in the silence

Sunday, August 26, 2007

playing with names....

ito ang nagagawa ng mga taong nababagot...
meron kayang makakasagot ng mga tanong na ito?

- Does Jennifer Love Hewitt?

- Where did Vincent Van Gough? Did Rolito Go with him?

- Why is Norman Black and Redford White? and why is Charlie Brown?

- Where did Sandara Park?

- Is Chow Yun Fat?

- What did Henry Sy?

- Is Lucio Tan?

- When will Orlando Bloom?

- Whom did Sharon Stone?

- If the sky is high, is Ricky Lo?

- How did the Cardinal Sin?

- Does anyone know Victoria's Secret?

Do you know the answer?
I'm sure Wilma Doesnt!

kapag nawala ang liwanag ng buwan....

kamusta naman ang buhay mo!
tuwing umaga at bago matulog
siya na lang lagi ang laman ng isip mo
kapag lumilipad ang isip mo tuwing klase
siya ang nabubuong larawan
wala ka nang ginawa kundi isipin siya
kung nasaan siya ngayon
kung ano ang ginagawa niya
kung ano ang posibleng nararamdaman niya
kung sinu-sino ang posibleng kasama niya
grabe, ganyan ka na ba talaga ka-obsessed?
ngayon pa lang nangyayari yan ha

grabe nga naman talaga
hindi naman siya umalis ng bansa
nawala lang naman siya ng isang araw
hindi mo lang siya nakita ng isang araw
pero sobrang laki na ng problema mo

hindi na tama iyan!
hindi makatutulong
kung ganito na ang nangyayari, ibig sabihin may mali
subukan mo namang humiwalay ng kaunti
subukang iwasan ang pag-iisip sa kanya
baka sakalin matauhan ka na wala naman talaga
na baka natutuwa lang din siya sa iyo
tulad ng pagkatuwa mo sa kanya
baka sakaling matauhan ka na hindi naman talaga siya ang nais mong makasama
na natutuwa ka lang talaga

hahaha
malabo ka talaga
wala nang patutunguhan ang pagkausap sa iyo
kapag wala na kasi ang iba
at mag-isa ka ulit sa sarili mong mundo
siya lagi naiisip mo

marahil kapag may sinabihan ka tungkol dito
pagtatawanan ka nila
kasi sobrang obsessed ka na eh
hahahaha

bahala ka
marami ka pang kasisiyahang pagkakataon
maraming pang iiiyak at ikalulungkot
pero gusto mo naman ang mga nangyayari di ba?

minsan hindi na talaga kita maintindihan

ang nagagawa ng pagod... (wala lang post)

ganun pala yun kapag napapagod ka
tapos parang wala kang karamay
mapapaiyak ka na lang
kapag umiiyak ka na, makakaramdam ka ng pagkaligaw
tapos tatanungin mo na lang kung bakit ka nga ba umiiyak
tapos matatauhan ka
ihhinto ang pag-iyak
hindi mo na mailalabas lahat ng frustrations mo sa buhay

tapos gugustuhin mong magkasakit
kahit isang araw lang
para mailabas ang lahat ng stress mo sa katawan

pero yun nga ba ang paraan?
ewan ko
gusto ko lang tumakas kahit sandali lang
ilayo ang sarili ko sa lahat kahit sa maikling panahon lang
para kasing nauubos na ako
ang malabo, parang kulang pa ang ibinibigay ko
parang may maibibigy pa naman ako
pero gusto kong huminto sandali
para kasing nasasakal na ako

kahapon nakaramdam ako ng pag-iisa
may mga kasama ako sa ginagawa ko
pero wala yung mga tao na akala ko makakasama ko sa mga panahong tulad nito
yung mga nagsabi na suportahan ang lahat
alam ko na may dahilan yung iba kung bakit wala sila
pero nalungkot lang talaga ako kasi
ayun nga wala sila para tumulong
kahit pa wala sila gaanong gagawin kapag nandun sila
mahalaga, nandun sila

