in the silence

Tuesday, October 30, 2007

...........

nang malaman kong hindi mo na itutuloy ang plano mo
naguluhan ako
malulungkot ba ako o matutuwa?

hehehe hindi ko alam
masaya ako kasi hindi ka na tutuloy
pero nasa lugar ba ako para matuwa?
malungkot rin kasi tinalikuran mo ang isang posibilidad na halos abot-kamay mo na
naisip ko, kaakibat naman ito ng bawat akto ng pagpili, bakit ako malulungkot? natural na bahagi ito ng buhay tao.
pero bahagya pa rin akong nalulungkot...

natatawa...

hehehe
wala lang, natatawa lang talaga ako kapag binabalikan ko ang mga sinulat ko dati sa blog na ito. hindi ko kasi maisip kung ano yung pumasok sa isip ko nung mga panahong isinulat ko ang mga iyon. natatawa ako sa mga naging reaksyon ko sa iba't ibang pangyayari, natatawa ako sa naging pagtingin at interpretasyon ko. hehe wala lang
pero ayaw ko namang burahin, kasi iginagalang ko ang naging takbo ng pag-iisip ng "ako" na nagsulat ng mga iyon. hehehe

malabo ang entry na ito
kagagaling ko lang kasi sa kung saang lupalop at dahil kababalik ko lamang mula sa biyahe, lumilipad pa ang utak ko mula sa isang mundo ng malalim na pag-iisip na walang nabubuong matinong ideya. madalas kasi akong ganito, kung anu-ano ang naiisip ko, iba't ibang ideya, mga argumento, na madalas kinakalaban ko rin, may paminsan-minsang pangangarap at pagpapantasya kaya naman walang matinong nararating ang mga pag-iisip ko

hehehe malabo talaga....

Monday, October 22, 2007

kuwentong wala lang.....

alam mo yung pangungutya?
alam mo yung pang-iinis na hindi mo alam kung pa'no haharapin?
alam mo yung karanasan ng isang bilangguan?
alam mo yung may ipinamumukha sa'yo at hindi mo matanggap hindi mo maamin na ganun nga?

hindi pa ako nakulong pero parang naranasan ko na ata yun...
ang labo pero ngayong araw na ito talagang naramdaman ko yung pagkakulong. na nasa isang malaking hawla ako at nakikita ko sa labas ang iba't ibang mga tao. sila nasa labas ako nasa loob ng kulungan. at IKAW. oo ikaw, nasa labas ka kasama nila. sinubukan na kitang iwaglit sa isip ko. pero mahirap talagang gawin. parang natural na daloy na ng isip ko na mapadpad sa kung saan mang lupalop. at itong kung saan man ay palaging naglalaman ng isang ikaw. palagi na lang ikaw ang binabagsakan ng mga pagpapantasya ko. sinubukan kitang isantabi pero pinapamukha mo pa sa aking magkahiwalay tayo, na iba tayo ng ginagalawang mundo....

pumasok ako sa unibersidad kanina, maayos ang bihis. alam ko kasing may posibilidad na magkita tayo. siyempre may ganoong pagpapalagay pero alam mo naman ang ako na minsan ay may pagnanais ring magpapansin kahit papaano. (sana lang di ba pero wala akong kakayahan sa ganoong larangan, lagi akong nabibigo dahil alam kong hindi natural sa akin ang magpapansin). ayun nga, pumasok ako at bahagyang umasa na magkikita tayo o makikita man lamang kita (kanina bahagya kong pinagsisihan ang palagi kong pagsasabi na kahit ako lamang ang makakita sa'yo ok na sa akin). mga bandang tanghali, nalaman kong kakain kayo sa labas. inabangan ko kayo pero hindi ko kayo maaninag. medyo malabo na rin kasi ang aking salamin. inilayo ko na ang tingin ko sa pag-aakalang nakalagpas na kayo. pero sa muli kong pagtingin, tamang-tama, nakita ko kayong nagdaan. natuwa ako! medyo naging kumpleto na ang araw ko kasi nakita kita. pero sa paglipas ng mga oras, ang tuwa na ito ang siyang naging sanhi ng bahagyang pagdurusa.

