in the silence

Sunday, March 30, 2008

lovestruck?

the stolen glance is probably the oldest trick known....
yet definitely....
the most obvious sign of hidden admiration.

- hahahaha sorry "in-love" ata ako (labo)

araw ng pagtatapos....

marso 29, 2008
ito na ang araw ng pagtatapos ko
makukuha ko na ang diploma kong nagpapatunay ng degree na nakuha ko mula sa unibersidad na ito
katatapos pa lamang ng rehearsals namin
maayos naman ang naging daloy
natatawa lamang ako sa itsura ko
akala ko kasi isusuot namin ang toga sa rehearsals kaya nagsuot ako ng palda
yun pala hindi naman kaya ok lang na naka-pantalon
ang malabo pa, naka-plain black shirt ako
ito ang nakapatong sa spag-strap kong top
ang pangit tingnan, nakakatawa talaga
naiilang tuloy akong gumala-gala sa school ngayon
kaya naisipan kong dito na lamang sa computer lab dumeretso
hahahaha

kulang-kulang sa tatlong oras na lamang
magsisimula na kaming magmartsa
hindi ako nalulungkot
nasa isip ko kasing magkiita-kita pa kami ng mga kakilala ko
na hindi pa naman talaga ito ang huling pagkakataong magkakasama kami
hindi rin namana ko natutuwa
kahit papaano nakakaramdam pa rin ako ng regret sa hindi ko pagkakuha ng minimithi kong pagkilala
na naging tamad akong mag-aaral at hindi ko talaga ibinigay ang lahat ng makakaya ko para dito
masaya ako dahil tapos na, pero hindi ako masayang-masaya dahil hindi pa tapos ang lahat
hahahaha parang ang labo ata nun
ang nararamdaman ko ngayon ay kaba
hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya
magkakamali ba ako?
magmumukha ba akong basahan (hindi kasi ako magpapaayos)?
magiging ok ba ang itsura ko?
ano bang mararamdaman ko mamaya?
hindi ko talaga alam
ang labo, hindi dapat ito ang nararamdaman ko eh
tapos, umaasa pa akong may makita akong mga tao
kahit na may ginagawa sila, ok lang basta sana makita ko sila
kung hindi man, ok lang din

ang labo ko talaga
hahahaha
sige na, mag-aayos na ako at kaakin ng pananghalian
para makapunta na agad ako sa venue at hindi ako mahuli
yey!

congrats sa lahat ng mga nagsipagtapos ngayong marso!

Saturday, March 29, 2008

heart color

alin ba talaga? labo


Your Heart Is Pink



In relationships, you like to play innocent - even though you aren't.

Each time you fall in love, it's like falling for the first time.



Your flirting style: Coy



Your lucky first date: Picnic in the park



Your dream lover: Is both caring and dominant



What you bring to relationships: Romance






Your Heart Is Green



Love completes you, but that doesn't mean you seek it out.

When love comes your way, you integrate it peacefully into the rest of you life.



Your flirting style: Laid back



Your lucky first date: Walking around aimlessly and talking



Your dream lover: Is both enthusiastic and calm



What you bring to relationships: Balance

rent soundtrack....

hindi ko pa talaga natapos yung movie pero sa simula pa lamang nito alam kong gusto ko siya
natutuwa ako sa mga musicals :)
at ang gaganda ng laman ng soundtrack ng movie na ito
dahil sa sobrang katuwaan, narito ang lyrics ng ilan sa mga pinakagusto kong awit
sana matapos ko na siyang panoorin :)

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Seasons of Love

COMPANY
525,600 minutes
525,000 moments so dear.
525,600 minutes - how do you measure,
measure a year?
In daylights, in sunsets, in midnights, in cups of coffee.
In
inches, in miles, in laughter, in strife.
In 525,600 minutes - how do you
measure a year in the life?
How about love? How about love? How about love?
Measure in love. Seasons of
love.

SOLOIST 1
525,600 minutes!
525,000 journeys to plan.
525,600 minutes - how can you measure
the life of a woman or man?

SOLOIST 2
In truths that she learned, or in times that he cried.
In bridges he burned, or
the way that she died.

COMPANY
It’s time now to sing out, tho the story never ends let's celebrate remember a year in the life of friends.
Remember
the love!
Remember the love!
Remember the love!
Measure in love. Seasons of love! Seasons of love.


~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Light my Candle


Roger: What'd you forget?
Mimi: Got a light?
R: I know you? -- You're -- You're shivering

M: It's nothing
They turned off my heat
And I'm just a little
Weak on my feet
Would you light my candle?
What are you staring at?