sinusubukan kong mapuntahan ang lahat para maiparamdam nila ang suporta ko
na hindi sila pababayaan
kahit na may isa pa akong kailangang gawin, inuna ko ang proyektong iyon
para magsilbing inspirasyon (sana nga nagampanan ko ito)
kasi walang mula sa highest batch doon
tapos lahat sila unang pagkakataon pa lamang na pumunta sa ganoong aktibidad
sana sa presensya ko, mabigyan sila ng pakiramdam na hindi sila pinababayaan
marahil mali ang paraan ko ng pag-iisip
marahil ako lang ang nag-iisip ng ganito
pero ito kasi ang tama sa paniwala ko
hindi ko ipipilit na ganito rin ang isipin ninyo
pero sana, sana lang sa susunod nandun na kayo
mahirap kasing mag-isa lang na naniniwala sa isang bagay
mahirap talaga
nakakapagod...

Wednesday, August 22, 2007

is congress the opposite of progress?

" If "pro" is the opposite of "con", is "con"gress the opposite of "pro"gress? "

benta talaga ito eh. somehow, it does make sense. pero sana hindi naman maging tunay na hadlang ang kongreso para makamit ng bansa ang inaasam nitong pag-unlad. malaki kasi ang potensyal ng kongreso na makagawa ng malalaking pagbabago sa bansa kung gagamitin lamang nila sa tama ang kanilang oras at kakayahan.

noong nakaraang semestre, nabigyan ako ng pagkakataong makatungtong sa mataas na kongreso. nakapanood ako ng isang senate hearing. wala naman silang mahalagang pinag-uusapan, iba't ibang batas lamang na hindi ko na matandaan kung ano. nakita ko ang mga senador na dati'y sa tv ko lang nakikita (sa totoo lang parang nakaharap pa rin ako sa tv kahit abot-kamay ko na sila. ewan ko ba, wala namang ipinagbago ang itsura nila. hindi ko alam kung bakit pero ang tingin ko sa bawat isa sa kanila ay mga nilalang na artipisyal....)

nakakaramdam ako ng paghanga sa mga taong ito, isang kakaibang paggalang na nararamdaman ko kapag nasa harap ako ng mga may kapangyarihan at maimpluwensiyang tao. hindi yung paggalang na nararamdaman para sa isang tao dahil sa kanyang mga mabubuting nagawa. habang pinagmamasdan sila, naging mga puppet sila ng akong imahinasyon. iniisip ko kung ano ba ang nararamdaman nila o iniisip nang mga oras na iyon. ngunit maliban dito, sila rin ang binalingan ko ng kritisismo.

nalungkot ako sa kalagayan ng senado. para silang may mga sariling mundo. hindi nagkakaroon ng pagkakataong makapag-usap ang lahat bago magsimula. kapag may nagsasalita hindi nakikinig ang lahat. ang iba nakikipagdaldalan pa sa ibang kasama. akala ko ang pangulo ng mataas na kapulungan ang magiging modelo sa iba pang mga senador, ngunit maging siya ay may sariliing mundo. hindi nakikinig sa sino mang nagsasalita. kapag may nagtanong, walang sumasagot (kapag walang sumagot, ipinagpapalagay na lamang na wala namang may reklamo sa sinabi ng kung sino man) may kaniya-kaniya silang ginagawa na nakakalungkot dahil bilang isang kalipunan ng mga kinatawan, dapat sana ay nagtatrabaho sila ng magkakasama, magkakatulong. kaya lang parang may sarili silang agenda sa bawat araw na ipinupunta nila sa senado. minsan naitatanong ko kung ganito ba talaga sa gobyerno. natural na bang hindi makinig? minsan iniisip ko kung maayos ba ang mga naipapasang mga batas kung tila hindi naman nagtutulungan ang lahat para kilatisin ang mga batas na ipinapasa.

sana maging instrumento ng pagbabago para sa ikagaganda ng bansa ang kongreso. may kakayahan sila, may magagawa ang bawat isa sa kanila. sana gamitin nila kung ano man ang ipinagkaloob sa kanila upang mapaglingkuran ang bayan. bilang mga lider ng bansa, sila ang mga "dakilang tagapaglingkod". nahalal sila upan pagsilbihan ANG bayan hindi upang pagsilbihan NG bayan.