bumalik na kami (kasama ko ang mga kagrupo ko kanina) sa unibersidad pagkakain. itinuloy na namin ang aming mga gawain para sa araw na iyon. tapos bigla nilang naisipang bumili ng maiinom. sinamahan ko sila. pagdating namin sa bilihan. nakita na naman kita. muli, mula sa malayo. hinabol kita ng tingin. sinubukan kong sundan ang bawat galaw mo. sinubukan kong alamin kung saan ka tutungo. inabangan ko kung pupunta ka sa aming direksiyon. pero bago pa man natapos bumili ang mga kasama ko, nawala ka. hindi ko alam kung saan ka nagpunta. nainis ako ng kaunti pero wala naman akong magawa...

nang matapos na namin ang mga gawain para sa araw na iyon. napagdesisyunan na namin ng akung mga kagrupo na umuwi na. sumabay ako sa isa sa kanila hanggang sa labas. nakagawian ko nang sundan ang landas na madalas mong tahakin tuwing lumalakad ka pauwi. minsan umaaasa na makikita ko ang pamilyar mong likuran. sa pagkakataong ito, hindi ako nabigo. nakita ko ang bag mo na parang nakabisa ko na ang itsura mula sa malayo. ang tikas mo, ang iyong lakad. nakilala na agad kita mula sa malayo. dinaanan ka namin, medyo malungkot ka na seryoso. hindi ko tiyak kung malalim lamang ang iniisip mo. madalas mo kasing gawin yun kapag mag-isa ka. muli, sinundan kita ng tingin sa pag-asang malalaman ko kung saan ka dadaan. pero parang kalaban ko ang pagkakataon. sa panahong nais talaga kitang makita, doon naman humarang ang naglalakihang mga sasakyan at naging mabigat ang trapiko sa daan. hindi ko tuloy malaman kung saan ka dumaan. hindi na ulit kita naaninag.

naabot ko ang sukdulan. nainis ako dahil tatlong beses kitang nakita pero kahit isang pagkakataon hindi man lang kita nakawayan o nabati o nakamusta o nalapitan man lang. hindi mo nga ata ako nakita eh. sa bawat pagkakita ko sa'yo ngayong araw na ito , nakaramdam ako ng pangungutya. isang pang-iinis nang kung anumang puwersa na paulit-ulit na pinamumukha sa akin kung gaano tayo kalayo sa isa't isa. kung gaano kaiba ang mga mundo natin. patuloy itong inihaharap sa akin ng pagkakataon pero patuloy kong itinatanggi. kasabay ng pagtatanggi ko sa pagtatanging iniuukol ko sa'yo, itinatanggi ko rin ang katotohanang walang patutunguhan ang lahat. alam ko ito pero hindi ko tinatanggap.

ang higit na nakakainis pa. ako lang ata ang nakararamdam nito.
nakararamdam ka rin ba ng kalabuan sa tuwing nakikita mo ako? nararamdaman mo ba yung pagkablankong nararamdaman ko sa tuwing nagkakasama tayo. nararamdaman mo ba yung tuwa na hindi maipaliwanag, yung kapanatagan kapag nararamdaman natin ang presensya ng isa't isa? nararamdaman mo ba yung pangungulila sa tuwing hindi tayo nagkikita? nararamdaman mo ba ang labis na kalungkutan ang hindi maiwasang pagtatanggi sa tuwing maiisip mo na maikling panahon na lamang ang nalalabi para tayo ay magkasama at patuloy na lumalaki ang posibilidad na hindi na tayo magkikita?
hindi ko alam kung nararamdaman mo ang lahat ng ito. ako kasi ito ang nararamdaman ko dahil sa'yo.
nalulungkot ako kasi may pagpapalagay akong ako lamang ang nakararamdam nito.
sana hindi, pero tila maliit lamang ang posibilidad na mangyari ang nais ko.

hala. ang labo ko na.
nagwawala na naman ako (sa isang mapayapang paraan nga lang).
gusto ko lang talagang ilabas ito para maipagpatuloy ko na ang mga dapat kong gawin.
minsan iniisip ko, pa'no kung mabasa mo ito?
hahahaha nakakatawa ako no? parang hindi mo maiisip na ganito ako.
na sa ilalim ng ako na kilala mo ay nagkukubli ang isang ganito.
hehehe sana maintindihan mo ako. (hala ang labo)

tama na ito. walan na talagang pinatutunguhan ang mga sinasabi ko
mga kuwentong wala lang bilang... (hindi ko na matandaan kung pang-ilan ito)
hahahaha
labo....

