus on my academcs because next year is going to be more challenging
but there's a part of me that is eager to bring back the forgotten side of me...
its been a long time since i last held a high position and led a group of people towards one goal
i partly did it this year but it seems like the results were not that good
i'm afraid that i will not be able to do my job well
i don't want to be a failure, i don't want to make fun of myself, ayaw kong paasahin ang mga tao, ayaw ko silang biguan
but there's a part of me that's excited to become a leader once again
i really don't know what to do
i can't decide
now's the right time to think about this
i don't want to make a decision and in the end regret everything i did
i hope i'll make the right choice

i'm failing....

i'm currently failing my major subjects....
i don't know what's happening to me. i'm out of focus. i know the answers but the terms seems to fly somewhere else. i understood the concepts but during exams everything seems to be a complete blurr. i don't know what's wrong with me. during the exams, i know that i should change my answers but i decide not to do it.
i never liked histology. i don't like tissues because they all look the same to me. but this feeling did not prevent me from listening to my professors. i learned a lot from them and i try to apply everything. i try to make sense of all teh tissue samples flashed in front of me. but in teh end, i fail. i'm not failing literally (i still get average to above average scores in th quizzes and long exams) but i'm not meeting my standards. my grades started to become lower since last summer. its already the 2nd semester and it seems like i haven't coped up with the change in load. i need to fix this soon. i need to get higher grades. i need to study more.
i need focus....

Sunday, January 08, 2006

ang aking Pasko....

dapat noong Pasko pa ito napost pero nakalimutan ko. at least hindi malungkot ang post na ito, ang lungkot kasi ng mga nakaraang post ko eh.....
________________________________________________________________________________________________

Ang saya-saya ko ngayong Pasko!

Mula nang magsimula ang buwan ng Disyembre, di ko man lang nadama yung kasiyahan at kasabikan na nadarama ko noong bata pa ako. Kahit na ilang bahay na ang napuntahan ko para magcaroling, di ko pa rin lubusang nadama ang Pasko. Akala ko magiging malungkot na naman ang Paskong ito. Pero nagbago ang lahat pagsapit ng Noche Buena. Wala naman kami gaanong handa. Naubos na kasi sa operasyon ni kuya yung naipon ng mga magulang ko. Tinapay, Ham (buti na lang may nagbigay sa amin ), isang maliit na kahon ng keso at spaghetti (bigay ng tita ko) ang mga handa namin noong Pasko. Madami na ito kung ikukumpara sa ibang pamilya na wala gaanong makain tuwing Pasko.

Habang inaantay naming magkakapatid ang pagsapit ng hatinggabi, nanood muna kami ng TV. Maraming TV specials tuwing ganitong mga araw kaya di naman kami nahirapang humanap ng mapapanood. Parang nagbalik ako sa aking kabataan. Pinanood namin ang Treehouse Hostage at Snow White. Ang saya manood ng TV kapag bakasyon. Hindi ka nag-aalala sa oras kasi wala namang pasok kinabukasan.

Pagkatapos manood, Pasko na! Cellphone naman ang sunod naming inatupag. Binati namin lahat ng mga kakilala namin. Nakakalungkot lang kasi naubos ang load ko kaya hindi ko na-text lahat ng mga kakilala ko. Pero sinigurado ko namang nabati ko lahat ng pinakamahahalagang tao sa buhay ko.

Pagkatapos magbatian, nagkainan naman kami. Kahit kaunti lang ang handa, masaya na kami kasi buo ang pamilya. Ang daming kuwento at biruan habang kumakain. Ang mga oras na tulad nun ang pinakagusto ko sa lahat. Hindi pa ubos ang pagkain pero busog na kaming lahat, inaantok na rin kasi kami kaya gusto na naming magpahinga. Pero bago matulog, siyempre bigayan muna ng mga regalo. Ngayong Pasko, nagulat ako kasi ang dami kong nakuhang mga regalo. Akala ko kasi habang tumatanda ka, nababawasan din ang mga regalong nakukuha mo. Pero napatunayan ng Paskong ito na mali ako. Isa sa mga di ko malilimutang pangyayari nung gabing iyon ay nang ibigay na sa akin ng kuya ko ang kanyang regalo. Kasi ang binigay niya sa aking unan ay ako rin ang bumili! Sabi niya sa akin para kay mama yun pero para pala sa akin yun. Di na kasi siya nakalabas ng bahay mula nang maoperahan siya kaya ako na lamang ang pinabili niya ng mga regalo.

Sobrang saya talaga ng Paskong ito. Ang pamilya ko lamang pala ang makakapagpasaya sa akin. Naging masaya ang malungkot kong Paskong....

Wednesday, January 04, 2006

sa mga kaibigan ko....

ang tagal na nating hindi nagkikita. akala ko okey lang sa akin na malayo sa inyo. akala ko kahit text at tawag lang, makakaya ko nang di kayo makasama. pero bakit ngayon gusto ko na kayong makita? malapit nang mag-isang taon mula nang tayong lahat ay magkita. sana magkasama na tayong muli... sobrang miss ko na kayo. kahit na alam kong tatahimik lang ako kapag nakasama ko kayo, masisisyahan pa rin ako basta makita ko lang kayo. sa darating na bakasyon, sana magkita-kita na tayo. kahit walang mahalagang selebrasyon... kahit walang handa... kahit nakaupo lang tayo sa nakasanayan na nating tambayan. okey lang sakin yun. kahit nakaupo lang tayo at di nag-uusap, basta magkakasama tayo, sasaya na ako. sana maging masaya rin kayo kahit ganun lang ang gagawin natin.

pagpasensyahan niyo na kung hindi ako makapagsalita kapag nagkikita tayo... di ko rin kasi alam ang sasabihin eh. hindi ko masabi ang lahat ng naiisip at nararamdaman ko. sana okey lang sa inyo kahit ganito ako. sana di kayo magsawang makinig sa katahimikan ko. makinig lang kayong mabuti, baka sakaling maintindihan niyo ang mga lihim ko. di ko ginustong maging ganito. hinubog ako upang maging ganito. hindi siguro sinasadya pero ang mundong kinalakhan ko ang naging dahilan ng pagiging ganito ko. siguro, ginusto ko rin pero wag an nating problemahin yun. sana wag kayong magsawa sa akin... sana di niyo ako iwan dahil ganito ako.

ikaw! oo ikaw. dalawang linggo din tayong di nagkita... makikita kaya kita ngayon? baka nga magkita tayo pero sana pansinin mo naman ako. baka kasi siya na naman ang atupagin mo. alam ko namang malapit kayo sa isa't isa pero buong bakasyon na kayong magkausap. wala ka nang bagong masasabi sa kanya. magtititigan na lang ba kayo hanggang matunaw ang isa't isa. magtira ka naman sana ng masusulyapan ko. kahit matingnan lang kita o kaya makausap ng minsanan masaya na ako. sana huwag mo nang ipagkait sa akin ito... bagong taon naman eh..