Monday, August 20, 2007

kapag sumagot si inday....

sobrang natutuwa ako sa mga text na ito!
pagkabasa ko pa lang natawa na talaga ako.
nakaka-nose bleed
sana matuwa rin kayo :)

"A change in the weather patterns might have occurred causing havoc to affected surroundings.. the way debris are scattered indicated that the gust of wind is going northeast.. causing damage to the path it is going"
- sagot ni inday sa amo nung tinanong kung bakit nagkalat ang basura sa likod ng bahay

"Stop your raucous behavior. it is bound to result in property damages and if that happens there will be a corresponding punishment to be inflicted upon you!"
- si inday, pinagsasabihan ang mga bata na wag maglikot

"Compromising safety with useless aesthetics, the not-so-well engineered architectural design of our kitchen lavatory affected the boy's cranium with a slight boil at the left temple near the auditory organ."
- sagot ni inday nang tanungin siya ng kanyang amo tungkol sa bukol ni junior

"sometimes people choose to leave not because of selfish reasons, but because they just know that things will get worse if they will stay... Leaving can be a tough act and its harder when people can hardly understand you for doing so..."
- comment ni inday sa pag-alis ni Angel Locsin sa GMA

amo: inday, bumili k nga ng mga isda.. Ay ongapala, inglesera ka n ngaun, would you please buy many fishes for this week's meals?
inday: judging by ur statement, i believe u meant a variety of fish. the term 'fishes' although rarely used, connotes a plethora of different kinds of the said grilled aquatic creatures. but the more pressing questions before i go to the wet market would be: what type of fish? fillet or not? frozen or fresh? (pauses) Ahh.. Given the eager budget afforded by this household's quasi-peasant class taste, i assume i shall source the staple "galewng-gong". am i correct?
amo: leche!

"How do I stop fallin' for someone? How do i defy the pull of gravity? Can i just flee? Flee before I hit the ground and suffer the pain? And tell myself: why do I choose to fall in the 1st place, when I know from the start that someone's never gonna be there to catch me anyway?"
- tanong ni inday sa sarili nuya nang ma-inlove sa amo niya

"Maybe the bitterness is okay to stay... Maybe it's all we have left aside from memories... Maybe being bitter is the only way we can move on...Because without the bitterness, we'd all just be martyrs, silently haunted and secretly torn apart..."
- inday, nagpaka-bitter nang hindi magustuhan ng amo niya

"How will you know that your love has faded? It's when you see each other and everything's quite normal. Nothing special, no racing of heartbeat, no flushing of cheeks, no twinkling eyes, no tensed movements. Just contentment that you're through with the person..."
- inday, trying to move on

"The statue restricts me to love you but you have the provocation.. The way you smile is the proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to love each other because the upper household dismissed my petition!"
- ganito nakipagbreak si inday kay dodong (driver ng kapitbahay)

"I'd rather choose being hurt with the truth than making me believe with all the lies. Leave me rather than be with me but your heart belongs with someone else. Break up with me rather than use me and be just your option.. Give up on me rather than staying in the relationship when I know I was the only one fighting.. Let me go rather than hearing painful words from you. Yes it hurts but I'd rather be alone than be with someone who takes me for granted and doesn't realize my worth.."
- inday, nahuli si dodong may kasamang iba, ayun, nageemote..