Friday, October 19, 2007

pag-asa....

"It is not our abilities that show who we are, it is our choices. Being happy is a choice. Yard by yard life is hard, inch by inch it's a cinch!"

choices. pagpipilian. oo, yan ang laging sinasabi ng mga tao. bilang tao, biniyayaan tayo ng natatanging kakayahang umunawa at gamitin itong pag-uunawang ito upang mag-isip, magdesisyon para sa ating sarili. may kakayahang pumili ang bawat isang tao, magdesisyon para sa sarili niya. may kakayahan ang bawat isa na itakda kung ano ang patutunguhan niya sa buhay. mula sa pinaka-simpleng pagpili ng pagkain hanggang sa pagpili ng karera sa buhay. napakarami nating pinagdedesisyunan. sa lahat ng oras, hinihingi sa ating pumili. sa bawat akto natin ng pagpili, may tinatalikuran tayong isang posibilidad. isang posibilidad na abot-kamay na natin. muntik na nating makatagpo, ngunit pinili nating huwag balingan.

sa araw-araw na buhay ko sa mundo. marami akong nararanasan. iba't ibang tao, iba't ibang tema, iba't ibang damdamin ang nabubuo. batay sa mga karanasang ito maaaring matuwa ang isang tao, maaari rin namang malungkot, magdusa, magalit at magtampo. iba't ibang reaksyon sa isang tiyak na karanasan.

iba't ibang tao, iba't ibang karanasan. isa sa mga dahilan ng pagkakaiba ng mga tao ay ang kanilang mga karanasan. sa pagkakaiba sa karanasan umuusbong ang pagkakaiba sa pagtanaw. gamit ang mga karanasan, maaaring lumawak o kumitid ang abot-tanaw ng isang tao. sa huli, ang pagtingin ng tao sa bawat karanasan niya ang nagtatakda kung ano ang hangganan ng kanyang abot-tanaw. depende sa tao kung malulugmok na lamang siya sa kalungkutan o pipiliing maging masaya kahit sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

kung ganun lang talaga kadaling bumaling sa liwanag. kung ganun lang talaga kadaling isipin na hindi pa katapusan ng mundo. na posibleng lagpasan ang mga pagsubok na hinaharap natin. kung madali lang talagang isipin na sa bawat paghihirap ay posible tayong makahanap ng isang kakaibang kaalaman. pero hindi ganun kadali yun eh. kapag babad ka na sa lahat ng problema na posibleng iharap sa'yo ng mundo, kapag napaliligiran ka na ng dilim, mahirap humanap ng liwanag. mahirap isiping may iba pang mundo sa kabila ng kadilimang ito, sa kabila ng kinabababaran mo ngayon. kung ganun lang kadali ang lahat, marahil masaya ang mundo. wala nang nababaliw sa problema, walang nang umiiyak gabi-gabi dahil sa kawalan ng pag-asa.

pag-asa. ngayong semestre ko lang naranasan ang salitang ito. isang pagdanas na iba sa lahat. madalas ko nang makasalamuha ang salitang ito, pero ngayong semestre ko lang sinimulang unawain ang tunay na kahulugan ng salitang ito. hindi ko pa talaga siya lubusang nauunawaan. inaamin ko iyon. pero kahit papaano, kilala ko na siya. may pagnanais akong gumawa ng isang purong akto ng pag-asa. na sa bawat oras ay inaari ko ito bilang ako. pero mahirap nga talaga. sa ngayon nakabitin pa ang desisyon ko. may pag-aalangan pa na tunay na mabuhay sa purong pag-asa. marami kasing hinihingi at hindi ko pa makapa kung handa akong ibigay ang lahat ng ito. sa mga susunod na araw, ang gagawin ko lamang ay pagsubok. isang hilaw na pagpiling umasa.ika nga ng aking guro, isang malabnaw na pag-asa ang aking isasabuhay.

kaakibat ng desisyong ito ay isang pagnanais na bumalik sa loob. isang pagtatangkang halukayin ang pinakamalalim na lugar, ang kasuluk-sulukan ng aking pagkatao. nais kong kilalanin ang ako sa pinaka-puro nitong forma. hindi ko alam kung magagawa ko. ni hindi ko nga alam kung posibleng magawa iyon. ngunit nais ko kasing higit na maging tiyak sa mga pinaniniwalaan ko. nais kong patibayin ang mga prinsipyo ko sa buhay. bagaman muli akong mag-aaral pagkatapos ng kolehiyo, masasabi ko na isa na itong pagsilip sa tunay na mundo. nais kong higit na maging matatag sa pagsabak ko sa mundong ito. iniisip ko na hindi magiging madali ang lahat ngunit kung may kaisahan ako sa loob, malaki marahil ang posibilidad na makipagkaisa rin ako sa labas.