R:Nothing
Your hair in the moonlight
You look familiar
Can you make it?

M: Just haven't eaten much today
At least the room stopped spinning.
Anyway. What?

R: Nothing
Your smile reminded me of --

M: I always remind people of -- who is she?
R: She died. Her name was April

M: It's out again
Sorry about your friend
Would you light my candle?

R: Well --
M: Yeah. Ow!
R: Oh, the wax -- it's --
M: Dripping! I like it -- between my --

R: Fingers. I figured...
Oh, well. Goodnight.
It blew out again?

M: No -- I think that I dropped my stash

R: I know I've seen you out and about
When I used to go out
Your candle's out

M: I'm illin' --
I had it when I walked in the door
It was pure --
Is it on the floor?

R: The floor?

M: They say I have the best ass below 14th street
Is it true?

R: What?
M: You're staring again.

R: Oh no.
I mean you do -- have a nice --
I mean -- You look familiar

M: Like your dead girlfriend?

R: Only when you smile.
But I'm sure I've seen you somewhere else --

M: Do you go to the Cat Scratch Club?
That's where I work - I dance - help me look

R: Yes!
They used to tie you up --

M: It's a living

R: I didn't recognize you
Without the handcuffs

M: We could light the candle
Oh won't you light the candle?

R: Why don't you forget that stuff
You look like you're sixteen

M: I'm nineteen -- but I'm old for my age
I'm just born to be bad

R: I once was born to be bad
I used to shiver like that

M: I have no heat -- I told you
R: I used to sweat
M: I got a cold

R: Uh huh
I used to be a junkie

M: But now and then I like to --
R: Uh huh
M: Feel good
R: Here it -- um --
M: What's that?
R: It's a candy bar wrapper
M: We could light the candle
M: What'd you do with my candle?
R: That was my last match
M: Our eyes'll adjust, thank God for the moon

R: Maybe it's not the moon at all
I hear Spike Lee's shooting down the street

M: Bah humbug ... Bah humbug
R: Cold hands

M: Yours too.
Big. Like my father's
You wanna dance?

R: With you?
M: No -- with my father
R: I'm Roger

M: They call me
They call me Mimi

inaamin ko na....

ang labo ng mga tao
kasi naman nung araw pagkatapos mong isulat yun
mukhang ok pa naman, nagtext ka pa nung gabi
pero pagbalik ko matapos ang isang linggo
para bang hindi mo na ako kilala
nalulungkot ako na naiinis sa nangyayari
kasi naman sana hindi mo na lang sinulat yun kung magiging ganyan ka rin naman
nalulungkot ako kasi ilang araw ko na lang nga kayo makikita tsaka ka pa lumalayo
naiinis ako kasi aalis na lamang ako may maiiwan pang hindi ko nakakausap
may panahon pa naman, may isang araw pa na posibleng mangyari ito
pero sana naman walang pag-iwas na nangyayari
kasi nakakagulo ng isip at ang hirap kapain ng sitwasyon
hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo kaya hindi ko alam ang gagawin

sabi ng kakilala ko kanina baka daw para makalimot
para daw magmove-on
kasi alam na aalis na ako at maiiwan siya
kaya ngayon pa lang itigil na ang pangangarap
naiintindihan ko naman kung ganito ang dahilan mo
pero sana kung ganito rin lang eh di dapat di mo na sinabi

hahaha ang labo ko talaga
bakit ko ba ginagawang big deal ito
sa totoo lang kasi dati pa akong natutuwa sa'yo
nung pumasok ka palang alam kong may something sa'yo
natutuwa talaga ako sa'yo
pero hindi ibig sabihin nito na gusto kita
natutuwa lang talaga ako
at naiinis ako kasi umiiwas ka
at hindi na kita nakikita
hindi nakikita ang mata mo, yung ngiti mo
sa tuwing makakasalubong kasi kita, sa ibang direksiyon ka nakatingin o kaya walang ngiti sa mukha
parang hindi mo ako kilala
hindi naman kita malapitan kasi baka iba ang isipin mo at magkaproblema pa tayo

ang labo ko
hahaha sasabihin ko na
nami-miss na kita, yung dating ikaw
hahaha inamin din
labo ko talaga
sana hindi maling mensahe ang mabigay ko sa'yo
friends?!