jeepney driver: "Hoy! Bakit sais lang bayad mo?! Syete na pamasahe ngayon!"
inday: "I am currently enrolled in a two-year vocational course in an academic institution. Therefore, I am a student and by this fact, I am entitled to have the inalienable right to avail of a certain discount on my jeepney fare. This is why I provided a payment less than what you expected, because that is according to the law, as stated in the fare matrix."
driver: "Aww"
- nung scene ni inday pagkatapos bumili ng bread sa goldilocks para kay kris

amo: "Inday, ano'ng ulam ? Darating na si Sir m.."
inday: "Due to the infrequent mass media coverage around hog cholera, I'd consequently given judgment on sauteing exquisite scallops in unsalted butter together with pungent white onion and tossed it with brisk asparagus.. I'd also assented to twist it with fresh lemon zest and advance the taste via blending a petty amount of chardonnay white wine as well as a cup of viscuous cream.."
amo: "ah.. ok.. wag ka nang maghanda, kakain na lang kami sa labas! letse ka!"

sa resto:
waiter: "Ano po order nila, ma'am?"
amo: "Yung fried chicken meal na lang. Ikaw inday, ano sa'yo?"
inday: "I would like to partake of a dish of sauteed pork and chicken, boiled in thick essence of soy and cane extracts, with copious amounts of garlic, onion and laurel, sprinkled generously with fine spices and served with a generous helping of root crop and a helping of rice."
amo: "Iho, adobo with rice daw."

"Much as I want to indulge in the proliferation of such indecent and malicious information, I want to lift the stigma and alleviate society's perception of our profession.."
- inday, tumatangging makipagtsismisan sa katulong sa kabilang bahay

(amo, pinakialaman ang cellphone ni inday):
message: "I'm not extremely good looking but I have a sense of humor. I'm not breathtakingly intelligent but I'm relatively witty. I'm not insanely rich but I'm fairly kind. I'm just a simple guy with a crazy elusive ambition of meeting your acquaintance. So, hi!"
- dodong, nakikipagtextmate

"I stay awake in the coldness of the darkened sky contemplating why, for some reasons, has my emptiness made itself manifest, extending to that niche where I was given life and growth that because of austerity I was made separated from..."
- inday, hindi makatulog dahil naho-homesick

"I am solitary. I find it hard to succumb into slumber, though the downpour of rain should've made it easy. This exuberant emotional glue I have for you, cannot be simply washed away. The multiplicity of what I feel for you is inevitable. This isn't platonic. It's real, true romance."
- inday, nag-eemote sa may bintana habang iniisip si dodong, ang boyfriend niya

"Drunken shrimp and blue lobster meat with caviar served with milagrosa rice (red variety) and apricot sauce. Vegetable in balsamic vinegar splashed with extra virgin olive oil. Lychee and peach salad with sour cream cheese topped with lemon zests."
- baon ni junior sa daycare na inihanda ni inday

"Bloody hell! What the f**k did just land on my cutie top? I mean I've spent all day just to make myself look fabulous. I think I'll have this thing removed in a whip wham of time!"
-reaksyon ni inday nung natalsikan siya ng mantika habang nagluluto ng tilapia

"Ipomea aquatica has become the constant ingredient to this Filipino delicacy which is very helpful in the digestion during peristaltic process of the food we intake. Due to the continuous rains and floods, the harvest of the said vegetable has lessen the production in the market!"
- banat ni inday kung bakit walang kangkong sa nilutong sinigang

"Heavy fire that exerted by the stimulus affect the best conductor of hear which is steel, causing the Oriza sativa which is the scientific name of rice to change its state of color, smell as well as the taste."
- sagot ni inday nang tanungin siya ng amo kung bakit nasunog ang sining

"Off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!"
- sis inday, pinapaalis ang makulit na pulubi sa gate (taray talaga ni inday!)