hindi ko kaya ito ng mag-isa. sa aking pagbalik sa sarili, nais ko rin sanang makasama Siya. sa aking pag-iisa, nais kong marinig ang tawag Niya at malaman ang tunay na dahilan ng pag-iral ko sa mundong ito. naniniwala akong sa Kanya lamang ako makahahanap ng kapanatagan, ng mga sagot sa mga tanong na dati ko pang hinahanapan ng sagot

nais kong magawa ang mga ito bago pa man magsimula ang ikalawang semestre
nais kong ipagpatuloy ang mga bagay-bagay ng higit na handa
marami kasing nakalaan ngayong darating na mga araw. higit na kailangang maging handa.
sana talaga magawa ko ito. hindi lamang para sa sarili ko ngunit pati na rin sa mga taong pinagtatayaan ko....

Wednesday, October 10, 2007

naiinis ako sa sarili ko....

kamusta naman ang buhay natin di ba
ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong panghihinayang at inis sa sarili
inis kasi ang dami nang ipinagkaloob sa aking pagkakataon
pero hindi ko ginagamit
hinahayaan ko na lamang lumipas
tapos madalas akong magkamali ng desisyon
at madalas may mga mabibigat na kapalit ang mga pagkakamaling ito

pasensya na
hindi ko lang talaga mapatawad ang sarili ko sa ginawa ko kanina
kasi naman alam ko namang mas kaya ko kapag Filipino ang ginamit at hindi Ingles
pero pinili kong gamitin ang wikang banyaga
sabi ko subok lang, at nais ko rin namang malaman kung kaya ko
isa kasi akong baliw kaya naman napakaganda naman talaga ng pinili kong panahon
sa huling pagsusulit na pabigkas ko pa naisipang sumubok ng bago
grabe naman talaga, kakaiba talaga ang takbo ng utak ko
depress-depressan tuloy ang drama ko kanina
nanghihinayang kasi ang dami kong gustong sabihin
pero dahil hindi ko gamay ang wikang ginamit ko
ayun, limitado ang nasabi ko, hindi ko pa naipaliwanag ng maayos ang punto ko
wehehehe
kamusta naman talaga yun....

at ito pa, alam ko kasing naghanda ako
kahit na kanina ko lamang tinapos ang sagot ko sa mga tesis o punto
alam ko sa sarili kong naunawaan ko ang mga puntong iyon
pero hindi ko alam ang sabog ko talaga kanina
hindi ko alam kung ano ang bumagsak sa akin
pero wala talaga ako sa tamang kondisyon
lumilipad ang utak ko
pero marami naman akong nasabing matino,
sana lang talaga naintindihan ako ng guro ko
at nagustuhan naman niya yung mga sinabi ko
waaahhhh!!!!

pero umaaasa pa rin ako
kapag naging ok naman ang resulta eh di masaya
kapag hindi, kailangan kong tanggapin ang pagkakamali ko

sana talaga hindi ko na ulitin ito sa susunod na semestre
gusto kong magDL ulit sa pinakahuling semestre ko sa pamantasan
wehehehe sana lang di ba

kung gugustuhin ko
dapat gawin ko
kaya ko ito....

kapag nasabi mo ito, malamang iba ka na!

"what in the world happened to you?"

"the world happened to me."

Tuesday, October 09, 2007

resulta ng birthday calculator

Your date of conception was on or about 8 December 1987 which was a Tuesday.
You were born on a Tuesday under the astrological sign Virgo.
Your Life path number is 1.

Your fortune cookie reads:
Your everlasting patience will be rewarded sooner or later.

Life Path Compatibility:
You are most compatible with those with the Life Path numbers 1, 5 & 7.
You should get along well with those with the Life Path numbers 3 & 9.
You may or may not get along well with those with the Life Path number 8.
You are least compatible with those with the Life Path numbers 2, 4, 6, 11 & 22.