(ang labo ko, pabagu-bago ako ng kinakausap. sino ba talaga ng tinutukoy ko dito? hahaha)

Friday, March 28, 2008

lss....

ang weird, na-lss ako sa kantang ito
hindi ko siya narinig sa radyo, at hindi ko rin nabasa ang lyrics since last year
pero last week ko pa itong kinakanta
hahaha labo ko


Everybody's changing
(Keane)

You say you wander your own land
But when I think about it
I don't see how you can

You're aching, you're breaking
And I can see the pain in your eyes
Says everybody's changing
And I don't know why

So little time
Try to understand that I'm
Trying to make a move just to stay in the game
I try to stay awake and remember my name
But everybody's changing and I don't feel the same

(instrumental)

You're gone from here
Soon you will disappear
Fading into beautiful light'cause everybody's changing
And I don't feel right

So little time
Try to understand that I'm
Trying to make a move just to stay in the game
I try to stay awake and remember my name
But everybody's changing and I don't feel the same

(solo)

So little time
Try to understand that I'm
Trying to make a move just to stay in the game
I try to stay awake and remember my name
But everybody's changing and I don't feel the same

Tuesday, March 25, 2008

ang iniisip ko mula pa noong nakaraang linggo....

apat na araw na lamang matatapos na ang buhay kolehiyo ko
apat na araw na lamang, mapapabilang na ako sa maraming Pilipino na walang trabaho
magtatapos na ako, pero hindi pa rin talaga tumatatak sa isip ko
kasi nakaprograma na ang utak kong hindi pa ako tapos
na mag-aaral pa ako ulit at hindi pa talaga ako sasabak sa buhay trabaho,
na hindi pa talaga ako haharap sa sinasabi nilang "tunay na mundo"
muli ko na namang ilalagay ang sarili ko sa komportableng mundo ng buhay mag-aaral
higit mang mahirap ang papasukin ko, hindi pa rin ito ang "tunay na mundo"

gusto kong maging doktora
gustong-gusto ko talaga
pakiramdam ko dito talaga ako tinatawag, na ito talaga ang bokasyong nakalaan para sa akin
pakiramdam ko kasi dito nagtatagpo ang gusto ko at ang tingin ko'y gusto ng Diyos para sa akin
napakalinaw na sa akin ng mga plano ko
pagkatapos ng med school, magtatrabaho ako sa isang pampublikong ospital o kaya naman sa mga probinsya
paglilingkuran ko iyong mga hindi kadalasang nabibigyan ng pagkalinga
hindi ko minimithing yumaman sa pamamagitan ng pagiging doktora
hindi ko kasi maisip ngayon na humihingi ako ng bayad kapalit ng paglilingkod ko
kapag may ibinigay sila ok lang, kung wala ok lang din
isyu ko lamang ay ang pagkukuhanan ng gamit, iniisip ko kasi paano ko sila paglilingkuran kung walang sapat na kagamitan para gawin ito (sa mga pampublikong ospital higit atang limitado ang mga gamit)
sa simula magiging reactive lamang ako pero sa pagtagal nais ko sanang maging proactive
nais kong bumuo ng mga sistemang makakatulong sa komunidad na pinaglilingkuran ko
parang ang ganda ng plano ko ano
hindi man perpekto at medyo malabo at may pagka-ideyal
natutuwa ako at gusto ko talagang maisagawa ito

pero sa paglipas ng mga araw, nagkakaroon ako ng pag-aalangan
nakapasa man kasi ako sa mga medical schools, hindi ko naman tiyak kung paano babayaran ang aking pag-aaral
nakadepende ako sa scholarship na ibibigay sa akin ng paaralang papasukan ko
o kaya sa suportang ibibigay ng ilang indibidwal na sinabihan ko ng aking mga plano
kung hindi ko ito makukuha, malamang hindi ko maituloy ang pag-aaral
maaari kong subukang pag-ipunan ito sa pamamagitan ng pagtatrabaho muna
ngunit hindi ko alam kung magagawa ko ito
sa ngayon, tinitingnan ko pa ang mga opsyon na nasa harap ko
sa totoo lamang, nakahanda akong magtrabaho para mapag-aral ang sarili ko
kung pwede nga lamang ayusin ang mga kukunin kong asignatura upang magawa kong mapagsabay ito
nakahanda akong maglingkod sa paaralang papasukan ko para lamang makapag-aral
napaka-extreme na ng mga naiisip ko pero iniisip ko lamang ang mga posibleng gawin kung sakaling di ko makuha ang minimithi kong scholarship

sa ngayon, naghihintay pa ako
hindi ko tiyak kung ano ang ibibgay sa akin
umaasa na lamang ako
ipinapasaDiyos ko na lamang ang lahat, na gawin niyang posible ang anumang dapat kong gawin
sana talaga makuha ko ang scholarship na iyon
sana talaga...
dear God please....

songs of the month...