"Allergens triggered the immune response. Eosinophilic migration occurs to the reaction site and release of chemotactic and anaphylotoxin including histamine and prostaglandins. These substances result to increased circulation to the site promoting redness."
- sagot ni inday nang tanungin ni sir kung bakit may rashes si junior

"Dear Mom,
Had it not been for the smelling salt, I must have collapsed moment ago. Junior has become a little monster to me. Remember the head accident he had? As if it wasn't enough, he was summoned by the principal of his shabbily run academe. Oh such an erudite bunch of baboons! I never though being a governess can be such a strenuous employ.
Your daughter,
inday

Dear Inday,
Walanghiya ka! Magpadala ka ng pera! Nasa ospital nanay mo, dumugo ang ilong kababasa ng pesteng sulat mo!
Tatay"

"Physical stress and excessive work may result to serious damage to one's body. It is therefore essential that once in a while we take a break from our usual routine to replenish the lost energy we once had."
- sabi ni inday sa amo noong humingi siya ng day off

"I hate how coffee turns into an addiction and how it keeps you up all night. How it burns and makes your heart beat fast. Especially how it makes you crave for its rich and sweet promises of grains, milk and sugar. Moments later, it puts you into a melancholic mood of coldness before you realize, it has consumed you before you should have consumed it. Empty, hollow, bitter. Then again, you crave for another cup..."
- inday, nang matikman ang starbucks ng amo

misis: "Inday, bakit mo binenta yung sirang silya?"
inday: "I have computed the chair's fair value less cost to sell, and the value in use using projections for 5 years and a pre-tax discount rate. Accordingly, the value in use is lower, so I decided to sell the chair. This in accordance with PAS18 on Revenue and PAS16 on Property, Plant and Equipment, and PAS36 on Impairment Assets!"
misis: "Adik ka talaga inday!"

amo: "Mula ngayon walamg magsasalita ng ingles. Ang sinumang magpadugo ng ilong ko at sa mga anak ko, palalayasin sa pamamahay na'to! Klaro ba?"
inday: "Ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunamgunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalikdan ang matayod at palalong banyagang wika, manapay kakalingain, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban."

kwentong dyip....

kanina, sumakay ako sa jeep,
ako lang sakay ni manong..
nagsalita bigla si manong,

"hirap talaga pumasada, lalo na kapag bihita ang sumasakay.."

sabi ko, opo nga eh..

sabay tanong niya, "nagmahal ka na no?"

sa isip ko, koneksyon?

sabay dugtong niya, "hirap talagang pakawalan ang taong sobrang mahal mo lalo na kapag ipinangako mo na sa sarili mo na siya na talaga hanggang sa huli.."

sumagot ako, "ah ganun ho ba?"

sabi niya- "mahal na talaga.."

"ah oo.. magtataas nga ulet pasahe.." - sagot ko
sabay sabi niya..

"ganito yan..
ang gas, dyip at ang mismong daan ay parag pag-ibig, ang driver ay ikaw. ang pasahero siya. minsan kahit anong ayos ng daan, kahit full tank ka o kahit ok pa dyip mo, kapag gusto nang bumaba ng pasahero mo, wala kang magagawa."

"minsan, ipagkatiwala mo manibela mo sa taas. malay mo sa pagpasada mo ulit, siya pa rin ang pumara at sumakay.."


-- ang drama ni manong, nakakadala.... (mula sa isang pinagpapasahang text message)

Thursday, August 09, 2007

nonsense questions?

considered nonsense questions that somewhat makes sense:

"Ang lason ba kapag nag-expire nakakalason pa rin?"


"Bakit kapag close kayo, open kayo sa isa't isa?"

"Puwede bang maglagay ng baong pang-dinner o breakfast sa lunchbox?
"

" If "pro" is the opposite of "con", is "con"gress the opposite of "pro"gress?
"

"If you expect the unexpected, wouldn't the unexpected be expected?"

Tuesday, August 07, 2007

imagine being with him forever....

What makes a person worth loving?

It's when you're both sleeping in a cold night...
You turn around, seeing him in his most innocent state...
You kissed him gently...
Making sure he'll not wake up...
You turn your back and a smile light up your face...
And then you felt an arm hugging your waist...
A warm breath on the back of your neck...
Hearing him say "I love you"...

No feeling can ever get better than this...