The Julian calendar date of your birth is 2447403.5.
The golden number for 1988 is 13.
The epact number for 1988 is 11.
The year 1988 was a leap year.

Your birthday falls into the Chinese year beginning 2/17/1988 and ending 2/5/1989.
You were born in the Chinese year of the Dragon.

Your Native American Zodiac sign is Bear; your plant is Violets.

You were born in the Egyptian month of Hathys, the third month of the season of Poret (Emergence - Fertile soil).

Your date of birth on the Hebrew calendar is 18 Elul 5748.
Or if you were born after sundown then the date is 19 Elul 5748.
The Mayan Calendar long count date of your birthday is 12.18.15.5.19 which is
12 baktun 18 katun 15 tun 5 uinal 19 kin
The Hijra (Islamic Calendar) date of your birth is Tuesday, 17 Muharram 1409 (1409-1-17).
The date of Easter on your birth year was Sunday, 3 April 1988.
The date of Orthodox Easter on your birth year was Sunday, 10 April 1988.
The date of Ash Wednesday (the first day of Lent) on your birth year was Wednesday 17 February 1988.
The date of Whitsun (Pentecost Sunday) in the year of your birth was Sunday 22 May 1988.
The date of Whisuntide in the year of your birth was Sunday 29 May 1988.
The date of Rosh Hashanah in the year of your birth was Monday, 12 September 1988.
The date of Passover in the year of your birth was Saturday, 2 April 1988.
The date of Mardi Gras on your birth year was Tuesday 16 February 1988.

As of 10/8/2007 8:17:49 PM EDT
You are 19 years old.
You are 230 months old.
You are 997 weeks old.
You are 6,978 days old.
You are 167,492 hours old.
You are 10,049,537 minutes old.
You are 602,972,269 seconds old.

Celebrities who share your birthday:
Andy Roddick (1982)
Rich Cronin (1974)
Lisa Ling (1973)
Cameron Diaz (1972)
Michael Michele (1966)
Robert Parrish (1953)
Timothy Bottoms (1951)
Peggy Lipton (1947)
Frank 'Tug' McGraw (1944)
Jean-Claude Killy (1943)
Warren Buffett (1930)
Ted Williams (1918)
Fred MacMurray (1908)
Shirley Booth (1898)
Mary Wollstonecraft Shelley (1797)

Top songs of 1988
Roll with It by Steve WinwoodEvery Rose Has Its Thorn by Poison
One More Try by George MichaelLook Away by Chicago
Never Gonna Give You Up by Rick AstleySweet Child O' Mine by Guns N' Roses
Anything for You by Gloria Estefan & Miami Sound MachineGet Outta My Dreams, Get into My Car by Billy Ocean
Man In the Mirror by Michael JacksonThe Flame by Cheap Trick

Your age is the equivalent of a dog that is 2.73111545988258 years old. (Life's just a big chewy bone for you!)

Your lucky day is Wednesday.
Your lucky number is 5.
Your ruling planet(s) is Mercury.
Your lucky dates are 5th, 14th, 23rd.
Your opposition sign is Pisces.
Your opposition number(s) is 3.

Today is not one of your lucky days!
There are 327 days till your next birthday
on which your cake will have 20 candles.

Those 20 candles produce 20 BTUs,
or 5,040 calories of heat (that's only 5.0400 food Calories!) .
You can boil 2.29 US ounces of water with that many candles.
In 1988 there were approximately 3.7 million births in the US.
In 1988 the US population was approximately 226,545,805 people, 64.0 persons per square mile.
In 1988 in the US there were 2,389,000 marriages (9.7%) and 1,183,000 divorces (4.8%)
In 1988 in the US there were approximately 1,990,000 deaths (8.8 per 1000)
In the US a new person is born approximately every 8 seconds.
In the US one person dies approximately every 12 seconds.

In 1988 the population of Australia was approximately 16,687,082.
In 1988 there were approximately 246,193 births in Australia.
In 1988 in Australia there were approximately 116,816 marriages and 41,007 divorces.
In 1988 in Australia there were approximately 119,866 deaths.


Your birthstone is Peridot

The Mystical properties of Peridot
Peridot is used to help dreams become a reality.
Some lists consider these stones to be your birthstone.
Birthstone lists come from Jewelers, Tibet, Ayurvedic Indian medicine, and other sources
Sardonyx, Diamond, Jade
Your birth tree is
Pine Tree, the Particularity
Loves agreeable company, very robust, knows how to make life comfortable, very active, natural, good companion, but seldom friendly, falls easily in love but its passion burns out quickly, gives up easily, many disappointments till it finds its ideal, trustworthy, practical.