Huwag Kang Mangamba

INTRO: D - D/C# - Bm - Bm7 - G - D/F# - BbM7

KORO:
G/A hold D D/C# Bm Bm7 G D/F# Em
Huwag kang mangamba, -di ka nag-iisa

G/A D D/C# BmBm7 G - F#
Sasamahan kita, saan man magpunta

Bm Bm7 G Gm
Ika'y mahalaga sa 'King mga mata

G/A D D/C# Bm Bm7 G Em Asus A D-G/D-D
Minamahal kita, mina---mahal kita

Bm A/C#D
Tinawag kita sa 'yong pangalan

Em A D A/C#
Ikaw ay Akin magpakailanman

Bm,Bm7 G Em A
Ako ang Panginoon mo at Diyos

Em D Asus
Tapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

Sa tubig kita'y sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

One More Gift

REFRAIN:
If there's one more gift
I'd ask of You, Lord
It would be peace here on earth;
As gentle as Your children's laughter
All around, all around

Your people have grown weary
Of living in confusion
When will we realize
That neither heaven is at peace
When we live not in peace (REFRAIN)

Grant me serenity within
For the confusions around
Are mere reflections
Of what's within
What's within me (REFRAIN)

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Hesus Ng Aking Buhay

by Arnel Aquino, SJ


Sikat ng umaga
Buhos ng ulan

Simoy ng dapithapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong

Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso

Tinig ng kaibigan
Oyayi ng ina
Pag-asa ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso

Sunday, March 23, 2008

senior syndrome....

got this from someone
senior syndrome...

Graduation rites can be bittersweet.

When you get to the venue, you can't
help but be anxious about what happens
when the entire program is done. As you
go up the stage and receive your
diploma, you look at the audience and
realize how life just passed by without
you even giving a second to think about
it. And once the program is over, it's
when those mixed emotions start running
in. You cry for two reasons: (1)Because
you're done with school; and (2)because
you're done with school. You cry because
those sleepless nights of drafting,
rendering, plotting, reading, and all
the stress college rained on you are
over. But then again, you cry because
once you get out there, the people you
share these moments with are no longer
with you. Then again, maybe they are but
it wouldn't be like how it was, right?

Then comes the part where you have your
picture taken with almost everyone you
bump into to have a tiny bit of memory
of them whether that person was your
college buddy, your professor who you
hated at first but unknowingly fell in
love with when you had him/her the
second time around, or just the typical
and regular batchmate/coursemate you see
walking along the halls.

After all the camera-flashing, the
hugging, the kissing, the goodbyes, and
all of that, look around and seize for a
while and think. It may be the end of
the greatest 4-6 years of your life, but
it's also the start of even greater
years waiting ahead of you. And
somewhere along those years, you'll come
across the same set of faces whom you
shared those 4-6 great years with in
college. Once you've relished on that
thought, it's when you realize that
you've made it.

I guess it saddens me a bit because I
made my way through college with the
help of these people. Then again, I'm happy and
proud that I've met these people and
have learned so much from them, and
that, I think, is what graduation is all
about. It's not about taking home lots
of medals or certificates, nor being
summa, magna, or just plain cum laude;
its about all the hard work knowing that you're going
somewhere.


The End Is The Beginning Is The End.

Tuesday, March 18, 2008

naguguluhan...

noong nakaraang sabado, isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakakausap ang nakasalubong ko sa daan
may pupuntahan ata siya kaya hiningi na lamang niya ang numero ko
para din daw macompile niya yung contact info ng block namin dati
binigay ko naman
mula noon, lagi na siyang nagtetext
ngayon ko na lamang ulit naranasan ang makipagkuwentuhan sa isang dating kaibigan through text
si soul lang kasi ang madalas kong katext at yung iba puro tungkol sa acads or org
may naalala nga akong tao sa kanya eh, yung "kuya" ko dati sa high school
nagulat lang ako kasi hindi naman siya dating ganun
tapos yung paraan pa ng pag-uusap namin parang hindi kami tatlong taong hindi nag-usap
nagkikita naman kami sa campus pero never ata kaming nagkaroon ng ganoong klase ng usap
sobrang kakaiba talaga, yung tipo ng kuwentuhan na close friends mo lang ang gumagawa
ok lang naman sa akin, kakilala ko naman siya kaya hindi ako naiilang
sobrang nagulat lang talaga ako sa ikinikilos niya

