in the silence
blogthings...
What Your Face Says
At first glance, people see you as down to earth and reliable.
Overall, your true self is moody and dynamic.
With friends, you seem logical, detached, and a bit manipulative.
In love, you seem mysterious and interesting.
In stressful situations, you seem cheerful and optimistic.
What Do People Think Of Your Face?
nagpapaalaala...
Pagdating ko sa bahay kanina, nanonood si Mama ng TV. Konting ingay lang ng gate pagbukas ko, tayo siya agad para papasukin ako. Tinanong ako kung kumain na ako. Kahit anong oras ako dumating, yun lagi ang bati sa akin. Kumain na ba ako? Tapos bumaba din si Papa, makikipagkuwentuhan sandali. Bago ako umakyat, tatanungin ako kung may damit pa ako para bukas.
Hindi talaga nila ako titigilan, no? Kahit tumanda na sila, ako pa rin ang iisipin nila. Minsan nag-iisip ako ng paraan kung paano magpasalamat. Wala akong maisip. Nagpiprisinta na lang tuloy akong maghugas ng pinggan.
nagpapasalamat ako sa mga ganito.
isa sa mga nagpapaalaala sa akin ng mga bagay na naisasantabi ko minsan
something to do with winamp...
1. Open your music library.
2. Put it on shuffle.
3. Press play.
4. For every question, type the song that's playing.
5. When you go to a new question, press the 'next' button.
6. Don't lie.
Opening credits: Lifehouse - Breathing
Waking up: Aerosmith - I Don't Wanna Miss a Thing
First day of High School: Lifehouse - Breathing
Breaking Up: N'Sync - Sailing
Prom: Creed - Sacrifice
Life: Alanis Morissette - Ironic
Mental breakdown: Stacie Orrico - (There's Gotta Be) More to Life
Driving: Side A - Nais Ko
Flashback: Elton John - Can You Feel the Love Tonight
Getting back together: Mojofly - Tumatakbo
Wedding: My Chemical Romance - Welcome to the Black Parade
Birth of child: Nickelback - How you Remind Me
Final battle: Cranberries - Ode to our Family
Death scene: Rodel Naval - Lumayo ka man sa Akin
Funeral song: Nickelback - Photograph
End credits: Bellefire - I Need to be Next to you
kalusugan, pangalagaan....
o di ba!
parang entry sa isang slogan-making contest!
hehehehe
ito ang naisip kong paksa dahil sa isang pangyayari kanina
isa sa mga mahahalagang tao sa buhay ko ang bigla na lamang hindi nagparamdam
buong araw siyang hindi sumasagot sa mga tawag o text
hindi siya pumasok sa mga klase
at hindi siya kumuha ng pagsusulit sa isang asignatura
malaki ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral kaya naman nakagugulat ang mga nangyari
nang gabi na ay hindi pa rin siya nagpapakita, nag-alala na kami
may mga natakot na baka may nangyaring hindi maganda
sobrang naguluhan ako at nag-alala sa kanya
kaya naman agad naming tinungo ang tinutuluyan niya
doon namin nalaman na wala namang masamang nangyari
may sakit siya at pagod
halata sa kanyang mukha ang pagkahapo... nalungkot ako
sana nga may magagawa ako para mabawasan ang pagod niya
walang siyang sigla nung humarap siya sa'min
nakakalungkot kasi nung huli kaming magkita, umaawit pa kami ng mga awiting pamasko
apat na araw ko siyang hinanap-hanap pagkatapos ito ang bubulaga sa akin
nalungkot ako kasi wala naman akong magawa... wala akong ginawa....
ayun...
ang daming mga kakilala ko ang nagkakasakit
sana lahat tayo pangalagaan ang ating mga kalusugan
lahat ng gusto nating gawin ay hindi natin magagawa kung may sakit tayo
ayun po
ingat kayo lagi!
1st long exam....
kanina ko nakuha ang resulta ng pinakauna kong pagsusulit para sa semestreng ito.
inaasahan ko nang hindi mataas ang makukuha kong marka.
maraming dahilan kung bakit hindi ako nakapag-aral para sa pagsusulit na iyon.
ang mga nangunguna ay ang katamaran at pagkakataon.
katamaran dahil hindi ako nag-aral ng mas maaga. ni-rush at crammed na naman.
pagkakataon dahil hindi ko inaasahang may kailangan akong gawin isang oras bago ang pagsusulit.
hindi ako natuwa sa 76.5 na nakita ko sa papel ko kanina.