There are 78 days till Christmas 2007!
There are 91 days till Orthodox Christmas!

The moon's phase on the day you were
born was waning gibbous.

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

hindi ko alam kung bakit pumasok sa sistema kong magsagot ng mga ganito
pero marami naman akong nalaman mula sa birthday calculator na ito
at may ibang mga bagay na mukha namang makatotohanan
pero maaaring iniisip ko lang na ganito batay sa tingin ko sa sarili ko
o batay sa "ideyal" na gusto kong maging tingin sa akin ng mga tao
haaayyy
kung anuman iyon, naniniwala akong ako ito na hindi
may mga bagay dito na mukhang ako pero hindi lang ako yun
wehehehe kalabuan nga naman....

numerology 2

There are 15 letters in your name.
Those 15 letters total to 80
There are 6 vowels and 9 consonants in your name.


What your first name means:
Hebrew: Female; Wished-for child; rebellion; bitter.
Famous Bearers: the Virgin Mary; Mary Magdalene; Mary, Queen of Scots (1542-87).
English: Female; Bitter. Variant of Miriam. The biblical mother of Christ. Names like Dolores and Mercedes have been created to express aspects of Mary's life and worship.
Biblical: Female; Rebellion

Your number is: 8

The characteristics of #8 are:
Practical endeavors, status oriented, power-seeking, high-material goals.

The expression or destiny for #8:
Your Expression is represented by the number 8. The 8 Expression is well-equipped in a managerial sense. You have outstanding organizational and administrative capabilities. You have the potential for considerable achievement in business or other powerful positions. You can expect to receive the financial and material rewards. You have the skill and abilities to establish or operate a business with great efficiency. You have good judgment when it comes to money and commercial matters, and you understand how to build and accumulate material wealth. Much of your success (or lack of it) may come due to your ability (or inability) to judge character. With the number 8 Expression, you exercise sound judgment in most of your affairs; you are realistic and practical in your approach to business matters.
The positive 8 Expression produces individuals that are very ambitious and goal-oriented. If the 8 energy is not in excess in your makeup, you will no doubt express these traits to some extent. No one has any more energy that a person with the 8 Expression who has a plan laid and is starting to work. No one has any more self-confidence, either. If you are expressing the positive qualities of 8, you are an outstanding manager because you can plan, initiate, and complete projects; you are very dependable and determined.
As it always happens, there can be too much of a good thing. If you have too much of the 8 energy in your makeup, you may express some of the negative attitudes. A negative 8 can be very rigid and stubborn. Ambition sometimes has a way of becoming over-ambition, and you may express an unreasonable impatience with the lack of progress. If your negative side is showing, you may be too exacting, both of yourself and of others. Sometimes this can even becomes a case of intolerance.
The number 8 is very materialistic and also very desirous of status and power. Neither of these drives are inherently negative unless they are taken to an extreme. You must avoid the tendency to strain after money, material matters, status, or power, to the detriment of the other important factors in your life.

Your Soul Urge number is: 9

A Soul Urge number of 9 means:
With a 9 Soul Urge, you want to give to others, usually in a humanitarian or philanthropic manner. You are highly motivated to give friendship, affection and love. And you are generous in giving of your knowledge and experience. You have very sharing urges, and you are likely to have a great deal to share. Your concern for others makes you a very sympathetic and generous person with a sensitive and compassionate nature.
You are able to view life in very broad and intuitive terms. You often express high ideals and an inspirational approach to life. If you are able to fully realize the potential of your motivation, you will be a very self-sacrificing person who is able to give freely without being concerned about any return or reward.
As with all human beings, you are prone to sometimes express the negative attitudes inherent to your Soul Urges. You may become too sensitive and tend to express emotions strongly at times. There can be significant conflict between higher aims and personal ambitions. You may resent the idea of giving all of the time and, in fact, if there is too much 9 energy in your nature you may reject the idea. You may often be disappointed in the lack of perfection in yourself and others.