- a forwarded text message

LOVE
this four-letter word
what does this really mean?
i've been looking for the answers for so long
not sure though if i've been looking in the right places

people tend to see love strictly from the romantic love point of view
when people talk about love, it should be about romantic love
it's not that they consider brotherly or sisterly love or patriotism are not forms of love
it's just that romantic love tends to be more "juicy"
people have more things to gossip about when this is the topic
however, romantic love, as a topic, has lost most of its flavor
when people talk about this, it's usually about frustration, broken hearts, various problems
seldom will you hear people talking about their happy experiences with their partner
couples tend to keep to themselves the happy sides of the relationship
they only talk to other people when there is a problem

anyway, this is not actually what i wanted to talk about
the thought just crossed my mind
since this post is something about love,
might as well include it here

so about the text message i wrote earlier
i got it from a friend last week
when i first read it, i was imagining every detail
it was as if a movie was actually playing in my head
every time i receive this kind of message, i can't help but think of someone
i'm a proud member of SSB (in case you don't know, this means Single Since Birth)
but i have lots of crushes, some gets a bit serious at times but it never reached "that" point
i believe that there is still no need for me to have this "special" someone
it's a personal choice
i'm happy about this and i'm proud of it

however, there are really times when i imagine myself walking with someone
i imagine myself lying on the grass under the starry sky, talking with this special someone
but all these fantasies disappear when i think of my special someone and imagine myself with him for the rest of my life
i really want my first to be the last
if i can't imagine myself spending the rest of my life with this special someone, then it's not him
it's one of the simplest yet most crucial criteria in my search for "my" guy
no matter how "good" he is, if i can't imagine being with him forever, it's over

i was just thinking, do married couples thought about this when they got married?
do divorced couples think about this before they decided to marry this someone?
if i have this line of thought, am i not thinking way ahead, am i sealing the relationship prematurely?
what if various changes comes along the way, will i reconsider

oh well, i'm somewhat challenging my own ideas
hope i'm making some sense

hahaha oh wel
just wanted to let that out
been keeping this thought for so long
hope i got to communicate my point
don't want to expound on it
maybe next time

kamusta naman yan

Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan Nobita! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala.

nang mabasa ko ito sa text, tinamaan ako. dun pumasok sa pag-uunawa ko ang katotohanan sa mga sinabi ni doraemon. madalas kasi akong napaptanong kung bakit hindi ko magawa ang maraming bagay na nais ko. marami akong nais baguhin sa sarili ko, para sa ikabubuti ng trabaho ko at ng mga ginagawa ko. ngunit ano man ang subok kong gawin ito, hindi ko pa rin magawa. kaya pala, sa lebel lang kasi ng isip, ng utak umiiral ang pagnanais kong magbago. hindi naman talaga ako naniniwalang magagawa ko ito. kadalasan nga, may bahagi sa aking sarili na lumalayo sa pagbabago. may bahagi sa akin na ayaw sa pagbabago. minsan nga, upang matakpan ang pag-ayaw ko dito, sinasabi ko na lamang na iba kasi ang naging pagpapalaki sa akin. nagdadahilan ako sa sarili ko. nakakatawa iyon ngunit ganoon ang mga nagiging aksyon ko dahil sa maling pag-uunawa sa sarili.

maraming salama sa mga linyang tulad nito, napahihinto ako at napapaisip
minsan, hindi mo iisiping ganito ang maidudulot sa iyo ng mga palabas na mga batang paslit lamang ang nanonood.
nakatutuwa nga naman ang mundo
puno ng sorpresa....