C+! muntik nang bumagsak....
ang nakakainis pa, ang mga mali ko ay hindi naman ganoon kahirap.
kung nakapag-aral lamang ako ng maayos, mayroong mas malaking posibilidad na masagot ko ito ng tama.
ngunit wala na akong magagawa.
lumipas na ang pagkakataon.
ang tangi ko na lamang magagawa ay ang paghandaan ang mga susunod na pagsususlit.
hehehe
sige na
tama na muna ang acads
pahinga muna....
my chemical romance....
my latest fave: My Chemical Romance
this band caught my attention when they released the "Ghost of You"
i love the sounds and later the lyrics
i'm currently mad about their latest hit: Welcome to the Black Parade
here are the members of the band:
Gerard Way - Lead Vocals
Frank Iero - Guitar and Vocals
Ray Toro - Guitar and Vocals
Mikey Way - Bass
Bob Bryar - Drums
new template...
i have a new blog template
just saw it on blogskins yesterday
it was love at first sight
i simply love this skin with its unique layout and catchy design
thanx for the creator
i still have to make some changes though
the profile is not yet here and other stuff
hahaha
just wait
i'll be adding the changes soon
hope you all like it...
hula....
noong nakaraang sembreak, nagkita-kita ulit kami ng high school barkada ko.
ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita
nagpunta kaming Laguna at nag-swimming
masaya ako kasi nakasama ko ulit sila. nakaka-miss talaga ang mga yun.
hindi pa rin sila nagbago. medyo mature nang kumilos pero isip bata pa rin kung minsan.
kaya nagkakasundo kami eh. kasi ganun din ako.
ayun. dahil hindi nga kami nagbago
(huwag nating haluan ng pamimilosopiya ito, may nagbago pero 'wag na nating pasukin pa ito)
ginawa pa rin namin ang nakagawian na tuwing nagkikita kami:
namely: maglaro, kuhaan ng litrato, kwentuhan tungkol sa love life, asaran, kulitan at manghula
yup, tama ang huli mong nabasa
may manghuhula kasi sa barakada ko
may natatangi siyang kakayahan na sumilip sa nakaraan at hinaharap
sa totoo lang hindi ako gaanong naniniwala sa mga hula
pero ang mga hula nitong kaibigan ko, lagi talagang tumatama
ang madalas naman niyang hulaan ay ukol sa pamilya, pag-ibig at buhay
buong barkada nagpapahula sa kanya
bahagi na ito nang nakagawian namin
ang nahula sa akin, hindi ukol sa pag-ibig
basta magakkaroon daw ako ng problema
hindi ako naniwala sa bahaging iyon
pero iniisip ko na kung ano kayang suliranin ang makakaharap ko at sobrang bigat nito
yung bandang huling bahagi ng hula ang medyo nagkatotoo
tinanong ko kasi kung may kaka-issue ako bago matapos ang taon
at tingnan mo nga naman ang hinula sa akin ay meron
at akalain mo bang magkatotoo
hehehe wala lang
ayun...
hindi naman siya ganun kaseryoso
natatawa lang ako sa sarili ko kung paano ko bigyan ng paliwanag ang mga bagay-bagay
hehehehe
wag mo na akong pansinin
may sayad ako ngayon kahit hindi halata
medyo naguguluhan kasi ako sa mundo
sabog eh... may focus pero yung focus na yun iba sa gusto kong bigyang-pansin
hindi naman sa ayaw ko nang ginagawa ko. gusto ko ito
pero alam ko na may iba pa akong dapat asikasuhin na tila nalilimutan ko dahil sa ginagawa ko
kailangan ko na bang huminto?
pero gusto ko talagang kumanta...
ito na ang paraan ko nang pagbibigay-ligaya ngayong pasko
sana lang di ko mapabayaan ang iba
mahalaga rin sila
ang sasabihin ng iba, higit pa silang mahalaga....
haaaayyyyyy..................
mga nangyari kahapon....
magpaparehistro dapat kami ng kaibigan ko sa city hall. malapit na kasi ang eleksyon at deadline na ng pagpaparehistro sa huling araw ng Disyembre. sa kasamaang palad, pagdating namin doon napag-alaman namin na hindi pala maaaring magparehisto kapag araw ng biyernes, linggo hanggang huwebes lang pala pwede. umuwi na lamang kami ng kaibigan ko....