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
sinubukan kong ulitin yung numerology. para lang malaman kung may magbabago. tinaggal ko yung middle name ko. yung unang bahagi, walang pinagbago. bitter ba talaga ang kahulugan ng pangalan ko? ganito ba ako? para sa akin kasi hindi naman ako ganun. may iilang pagkakataon siguro, pero masasabi kong hindi "ako" ito. ayun nga. medyo nagbago yung bandang dulo. medyo ganito ako na hindi rin. hehehe subok lang naman. anuman ang lumabas dito ok lang...

numerology 1

There are 20 letters in your name.
Those 20 letters total to 107
There are 8 vowels and 12 consonants in your name.

What your first name means:
Hebrew: Female; Wished-for child; rebellion; bitter.
Famous Bearers: the Virgin Mary; Mary Magdalene; Mary, Queen of Scots (1542-87).
English: Female; Bitter. Variant of Miriam. The biblical mother of Christ. Names like Dolores and Mercedes have been created to express aspects of Mary's life and worship.

Your number is: 8
The characteristics of #8 are: Practical endeavors, status oriented, power-seeking, high-material goals.

The expression or destiny for #8:
Your Expression is represented by the number 8. The 8 Expression is well-equipped in a managerial sense. You have outstanding organizational and administrative capabilities. You have the potential for considerable achievement in business or other powerful positions. You can expect to receive the financial and material rewards. You have the skill and abilities to establish or operate a business with great efficiency. You have good judgment when it comes to money and commercial matters, and you understand how to build and accumulate material wealth. Much of your success (or lack of it) may come due to your ability (or inability) to judge character. With the number 8 Expression, you exercise sound judgment in most of your affairs; you are realistic and practical in your approach to business matters.
The positive 8 Expression produces individuals that are very ambitious and goal-oriented. If the 8 energy is not in excess in your makeup, you will no doubt express these traits to some extent. No one has any more energy that a person with the 8 Expression who has a plan laid and is starting to work. No one has any more self-confidence, either. If you are expressing the positive qualities of 8, you are an outstanding manager because you can plan, initiate, and complete projects; you are very dependable and determined.
As it always happens, there can be too much of a good thing. If you have too much of the 8 energy in your makeup, you may express some of the negative attitudes. A negative 8 can be very rigid and stubborn. Ambition sometimes has a way of becoming over-ambition, and you may express an unreasonable impatience with the lack of progress. If your negative side is showing, you may be too exacting, both of yourself and of others. Sometimes this can even becomes a case of intolerance.
The number 8 is very materialistic and also very desirous of status and power. Neither of these drives are inherently negative unless they are taken to an extreme. You must avoid the tendency to strain after money, material matters, status, or power, to the detriment of the other important factors in your life.

Your Soul Urge number is: 1
A Soul Urge number of 1 means:
Your Soul Urge is the number 1. With a Soul Urge number of 1, you want to lead and direct, to work independent of supervision, by yourself or with subordinates. You take pride in your abilities and want to be recognized for them. You may seek opportunities to display your strength and usefulness, wanting to create and originate. In your desire to manage the big picture and the main issues, you may often leave the details to others.
The positive 1 Soul Urge is Ambitious and determined, a leader seeking opportunities. There is a great deal of honesty and loyalty in this character. If you possess positive 1 Soul Urge qualities, you are very attainment oriented and driven to success. You are a loyal friend and strictly fair in your business dealings.
The negative side of the 1 Soul Urge must be avoided. A negative 1 is apt to dominate situations and people; the home, the spouse, the family and the business. Emotions aren't strong in this nature. If you possess an excess of 1 energy, you may, at times, be boastful and egotistic. You must avoid being too critical and impatient of trifles. The great need of the 1 Soul Urge is the development of friendliness, and a sincere interest in people.

Your Inner Dream number is: 7
An Inner Dream number of 7 means:
You dream of having the opportunity to read, study, and shut yourself off from worldly distractions. You can see yourself as a teacher, mystic, or ecclesiastic, spending your life in the pursuit of knowledge and learning.