ayaw ko man, hindi ko maiwasang kulayan ang mga ginagawa niya
apat na araw na kaming nagtetext at kanina nga nilibre niya ako ng lunch
pumayag naman ako kasi blockmates naman kami
kami lang kanina, tapos kuwentuhan lang sa mga plano namin after college, mga nangyari, random stuff kung ano lang maisipan ng isa
hindi naman mabigat yung feeling, hindi rin ako nakaramdam ng pangangailangang magsalita
palagay naman ang loob ko, to think na bago kami magkita kinakabahan ako kasi never pa akong kumain ng solo with a guy before
sabi nga ng friend ko, date daw pero naniniwala akong hindi naman
gusto lang niya ng kasabay

pero ang labo talaga, wala naman siyang sinabi so naniniwala akong wala nga
pero weird pa rin talaga yung mga ginagawa niya, hindi karaniwang ginagawa ng mga tao
ano ba ito, hindi kita mabasa
ano bang gusto mong sabihin? tama ba ang ginagawa kong pagbasa?
ayaw ko naman kasing mag-assume, malabo yun
kung may gusto kang sabihin, sabihin mo agad para malinaw ang lahat

naguguluhan na ako sa iyo
ano ba naman ito, pero hindi naman kita pinoproblema
naguguluhan lang talaga ako
hahaha ang labo ko
isa kasi itong bagay na hindi ko alam, isang bagay na hindi ko alam panghawakan kaya naman hindi ako mapalagay ng kaunti
hahaha ang labo ko na

Saturday, March 15, 2008

panata ng buhay....

LEAD ME LORD

Lead me Lord, lead me by the hand
And make me face the rising sun
Comfort me through all the pain
That life may bring
There's no other hope
That I can lean upon
Lead me Lord Lead me all my life

Walk by me, walk by me across
The lonely road that I may face
Take my arms and let your hadn
Show me the way
Show the way to live inside your heart
All my days, all my life

Refrain: You are my light
You're the lamb upon my feet
All the time my Lord
I need You there
You are my light I (just) cannot live alone
Let me stay
By Your guiding love
All through my life

Lead me Lord
Lead me Lord Even though at times
I'd rather go alone my way
Help me take the right direction
Take Your road Lead me Lord
And never leave my side
All my days
All my life

You are my light
You're the lamb upon my feet
All the time my Lord
I need You there
You are my light I (just) cannot live alone
Let me stay By Your guiding love
All through my life
All through my days Lead me, O Lord Lead me Lord

Friday, March 14, 2008

kalungkutan sa panahong di ko inaasahan....

naiiyak na ako. naiinis ako sa sarili ko kasi nakararamdam ako ng pagkabigo.
hindi kasi ganito ang naisip kong mangyayari. hindi ito ang inasahan kong mararamdaman ko.
pagdating ko pa lang, bumalik na ang lahat, tumama ulit sa isip ko na hindi ito ang ideyal na mundong kinalagyan ko ng isang linggo. na ang lahat ay hindi ko maiuuwi sa sarili kong pag-uunawa. na hindi lamang ako ang nakatira dito sa mundo at hindi gagalaw ang lahat batay sa kung ano ang naiisip ko.
nalulungkot lang ako kasi parang may gusto akong mangyari na hindi nangyari. nalulungkot talaga ako.

dear God, bakit po ganun? kapag masaya ako, hindi ko sila maasahang maging masaya para sa akin. kung kailan napaka-high ng nararamdaman ko hindi ko makuha sa kanila yung pagka-high na nararamdaman ko. hindi ko makita sa kanila yung pagiging masaya para sa akin. hindi ba nila nararamdaman yung pagka-inspired ko? naiiyak ako kasi bumalik ako dito with super high hopes pero sa kanila pa lang feeling ko parang walang nangyari sa akin. hindi ko maramdaman yung pagiging bukas nila sa mga kuwento ko. para bang ang tingin nila sa nangyari sa akin isang napakanormal lang na pag-alis. na walang naging epekto sa akin ang lahat. hindi tulad ng iniisip nilang retreat ang retreat na pinuntahan ko. dear God patawad po. naiiyak na talaga ako. hindi ko mahanap yung saya na hinahanap ko sa pagdating ko. para bang nakito ko ang liwanag tapos sa isang iglap balik uli ako sa kadiliman ng mga katotohanang pumapaligid sa akin.

dear God tulungan niyo po ako. gabayan niyo po ako. bigyan niyo po ako ng bukas na mata at puso para maunawaan ang lahat ng ito at magawang gawin ang tama. salamat po...