~~~~~~~~
pumunta ako sa mall pagkagaling sa city hall. mamimili dapat ako ng damit at pangregalo sa mga kakilala ko. ilang oras din akong paikot-ikot doon ngunit wala ako gaanong nabili. una, wala ako gaanong pera at karamihan ng mga nagugustuhan ko ay may kamahalan. ikalawa, wala talaga akong makita na magandang ipangregalo ngayong pasko. naisip ko na ngang pumunta na lamang sa Divisoria o kaya naman ay sa Marikina Riverbanks tiangge kaya lang wala akong oras para gawin iyon. medyo marami pa kasi akong kailangang gawin. sa kabila nito, masaya ako kasi love ko ang body spray na nabili ko sa Zen Zest hehehe la lang
~~~~~~~~
nang nasa mall na ako may nakatatawang pangyayari. tumawid ako ng skyway para tumungo sa annex. tapos, may isang guard na biglang nagpakita sa akin. alam mo ba ang naging reflex ko? tiningnan ko kaagad kung may suot akong ID. haha sobrang naisip ko kaagad siya pagkakita ko doon sa guard. grabe talaga, parang bahagi na ng sistema ko ang pagsusuot ng ID hehehehehe
~~~~~~~~
caroling night kahapon. masaya ako kasi maganda ang pagkaka-kanta namin at nakapunta naman kami sa apat na bahay. nakakainis lang ng kaunti kasi may bara sa lalamunan ko kaya naman ayaw pumasok ng hangin tuwing may humming kasi na gagawin. gumagaralgal tuloy ang labas. hehehe sana mamaya hindi na ganito....
~~~~~~~~
masaya ako kasi kasama ko siya at umawit uli kami ng magkasama. super cute niya kahapon with burgundy-colored polo, slacks and all. hahaha la lang nakalulungkot nga lang nang kaunti dahil nalaman kong one-sided lang talaga ito dahil nang isiwalat ang tungkol sa isyu, hindi naman niya ito gaanong pinansin. sabi ko rin wala lang yun. hahahaha labo ko talaga....
~~~~~~~~
1st time ko ulit magsuot ng palda. after ilang buwan. ok naman ang feeling. naninibago lang ako kasi parang ang pa-girl ko kahapon. may hikaw na nga pala ako ulit. hindi na siya nagsusugat. buti na lang silver na talaga yung nabili sa akin. yey! yey! hehehe natuwa...
~~~~~~~~
ayun lang naman
masaya ako na malungkot
medyo pagod din kasi hanggang ngayon di pa rin ako nakakapagpahinga ng maayos
pero ok lang, gusto ko naman ang ginagawa ko
at kasama ko naman ang mga gusto kong makatrabaho kaya ok lang
mas nakakaangat pa rin naman ang kasiyahan
pero minsan, di ko talaga mapigilang malungkot kahit walang dahilan.....
hahahaha
ayun
tama na muna hehehe
pag-uulit
lagi ko na lamang naaalala ang sinabing ito ng aking propesor sa pilosopiya...
"pag-uulit, sa pag-uulit hindi mo maaaring sabihin na back to zero kasi may nangyari na. hindi ka na katulad ng dati. maling isipin na uulit ka mula sa simula dahil hindi na ikaw yung dati. kailangang tanggapin na nagbago na."
hahaha
wala lang
hindi ko na talaga siya nalimutan
eleksyon...
kahapon, mayroon akong klase sa political science. propesor ko si G. Kikuyu (di tunay na pangalan) at isa siyang manggagawa sa senado. ang paksa para sa araw na iyon ay ukol sa "personalistic politics" na umiiral sa bansa. mula dito ay nakarating ang aming usapan sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa. mula sa Cha-Cha hanggang sa hakbang na ginawa ng Mababang Kapulungan. Ngayon na lamang ako ulit nakasama sa isang diskusyon ukol sa politika kaya naman nabigla na lamang ako sa layo ng narating ng isyung ito. nakakalungkot isipin na ganito na ang nangyayari sa bansa dahil sa politika. gayunpaman, may mga dahilan ako upang magalak....