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

nagulat ako sa lahat ng nakasulat dito. hindi kasi ganito ang pagkakakilala ko sa sarili ko. feeling ko nga kung sakaling may makabasa nito na kakilala ko, tatanungin niya agad kung ako nga ba talaga ito. sobrang kakaiba kasi. lalo na yung tungkol sa pagkahilig ko sa business. sobrang ayaw ko talaga dun at hindi ako magaling pagdating sa "pagbebenta" ng kahit anong bagay. hehehe... kamusta naman talaga... pero hindi naman ako dapat magpakulong sa mga ganitong "pagbasa". hindi ako masasakop ng kahit anong paglalarawan dahil patuloy akong tumutubo bilang tao. ang ako ngayon ay maaaring iba na bukas pero pareho pa rin... hahaha labo

Thursday, October 04, 2007

pagwawala....

may nag-alok sa iyo
isang natatanging pagkakataon
iilan lang ang nabibiyayaan, talaga namang isang karangalan
alam mong daan ito tungo sa mga pangarap mo, na makatutulong sa iyo ito
gusto mong tanggapin ang alok pero nag-aalangan ka
nangangamba para sa mga iiwan mo
tinanong mo sila kung ano ang opinyon nila
para malaman mo kung paano ka kikilos

gusto ko na sanang sumagot
ayaw kitang umalis
marami akong naiisip na dahilan
paano na ang responsibilidad mo?
ano nang mangyayari kapag umalis ka?
sino ang magpapatuloy ng mga nasimulan mo?
panibagong mga proseso na naman
kailangan ang presensya mo, mahalaga yun para sa kanila
higit na mabuting nakikita ka nila
na kasama ka sa anumang nais nilang maaabot

pero hindi ko naibigay ang mga dahilang ito
naisip ko kasi, ayaw kitang makulong
hindi ka lang naman dito tutubo
maaaring higit na makatutulong sa'yo kung tumuloy ka
hindi rin naman hihinto ang mundo kapag nawala ka
makapagpapatuloy pa rin ang mga tao
kailangan talaga ng kaunting pagbabago, pero makakaraos din
hindi mo naman kailangang isuko ang mga pangarap mo para sa iba
siyempre masama na yun

pero ayaw kong tumuloy ka
itinatanggi ko pa rin yun
pero hindi ko sinasabi
kapag napag-uusapan, ngumingiti lang ako
nakikitawa
payag na kasi sila sa gusto mo
gusto nilang matuloy ka
masaya sila para sa iyo
pero bakit ako?
gusto ko rin namang maabot mo ang mga pangarap mo
pero bakit itinatanggi ko yun?

sa totoo lang, nalulungkot kasi ako
hindi ko maisip na aalis ka na
na hindi kita makikita nang napakatagal na panahon
na hindi ko maririnig ang boses mo
hindi ko maisip na sa huling tatlong buwan na posible kitang makasama
ni anino mo hindi ko makikita
naiinis ako kasi parang ninakaw sa akin ang pagkakataon
anim na buwan na nga lang kita makakasama
babawasan pa ng tatlong buwan
alam ko namang magkakahiwalay din tayo sa huli
nalulungkot lang ako kasi sobrang napaaga
hindi ko maisip na paggising ko
haharapin ko ang katotohanang hindi kita makikita
sana kasi kung makakausap pa rin kita
sana kung may karapatan akong makipag-ugnayan pa rin sa iyo
kaya lang parang wala ako sa lugar para laging mag-text, mag-email

umiiral na naman ang pagkamakasarili ko
hindi naman ako madalas na ganito
kahit ano nga kaya kong ibigay para sa mga minamahal ko sa buhay
pero bakit sa pagkakataong ito, nagdaramot ako
ayaw kong ibigay sa iyo ang alam kong gusto mo
alam kong mali na ipagkait sa iyo ang pagkakataong magpaypay
isa itong kilos ng pagwawala
pero di ko mapigil ang sarili ko
nahihirapan ako, pero wala naman akong karapatan

desidido akong lagpasan ang pagkamakasarili kong ito
kailangan ko lang talaga ng panahon
pero hinahabol ako ng oras
sa loob ng linggong ito, malalaman ko na kung tutuloy ka

kung anuman ang maging desisyon mo
sige, hahayaan kita
hindi maluwag sa loob ko pero kailangan kong gawin
ang hiling ko lang...
sana hayaan mo akong makasama ka bago ka umalis
maihatid ka hanggang sumakay ng eroplano
gusto kong makita ka
hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko
ok lang kahit di mo ako kausapin o pansinin
ok lang kahit sila ang pagtuunan mo ng atensyon
basta andun ako
para ipakita sa'yo ang suporta ko

haayyy
noong lunes pa ako ganito
nakakainis kasi wala talaga akong karapatan
wala talaga....