Wednesday, August 01, 2007

human security act....

kanina na lamang ulit ako nakinig ng balita
matapos ang mahigit sa isang buwan na walang telebisyon mula Lunes hanggang Biyernes
kakaiba talaga ang pakiramdam
parang ang tagal kong nawalan ng pakialam, ng koneksyon sa mundo

kanina na lamang ulit ako nakinig sa isang diskusyon
isang diskusyon ukol sa Pilipinas
mga salita tulad ng maka-kaliwa, aktibista, terorista, karapatang pantao
ito ang mga salitang kasama ko kanina
na-miss ko sila
matagal na kasi kaming hindi nagkakasama
minsan, naiisip ko na mayroong bahagi ng aking sarili na may pagka-radikal
nagnanais ng malalaking pagbabago o repormasyon sa lipunan
marami rin akong nais wasaking mga sistema
ngunit sa pagdaan ng panahon, nawala ang alab
naisantabi ang bahagi kong ito

kanina, habang nagninilay ukol sa mga kasalukuyang nagaganap sa bansa
nakabuo ako ng ilang mga ideya
narito ang ilan sa kanila, sana ay magbigay kayo ng komento...

una. anumang gawin ng pamahalaan, hindi rin magiging ganoon ka-epektibo dahil wala nang tiwala ang mga tao. hindi na naniniwala ang maraming Pilipino sa mga binibitawang salita ng maraming opisyal. karamihan, may paghihinala na kaagad sa motibo ng mga opisyal sa pagpasa ng isang batas o paggawa ng isang aksyon. kahit na maganda pa ang intensyon ng pamahalaan sa mga ginagawa nitong aksyon, nababalutan na kaagad ito ng samu't saring pagpaparatang. kadalasan, natatabunan na ang magagandang katangian ng isang gawain dahil sa mga naglalabasang mga isyu.
nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang nangyayari sa bansa ngayon. lahat nahihirapang magtiwala. kung isang kapit-bahay na nga lamang pinaghihinalaan na ng kung anu-ano, ang pamahalaan pa kaya. nakakalungkot dahil umabot tayo sa ganitong kalagayan. tila sumobra ang pagiging kritikal, ang pagiging mapanuri, ang pagkuwestiyon. hindi ko naman sinasabing mali ang mga ito. may mga panahon lamang na nararamdaman kong ginagawa na lamang ito ng tao para lamang masabi na may ginagawa nga siya. dahil sa lahat ng ito, naaantala ang maraming gawain hanggang sa punto na hindi na ito naisasakatuparan o kaya naman ay minamadali na lamang.

ikalawa. parang walang silbi nang ipagtanggol ang isang puntong pinaniniwalaan dahil sa bansa natin, kapag hindi nakuha ng nakararami ang kanilang gusto, sasabihin na may pandaraya o kaya naman ay hindi nasunod ang tamang proseso. sa maikling salita pipiliting hanapan ng butas ang isang pagtatanggol hanggang umabot sa puntong susukuan mo na lamang dahil wala nang patutunguhan ang argumento. mahirap kasing kumbinsihin ang mga taong sarado na ang mga utak, ang mga tao sa pamahalaan, magagaling silang mangumbinsi kaya naman kapag napaniwala na ng isang panig ang mga tao, mahirap na silang pabaguhin ng isip. dagdag pa dito ang kawalan ng tiwala ng mga tao. dahil sa mga pagdududa, hindi na bukas ang mga tao sa mga bagong ideya o opinyon na taliwas sa nauna nilang pinaniwalaan.

ikatlo. may kakaibang pagmamataas ang maraming tao sa bansa. hindi lamang naman sa atin ngunit sa ibang bansa rin ay nagaganap ito. ngunit ang pagmamataas na ito ay makikita sa pagtanggi ng mga tao na aminin ang kanilang pagkakamali. dahil sa hindi pag-amin na ito, ang nangyayari ay nagiging sarado na ang isip ng mga tao anumang taliwas sa kung ano ang nakukuta nilang tama ay hindi na nila kinikilala. dahil din sa pagmamataas na ito, para bang naging tuod na ang mga tao. wala na silang pagtubo dahil ang pinahihintulutan lamang na pumasok sa sistema ay iyong naaayon sa kung anuman ang meron na doon.

marami akong naiisip sa mga ilang pagakakataong nagagawa kong mag-isip.
hindi ko na maalaala ang lahat