1) nalaman ko na marami pa ring mga Atenista ang may kaalaman sa mga nagaganap sa bansa. hindi nakakulong sa kanilang mga sariling buhay. ang gusto ko lamang ay may gawin sila, kami sa mga nangyayari. hindi yung hanggang salita na lamang o komento ukol sa iba't ibang isyu. kailangang kumilos, ipahayag ang pagtanggi, ang di pakikiisa sa mga maling gawain (radikal na ito...)
2) may pag-asa pa. marami pang tao ang may nais ng pagbabago. marami pang naniniwala na may pagbabagong magagwa kung gugustuhin lamang at sa tamang paraan. hangga't may naniniwala may pag-asa. gaya nga ng sabi ng isa kong kaibigan "yung mga nakikita kong mali, yun yung nagiging dahilan ko para manatili, para magpatuloy, para subukan pang magawan ng solusyon, ng pagbabago...."
3) pumasok na sa sistema ko ang katotohanang isa na akong botante. na may karapatan at responsibilidad na akong bumoto sa susunod na eleksyon. mahirap ito sapagkat kailangan kong maging mapili. hindi pwede ang basta boto lang kung sino ang nandyan. sana talaga mapangatawanan ko na hanggang sa dulo, matatalo man ang gusto ko, iboboto ko pa rin siya....
4) napatunayan kong may interes din ako sa pulitika. dati, ang dahilan ko kung bakit ayaw ko maging isang lawyer ay sa kadahilanang wala akong interes sa politika at mga pagtatalo. ngayon, alam ko na hindi ito katotohanan. habang nagkakaroon nga ng diskusyon sa klase, bigla ko na lamang naitanong sa sarili ko, "parang gusto kong mag-law o kaya ay tumakbo sa isang posisyon. may magagawa kaya ako?"
5) simple lang ito. lalo kong napatunayan sa sarili ko na masaya ang hindi lumiliban sa klase. hindi mo kasi alam kung kailan may bigla na lamang mapag-uusapan na maaaring magpabago sa lahat. masaya ako dahil hindi ko nakagawiang lumiban (hehehehe)
ayun... ang dami kong napagtanto dahil sa klaseng iyon. masaya ako dahil pumunta ako sa klaseng iyon. masaya ako dahil si G. Kikuyu ang naging guro ko. nagpapasalamat ako dahil marami akong natututunan sa unibersidad na pinasukan ko. hehehe
bago...
ngayong mga huling bahagi ng buwan, may isang tao na nagiging sentro ng aking atensyon. hindi na ito bago dahil halos kada taon naman ay nangyayari ito.
nagsimula ang lahat sa madalas na pagkikita. tulad ng mga nakaraang taon, maaga ko nang mapapansin ang pagtatangi ko sa taong iyon pero itatanggi ko pa rin na meron nga. tapos sa isang pagakkataon, mapapatindi ito. sa isang simpleng akto ng katuwaan, tatamaan ka ng katotohanang itinatangi mo siya. mula nang mangyari iyon (mahalaga ang pangayayri sapagkat ika-2 beses pa lamang nangyari yun sa buong buhay ko at unang pagkakataon na nagmula sa tunay na lalaki), lagi ko na siyang napapansin. lagi na lamang inaalam ang mga bagay na ukol sa kanya. sa mga natatanging pagkakataon, tinitingnan ang kanyang mukha, ang ngiti, ang mga larawan. binibigyan ng kahulugan ang lahat ng mga ginagawa. ang atensyong nakukuha, mga pabirong pag-akbay, ang madalas na pagkakatabi. muli na namang magpapantasya, bibigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay na tanging ako lamang ang naniniwala. nakakatawa kung paano ko itangi ang isang tao. para bang baliw ka na sa kanya at malungkot ang isang araw na hindi mo man lang siya nasilayan. ganito na ang nangyayari sa loob ng halos isang buwan. hindi ko alam kung muli na naman itong lilipas, lilipad na parang bula sa langit. ganito rin kasi ang nangyari dati. hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ito aabot ngunit sa ngayon masaya ako sa mga nangyayari. kahit na tila "one sided".
hahaha
good luck naman